TRAVELER 27: Package

482 20 2
                                    

Note: Dear readers, kapag nag-a-announce ako, sa message board ko rin nilalagay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Dear readers, kapag nag-a-announce ako, sa message board ko rin nilalagay. At madalas kapag nagsasabi ako ng araw ng update ay tuwing hatinggabi ako nakakapag-publish dahil sa gabi lang din ako nakakagawa. Para hindi kayo maghintay. Thank you!


[Pamela's POV]

"Ma, ako na diyan."

"Ako na, Rhayne. Kaya ko na 'to."

"Ma, ako na nga."

"Rhayne, huwag kang makulit. Bantayan mo na lang si Six sa loob," nagbuntong hininga ako. Kanina ko pang pinipilit si mama na ako na ang maglaba. Kakaunti naman 'yon kaya alam kong kaya ko na pero ayaw magpatalo ni mama.

Kaya pinuntahan ko na lang ang anak ko at pinaarawan ulit sa labas.

"Anak, do you want to go outside? Outside?"

Agad namang ngumiti at parang nagpapadyak sa sobrang excitement ang anak ko.

"Tside...t-side," panggagaya niya sa huling sinabi ko kaya hinalikan ko ng hinalikan ang pisngi sa sobrang pagkagigil.

Kinuha ko ang stroller niya sa garahe at doon siya inilagay. Hindi na rin ako naglalagay ng bandana sa ulo ko dahil mula nang simulan ang maintenance therapy ko, unti-unti ng bumalik ang pagtubo ng buhok ko. Hindi man mahaba tulad ng dati pero sapat na para hindi ko takpan.

3 inches na 'to kaya parang gupit ng lalaki. Ibinabagay ko na lang ang hairstyle sa mga nakikita kong babae rin na may ganitong ikli ng buhok.

"Anak, do you feel the sun?"

"S-sun..."

"Yes, anak. That's the sun." I said while touching his skin.

"Dou feel warm here, baby?"

"B-baby..."

Natawa na lang ako. Kahit hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko, itinutuloy-tuloy ko lang. Lagi naming kinakausap nina mama at papa. Pati ang ama niya, lagi siyang pinapasagot sa paborito niyang kanta. Pero wala, bigo pa rin kaming lahat. Sasagutin lang talaga niya ng huling salitang narinig niya.

"I love you, anak. Love na love ka ni nanay."

"'N-nay..."

***

"Tao po! Tao po!" rinig kong tawag ng boses ng lalaki sa labas kaya ako ang humarap.

"Shopee?" tanong ko pero umiling si kuya.

"Package po para sa inyo, ma'am."

"Ah okay..."

Tiningnan ko ang sender. From Singapore... and in that moment, I already know who he is. Nagpatulong na lang ako kay kuya na dalhin sa terrace.

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon