[Pamela's POV]
Pagbangon ko, nakita kong gising na pala si baby Six. Kinakapa niya ang laruang binili ko para sa kaniya at hindi iyon binibitawan.
Medyo kumakalam na rin ang sikmura ko pero sa totoo lang, wala akong ganang kumain. Pero ang laging turo sa amin ni papa at mama, huwag lilibanan ang almusal.
Kaya pumunta ako sa kusina. Namilog ang bibig ko nang makita ang gulay na nasa kaldero at ang pinakuluang nilagang itlog. Sumibangot tuloy ang mukha ko dahil hindi na niya 'ko naturuan.
Ayoko pa rin naman talaga ng gulay pero iniisip ko na lang na pampahaba ng buhay ko para makasama pa nang mas matagal ang pamilya ko. Kaya sumandok na ako para sa amin ng anak ko.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang maalala ko ang nangyari kahapon. Natakot ako. Kinabahan talaga ako nang makita ni Ismael ang message ni Steph. Paano na lang kung iba ang nakalagay sa message?
Sasabihin ko naman sa kaniya pero kailangan ko lang ng tiyempo. Sa tamang panahon. Ayoko lang siyang biglain ngayon.
Napatingin naman ako sa orasan at 9:00 a.m. na pala. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagod na naramdaman ko.
Pero ayos na naman ulit ako. Sayang ang araw kaya susulitin ko na. Kaya binuhat ko ang anak ko papunta sa sala. Kinabitan ko na rin siya ng feeding towel.
"Anak, susubuan ka ni nanay. Buka ang bibig," ibinuka na nga niya ang bibig. Sobrang sarap sa pakiramdam na nakakasama ko na ulit ang anak ko.
Napansin ko naman na hindi siya malikot tulad ng kuwento nina mama at papa. This past few days, hindi niya kami binigyan ng sakit ng ulo. Isa pa, hindi rin siya madalas umiyak.
Since andito lang ako sa bahay, binuksan ko muna ang TV.
"Mga momshies, may panibagong sikreto na naman akong ibabahagi sa inyo para sa masarap na kainan at kwentuhan ng pamilya. Hindi magiging masaya ang pagkain ng ating hubby at babies sa umagahan, tanghalian, at hapunan kung wala tayong mga ina. Kaya ihanda na mga momshies ang ating puso para sa masayang chikahan dito lang sa? Eating Ina!"
"Hay, ang ganda ng umaga, no? At ikaw na nanonood, kapag tinapos mo ang show na ito, sigurado akong mapapaluto ka rin at mapapa-say ng Eating Ina sa sarap! Char!"
"Okay, sige na. Simulan na natin ang eAting kwentuhan with cooking tips. At para magawa iyon, tumawag tayo ng isang audience para husgahan na agad ang aking inihanda."
"Hello, what's your name?"
"Lina po..."
"Cute name. Okay, tikman mo na Lina ang Ginataang Sitaw with Kalabasa N Crabs."
"Ayan, tinitikman na niya."
"Anong say, Lina? Kamusta ang lasa?"
"mm, grabe."
BINABASA MO ANG
The Travelers' Phenomena
RomanceCOUPLE SERIES #1 |Part 2| Kung pinagbigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sasayangin mo pa ba? Kung galing ka sa isang lugar ng delubyo, babalik ka ba? O pipiliin mo nang maglakbay paalis doon? Kung maglalakbay, iyon ay dahil gusto mong makarating s...