TRAVELER 24: Card

395 14 3
                                    

Dedicated to DanicaGaudicos3❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dedicated to DanicaGaudicos3❤️


[Ismael's POV]

Nasa mesa kaming lahat maliban sa anak namin na nasa kuna, para pag-usapan ang plano namin ni Pamela. Mababakas sa mukha ng mga biyenan ko ang pagiging seryoso pero may bahid nang pag-aalala.  

"Anong plano niyo, mga anak?" tanong ni papa. Kaya lumunok ako at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

"Plano ho sana naming... ibenta ang bahay at lupa namin sa Batangas." 

Ang lupang tinutukoy ko ay ang dati naming tinirahan ni Pamela noong panahong apat na buwan pa lang niyang dinadala ang anak namin bago kami maghiwalay. Maliit lang ang lupang iyon pero malaking tulong kapag naibenta namin.

Nang sabihin ko iyon ay pinagsalikop ni papa ang dalawa niyang kamay. Tumingin muna sa asawa bago muling humarap sa'kin.

"Kung gano'n, isama niyo na ang amin," natigilan ako sa narinig ko. Hindi ko alam ang salitang bibigkasin dahil hindi agad pumasok sa isip ko ang dapat kong sabihin kaya si Pamela na ang sumalo.

"Pa? Hindi puwede. Inyo 'yon ni mama. Matagal niyong pinag-ipunan 'yon. Hindi ako papayag." Ang tinutukoy ni Pamela ay ang lupa rin nila sa Batangas na halos kapitbahay lang din namin. Tumira lang sila roon noong huling taon na ni Pamela sa kolehiyo. Noong panahong OJT na niya sa kompanya kung saan kami nagkakilala.

"Anak..."

"Walang matitira sa inyo ni mama, Pa!"

"'Yung lupa't bahay sa Mindoro, kay kuya 'yon," paalala niya sa kanila. "Kaya hindi ako papayag na pakawalan niyo ang pag-aaring matagal niyong pinaghirapan ni mama."

"Rhayne, anak..." biyenan ko ng babae ang nagsalita. Hinawakan niya ang kamay ng asawa ko.

"Walang problema sa'min ang bagay na 'yon. Ang mahalaga, sulit ang pagdadalhan ng pinaghirapan namin. Para sa apo naman namin 'yon... para sa anak mo," huminga ito ng malalim at ngumiti. "Isa pa, hindi naman siguro kami paalisin ng kuya mo kahit pa umuwi sila dito sa Pilipinas. Wala rin namang nakatira sa Batangas dahil narito na tayong lahat," bumagsak ang balikat ni Pamela. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya dahil sa naging desisyon ng magulang niya.

Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng asawa ko. Nakakapanghinayang naman talaga lalo na kung ilang taon bago nila naitayo ang bahay na 'yon.

Kahit pa hindi iyon kalakihan, dugo't pawis pa rin ang inilaan nila para do'n. 

Pero sa huli, pumayag na si Pamela kaya sinimulan ko ng asikasuhin ang bagay na 'yon. 

***

Halos limang araw akong wala sa palengke dahil umuuwi ako sa Batangas. Sa loob ng ilang araw na 'yon, may  mga nakausap na akong interesado pero kapag nandoon na sa lokasyon, biglang umuurong. Ngayon, may isa na ulit akong kausap at sa wakas, balak na niyang bilhin ang lupa namin pati na rin ang sa mga biyenan ko. 

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon