TRAVELER 3: Lubid

837 26 5
                                    

[Ismael's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Ismael's POV]

January 14, 2023 - Saturday

Ilang araw ang lumipas at naayos na namin ang mga kailangang gawin. Pinintahan ko rin ang labas, ipinasok ang mga gamit na inalisan na rin ng alikabok ng asawa ko, at maging ang kuna ay nasa kwarto na rin.

Nagleave muna ulit kami para makauwi ng mindoro. Pero ginusto rin ng biyenan ko na bumyahe rito para makarating sa magiging bahay namin. Dahil doon, sinasamantala na namin na nandito kami sa bahay.

Dalawang kuwarto ito. Ang banyo, kusina, at sala ay may sapat na espasyo. 

Mahirap pagsabay-sabayin ang trabaho, pagpasok at itong pag-aasikaso ng tirahan namin pero nagawa ko dahil sa pamilya ko.

Sila ang pinagkukunan ko ng lakas. Kaya hindi ko magagawa ang lahat kung hindi dahil sa kanila. 

Kasalukuyan akong nagluluto ng nilagang baboy dahil hiling iyon ng magulang ni Pamela. 

Inihanda ng asawa ko ang mga sangkap tulad ng paminta, asin, mantika, sibuyas, patatas, at saging. Hinugasan na rin niya ang baboy, repolyo, broccoli, pechay, sitaw, at mais.

"Bakit yellow onion?" tanong niya na mahahalata sa tono na wala siyang ideya. Kaya hindi ko maiwasang ilapit ang sarili ko para mahalikan siya sa noo.

"Mas mayaman sa antioxidant at malasa."

"Bakit hindi red onion?"

"Pareho lang naman sila pero ito ang nakita ko sa palengke kaya ito ang binili ko." Sagot ko habang inilalagay na rin ang baboy sa kaldero para magisa.

Inihiwalay ko sa pagpapakulo ang pork broth para hindi mamantika bago ihalo at pagsamahin.

Pagkatapos kong paghaluin ito, saka ko inilagay ang mga gulay dahil mabilis itong lumambot at maluto. Ang pinakahuli naman ay asin para mabalanse ang lasa.

"Kailangan mo lang itong tantyahin para makuha ang tamang lasa," tukoy ko sa asin pero umiling siya.

"No. Kailangan mong sukatin para makuha ang tamang lasa," tumawa na lang ako at sumang-ayon.

Dinamihan ko ang sabaw dahil mahilig doon si Pamela. Isa pa, hindi siya kumakain ng gulay kaya ako ang umuubos noon. 

"Ay, nakalimutan kong gumawa ng exam para bukas. Saglit lang, Ismael. Iwan muna kita diyan," tumango lang ako. 

Wala talaga siyang pahinga. Lunes hanggang Sabado, pumapasok siya sa opisina. Kapag linggo naman, part time lecturer siya sa University na pinapasukan ko. Online teaching naman kaya ayos na rin.

"Mama, Papa..." Narinig ko ang boses niya. Nandito na pala sila kaya pinatay ko na rin ang apoy. Luto na naman.

Inayos ko ang sarili ko at nagdamit bago humarap sa kanila.

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon