TRAVELER 15: Transform

808 19 3
                                    

Dedicated to ThaliaMiaBella❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dedicated to ThaliaMiaBella❤️

[Pamela's POV]

Maaga akong nagising kaninang umaga at hanggang ngayong hapon, hindi pa rin ako makamove-on sa naging pag-uusap namin ni Ismael kagabi. It lingers in my mind. Naguguilty din ako dahil hindi ko alam na napansin niya ang pagdadahilan ko. 

Yes, natatakot ako. My heart want to say yes but my mind decided to say no. Noong gabing sinubukan namin ni Ismael, the electricity flows to our body na para bang nawawalan na rin kami ng kontrol dahil sa nararamdaman namin. Patuloy naming tinugunan ang init ng katawan pero bigla akong napatigil. 

I can't help but be nervous. Kapag wala pa talagang karanasan, gano'n talaga siguro. Sabi kasi nila, masakit daw 'yon lalo na kung first time. May nangyari man sa amin noon, nakainom ako at hindi ko alam. Isa pa, dumagdag ang sakit ko kaya baka hindi ko kayanin ang pain kung sakali.

When, I remember his face when I rejected him again, mas lalo akong naguilty. His eyes, kitang-kita ko ang kagustuhan niyang ituloy pero mas nangibabaw sa kaniya ang nararamdaman ko. Nagawa niyang kontrolin ang sarili niya para sa kapakanan ko. 

How long will he act this way? How long will he be able to understand me? Natatakot ako na baka isang araw, mapagod na siya sa kaiintay. Because I am aware of myself... I'm still not ready for it.

Pagkakain namin ng tanghalian, ngayon naman ay ipinagtitimpla ko ng gatas si baby Six. Kahit malaki-laki na siya, gatas pa rin ang hinahanap kaya hindi puwedeng wala akong stocks. Medyo pihikan talaga siya dahil mamahaling gatas ang gusto niya. Kaya sa ganitong bagay, hindi ko talaga tinitipid ang anak ko. Siyempre, kahit naman sinong ina, basta kaya ng bulsa, gagawin para sa kailangan ng anak.

Kaya pagkatimpla, dinalhan ko na siya sa sala na nakalagay sa feeding bottle niya. Nakaupo lang sa sofa namin.

"Anak, ito na ang paborito mo. Inom-inom na 'yan," magiliw kong alok kay Six. Inilagay ko siya sa kandungan ko at kinapa ang likod. Madalas kong tinitingnan at baka mapawisan nang hindi ko alam. Mahirap magkasakit kaya kung kinakailangang minu-minuto ay lagyan ko siya ng tuwalya sa likod, gagawin ko, masiguro ko lang na hindi siya matutuyuan. 

Kinapa naman niya ang bote at saglit na napangiti. Napangiti rin ako nang simulan na niyang ut-utin 'yon. When I look at my son, his smile is contagious... that vanishes my exhaustion.

Dahil wala rin naman akong magawa, sinimulan ko na lang na maggantsilyo. Naisip kong gumawa ng jacket at bonnet hat ng baby ko. Igagawa ko rin pala si Ismael.

Kinuha ko sa cabinet ang crochet hook pati na rin ang yarn. Ang bilis talaga ng panahon. Noon lang, tinuturuan pa 'ko ni tiyang Amy, tapos ngayon ay hasang-hasa na 'ko rito. Kung bonnet lang ang gagawin ko, kaya na nang wala pang 1 hour. Pero dahil may jacket, baka abutin ako nang dalawang araw dahil hindi lang naman ito ang ginagawa ko. 

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon