TRAVELER 29: Date

963 26 6
                                    

Note: Musta? Almost one month na akong di naka-update

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Musta? Almost one month na akong di naka-update. Btw, Huwag niyo na lang pansinin ang new cover haha. Ibabalik ko din siguro sa dati kapag nag-start na ang mga susunod na series. Thank you!


[Pamela's POV]

Pagkatapos ng nakakapagod pero masayang celebration na inihanda namin para kay Six, tumulong ako kina mama at papa para likumin ang mga upuan sa isang sulok.

Si Ismael naman ay nahiga muna sa kuwarto namin kasama si Six at pinagpahinga ko na.

Pero bago kami pumasok, sumalubong sa akin sa terrace ang anak ko. Kinukusot niya ang mga mata niya na hindi maitatago ang sobrang pagkaantok.

"Anak, bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na, ah..." May pag-aalala sa boses ko.

"Tagal mo 'nay, e." Sabay hikab niya kaya hinaplos ko ang buhok.

"Hinintay mo pa talaga si nanay?"

"mm," pagtango niya.

"Si tatay, tulog na?"

"mm"

"Siya, pasok na tayo sa loob, anak."

Hinawakan ko na siya sa kamay para alalayan. Pinatay ko na rin ang mga ilaw sa labas at loob ng bahay.

Nang makahiga ako ay tumabi sa akin si Six. Si Ismael naman ay nakadapa at tulog na tulog. Ayaw pa niyang matulog kanina dahil gusto niya raw na antayin muna ako pero tingnan mo ngayon, tumbang-tumba na. 

Napansin ko na maputi na ang kulay ng balat niya. Hindi katulad dito na sunog ang kulay dahil laging nasa arawan. Mas pogi siya ngayon.

Naramdaman ko naman sa bewang ko ang pagyapos ni Six kaya ikinulong ko na sa mga braso ko. Hinaplos ko ng hinaplos ang buhok nito hanggang sa makatulog na. 

Tiningnan ko silang dalawa na nasa tabi ko.

Hindi ko talaga inaakalang magiging kumpleto na ulit kami ngayon. Kanina habang pinapanood ko sila sa games, hindi ko maiwasang maiyak na magkasama na silang dalawa.

Hindi ko akalaing makakauwi agad si Ismael, e.

Wala pa kasi talaga sa plano niya ang makauwi dahil mas gusto niya sanang itapat sa anniversary namin. Pero... naisip din namin na tamang-tama ngayon dahil walang pasok si Six.

Nakapagpaalam naman agad siya sa Ospital at sa Restaurant. Walang naging problema kaya hindi na namin pinalagpas ang pagkakataong 'to.

Sa sobrang pagod, hindi ko namalayang tanghali na akong nagising. Pero nanibago ako na sa paggising ko, dalawa ang katabi ko.

Tulog pa rin pala sila kaya maingat akong humiwalay sa anak ko. Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay niya na nakapalibot sa bewang ko.

Salamat talaga dahil hindi nagising. Kaya pumunta ako sa kusina para maghanda at ipaghain sila. May kanin at ulam pa rin naman kaming natira kahapon na pinainit na pala ni mama.

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon