TRAVELER 28: Gift

768 23 9
                                    

Note: Ang kabanatang ito at ang mga susunod pang mga kabanata ay mga draft or deleted chapter na nagamit na rin dito kaya mapapansin niyo na marami agad ang views nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Ang kabanatang ito at ang mga susunod pang mga kabanata ay mga draft or deleted chapter na nagamit na rin dito kaya mapapansin niyo na marami agad ang views nito. Gagamitin ko lang para hindi sayang. Ayon lang, thank you!

Happy reading! Maging bata ulit tayo :)


[Ismael's POV]

Nang sagutin ni Pamela ang tawag ko ay mukha ni Six ang sumalubong sa screen. Ang anggulo na nakikita ko ay ang dibdib at baba nito.

Nangunot ang noo ko nang mapansin na may galos ito sa kamay niya.

"'T-tay..."

"Six, bakit? Anong nangyari sa'yo? Ang nanay mo, kasama mo diyan? Bakit may sugat ka?"

"'T-tay..." Gumagaralgal ang boses nito. "Sakit siko ko. Nadapa ako sa lupa." Tinitingnan kong maigi ang mukha nito kahit magulo ang anggulo pero halata rito na paiyak na.

"Bakit ka nadapa? Hindi mo kasama ang nanay mo?" umiling ito.

"Umalis kanina. Tapos pagbalik, pinagalitan ako. Iniwan kasi ako Andrei do'n sa playground. Nadapa ako."

"'Yoko kay nanay. S-sakit siko ko tapos... tapos..."

"Anak, ibigay mo sa nanay mo ang cellphone." Umiling ito.

"'Yoko, 'tay."

Hindi ko makita si Pamela sa screen. Hinarangan talaga ni Six ang camera. Kaya nag-isip ako ng sasabihin.

"Sige, anak. Magkuwento ka sa'kin." Pero umiling na naman.

"'Yoko na, 'tay. Gagalit ka din."

"Magagalit? Sa tingin mo, gano'n kami ng nanay mo, Six?" tanong ko sa mahinahong tono.

"Opo. Galit nanay, e."

"Anak, hindi ako galit sa'yo." Doon ko na narinig ang boses ni Pamela.

"Galit ka, e. Pinagalitan mo 'ko kanina." May halong pagtatampo ang boses ni Six.

Ramdam ko kung gaano nahihirapan si Pamela sa sasabihin para ipaintindi sa anak namin ang dapat nitong maintindihan.

Hindi ko man alam ang buong kuwento pero sigurado akong hindi basta-basta pagagalitan ni Pamela si Six ng walang dahilan.

"Anak, makinig ka muna sa'kin."

"'Yoko nga, 'Nay!"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Six.

"Ismael, ang anak mo." May pagsuko na sa boses ni Pamela.

Kaya huminga ako nang malalim.

"I hate you, nanay! Sumbong mo na naman ako, tatay!"

"Anak, Six..." tawag ko rito.

"'Tay, si nanay po, e." Napapikit ako. Pero pagkatapos ay tiningnan ko na ulit siya sa screen.

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon