[Pamela's POV]
Bago matapos ang first session ay nando'n si Doc Hana para imonitor kung may allergic reaction ako sa gamot. Buti na lang at naging successful. Nang matapos ang chemo session ko, naglunch agad kami sa sasakyan. Bago naman makauwi, bumili pa si Ismael ng kung ano-anong pagkain.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya habang nakaupo ako sa sofa at karga naman niya si Six.
"Okay lang," sabay bukas ng TV. I'm alright because I'm not experiencing any weird symptoms. Doc Hana previously stated that once I start chemo, my abdominal pain will be subsided.
Lumipas ang dalawang oras na wala akong ginawa kaya naisipan kong kunin ang gamit ko para sa paggawa ng crochet. Itutuloy ko lang ulit ang paggawa ng jacket ni Six. Nakakainip talaga kapag nasa bahay lang.
Gusto ko sanang maglive selling ulit pero hindi ko na ipinilit. Pakiramdam ko kasi, napipilitan lang din si Ismael na pumayag.
I checked my things before to start.
✔️Yarn
✔️Crochet hook
✔️Stitch marker
✔️Scissors
✔️Measuring tape
✔️Buttons
✔️Ballpen
✔️NotepadInuna ko munang gawin ang body part - front. Isusunod ko ang back at sleeves.
Hindi ko na naman nalamayan ang oras dahil nakita ko sa bintana na madilim na pala. Hindi ko pa natatapos ang front part ay nakaramdam na ako ng pagod.
Kaya nabitawan ko ito at napapikit habang isinasandal ko ang likod ko sa sofa. Nang unti-unti na akong manlambot ay tuluyan na akong nahiga. Inaantok na ako.
Sa sobrang pagod ay hindi ko na napansing nakatulog na pala 'ko.
"Pamela, tara na. Kain na," marahan niyang tinapik ang braso ko para magising. Unti-unti akong nagmulat pero parang hindi ko ata kaya. Nanlalata ako.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Ismael asking me with a concerned tone.
"Sunod na lang ako," sagot ko.
"Dalhin ko na lang dito, hmm?" he then kissed my cheek as he walked into the kitchen. Naamoy ko ang niluto niyang nilagang manok. I don't know why I feel like I want to puke.
BINABASA MO ANG
The Travelers' Phenomena
RomansaCOUPLE SERIES #1 |Part 2| Kung pinagbigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sasayangin mo pa ba? Kung galing ka sa isang lugar ng delubyo, babalik ka ba? O pipiliin mo nang maglakbay paalis doon? Kung maglalakbay, iyon ay dahil gusto mong makarating s...