NOTE:
#1 I've made some minor revisions here in Book 2, starting from the prologue. These changes include images, graphics, spelling, punctuations, and even a few phrase alterations. But the core meaning remains intact.
#2 No specific schedule na ang update dahil hindi ko rin naman nasusunod ang sched. I apologize again.
#3 May mga totoong lugar din pala akong isinama rito pero iniiba ko na lang ang address ng slight. May mga image rin na iniba for writing purposes only :)
Thank you for your patience :)
Dedicated to altheacha ❤️
[Pamela's POV]
Maingat kong ibinaba si Six sa sasakyan pauwi sa bahay. Tulad ng ordinaryong araw, nadatnan kong ipinagpapatuloy ni mama ang pagwawalis sa garahe habang nagbabasa naman ng diyaryo si Papa sa terrace.
Luma na ang binabasa niya. Hindi na maaabutan ni Ismael ng bago araw-araw.
Pero nang makita kami ni mama ay sinalubong agad ako para kunin ang apo niya.
Alam kong hindi na naman ito bago sa'kin. 'Yung pakiramdam na may kulang kapag... umaalis ang mga mahal mo sa buhay. Na walang choice dahil... kailangan, e.
Kaya siguro, hindi ko na tinantanan si Ismael noon kasi, pareho kami ng naging sitwasyon. Alam niya rin ang nararamdaman ko kapag naikukuwento ko sa kaniya ang pangungulila ko kina mama at papa.
Kaya nga gusto ko siyang tulungan sa mga kapatid niya. Dahil mas masakit ang nangyari sa kaniya. Pero kampante na rin ako na... sa Singapore siya magtatrabaho. Kahit papaano, puwede na niyang mabisita ang mga kapatid niya.
Ilang oras ang nakalipas nang may tumawag sa messenger account ko. I felt my heart leap the moment I saw his name.
My Husband
Ang nilagay kong nickname sa kaniya.
Agad kong sinagot ang video call.
"Hi, nandiyan ka na?" tanong ko habang nakaupo ako sa sala. Kitang-kita ko ang mukha niya pero parang naglalakad siya dahil magulo ang anggulo.
"Camera"
"Ha?"
"Hindi kita makita," sagot niya kaya natawa ako. Hindi ko napansin na audio lang pala ang sa'kin. Inayos ko muna ng konti ang bandana ko.
BINABASA MO ANG
The Travelers' Phenomena
RomanceCOUPLE SERIES #1 |Part 2| Kung pinagbigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sasayangin mo pa ba? Kung galing ka sa isang lugar ng delubyo, babalik ka ba? O pipiliin mo nang maglakbay paalis doon? Kung maglalakbay, iyon ay dahil gusto mong makarating s...