TRAVELER 25: Anniversary

545 14 2
                                    

Dedicated to MILLIEQUIVALENT❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dedicated to MILLIEQUIVALENT❤️


[Ismael's POV]

Nang makauwi kami sa bahay, may ulan pa rin pero hindi na gaanong kalakas. Napakamot na lang ako sa batok nang makitang abalang-abala sina ate Marina at kuya Mike sa paghahain ng mga pagkaing niluto nila. May mahabang mesa sa terrace at nakita ko rin doon ang menudo, chop seuy, shanghai, macaroni, salad, at cucumber juice.

"Congratulations, Mael!"

Salubong na bati ni ate Marina. Lumapit siya sa akin at pinanggigilan ang pisngi ko.

"Galing talaga ng Mael namin. Siya, kain na kayo. Nag-invite na kami ng mga kapitbahay. Oh, ayan na pala sila," turo niya sa mga bisita. "Mga Mare! Kain kayo ng tanghalian dito. Huwag mahihiya. Marami kaming niluto."

Dinaldal na niya ang mga dumating kaya lumapit ako kay kuya Mike habang karga ang anak naming si Six. Lumabas din si Pamela na bagaman nanghihina ay nagawa pa ring magbihis at mag-ayos.

Humalik siya sa pisngi ko bago humarap sa mga bisita.

Ako naman ay humalik sa pisngi ni Six at nang makilala ang presensya ko ay nagpumilit na sa akin magpabuhat. Kaya kinuha ko na kay kuya Mike.

"Kuya, salamat sa pahanda. Hindi ko alam 'to, napagastos pa kayo." Nakangiti kong sabi.

"Mali ka, Mael."

Mas lumapit pa siya sa akin at bumulong.

"Kami lang ang nagluto pero ang gumastos..." Inginuso niya ang mga biyenan ko kaya napamaang ako.

"Talaga, kuya?" tumango siya.

"Alam mo ba kung sino ang nakaisip niyan?" kumunot ang noo ko. Kaya muling inginuso ni kuya Mike ang labi nito sa direksyon ni... mama?

"Oo, Mael. Si Mama Amelia," kumindat pa siya sa'kin. Pagkatapos ay pumunta na rin ito sa mga bisita. Ibig sabihin, may alam talaga si Papa.

Tiningnan ko naman ang biyenan kong babae na abalang-abala sa pagbabalot ng plastic sa pinggan na ibibigay sa mga dumarating.

Seryoso siya kung titingnan o siguro... sa akin lang talaga gano'n. Pero ngayon, hindi ako makapaniwalang gagawin niya 'to.

"Ismael..." Tawag ni Pamela. 

Itinuro niya sa'kin ang dumating. Mga dati kong katrabaho na kasama ko sa apartment.

Tumango ako sa kanila at lumapit na rin ako. Ngayon ko lang ulit sila nakausap. Kaya habang kumakain sila ay nakibalita na rin ako sa mga kaganapan sa production site. 

Ang magandang balita, sinabi nilang mas marami ng nagagawang sako na walang sira kung ikukumpara sa dati. Puring-puri nila si Pamela dahil siya ang nakaisip ng solusyon.

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon