TRAVELER 31: Call

1.3K 26 15
                                    

Note: You can play the suggested music in this chapter while reading the scenes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: You can play the suggested music in this chapter while reading the scenes.


[Pamela's POV]

Mabilis na mabilis na naman ang araw. Dahil pagkatapos ng therapy ko, umuwi na sina Papa at Mama sa Batangas.

Kaya kami lang ni Six ang nasa bahay. 

"Nanay, kailan po uuwi sina Papa Lo at Mama La?"

"Bakit? Miss mo na?" tanong ko.

Nanahimik siya, unti-unting ngumiti bago tumango-tango. 

"Sige, tayo na ang tumawag sa kanila."

Araw-araw tumatawag sina mama at papa sa amin ni Six. But he always asks when they will come home.

"Ayan, nasa kabilang linya na si Papa Lo. Sabihin mo ang gusto mong sabihin sa kanila," I added.

"Hahaha, miss na ba ako ng apo ko?" 

Six's eyes widened upon hearing the voice of his Papa Lo.

"Papa Lo! Papa Lo! I'm here! When will you come back? I miss your smooth head, Papa Lo! I want to kiss that po." 

"Hahahaha, miss na miss mo na ang makinis kong ulo. Siya, hanap ka ng kalbo diyan sa kapitbahay natin haha!" 

"Nooo, Papa Lo! Gusto ko po 'yung sa'yo."

"Hahaha, miss na miss ko na rin naman ang makulit kong apo."

"Si Six ba 'yan?" tanong ni Mama sa kabilang linya.

"Yes, Mama La. Balik na po kayo dito para sarap po ulit ulam ko hahaha!" 

Aba, talagang ipinamukha pa sa'kin. Minsan, gusto ko na talagang i-duct tape ang bibig ng batang 'to! Walang pasintabi tsk tsk tsk.

"Sige, kapag bumalik kami riyan, ipagluluto kita ng masarap na lomi ng Batangas. Magugustuhan mo 'yon."

"Really, Mama La? Uwi na lang po kayo bukas."

"Anak, huwag mong madaliin ang mga Mama La at Papa Lo mo. Ayaw mo ba akong kasama rito?"

"E nanay, miss ko na nga po ang smooth head ni Papa Lo. Wala po kayong smooth head haha."

Napailing na lang ako pero natatawa. Love language na nilang maglolo 'yan. Mahilig talaga niyang hawakan ang ulo ng Papa Lo niya. Ibang-iba raw sa amin na may mga buhok. 

"Baka matagalan pa kami ng uwi ng Mama La mo, apo. Sumali ba naman sa Zumba rito haha. Basta huwag pasaway sa nanay mo, ha? Siya lang nandiyan."

"Opo, Papa Lo. Sobrang bait ko raw po, sabi ni nanay." Nangunot ang noo ko nang sabihin niya 'yon. 

Parang wala akong natatandaang sinabi ko 'yon. 

"Talaga? Maganda 'yan, apo. Siya, bukas na lang ulit ng umaga kami tatawag." Paalam ni Papa sa kaniya. 

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon