[Pamela's POV]
January 16, 2023 - Monday
⏰4:00 a.m.
When I heard the alarm clock, I turned it off right away so my husband wouldn't wake up. Bumangon na 'ko para maghanda. Since hindi ako marunong magluto, kahit prito muna ng itlog at ham.
Magreresearch na lang ako sa online ng puwede kong gayahin kapag tapos na ang trabaho ko. Sa oras na 'to, naalala ko 'yung panaginip ko. Naririnig ko ang tiktilaok ng manok kapag nasa probinsya. Miss ko na ang ganoong buhay.
Lagi kong tinutulungan si tiyang sa pagpapakulo ng tubig sa tungko. Sa tagal ko ng hindi umuuwi roon, hindi ko pa nakikita ulit ang dalawang anak niya.
Ang sarap magmuni-muni kapag ganitong oras pero erase muna. Ang dami ko pang gagawin ngayon.
Kinuha ko itong electric kettle na nasa apartment ko dati para magamit. Nilagyan ko na ng tubig saka isinalang sa kuryente.
Nagtakal na rin ako ng bigas para isalin sa rice cooker. 4 1/2 cups ang nilagay ko at sa klase ng bigas, puwede na ang 5 1/2 cups of water.
Malakas kumain si Ismael sa kanin at kailangan niya talaga 'yon sa dami ng ginagawa niya araw-araw.
Isinama ko naman sa sukat ang babalutin ko sa tanghali para ulam na lang ang bibilhin ko.
Pinrito ko na rin ang ulam namin para maihanda ko pa ang iba pang kailangan. Maingat akong pumunta sa kwarto.
Inihanda ko ang damit na isusuot ni Ismael. 'Yung red t-shirt niya pati na rin ang paborito niyang pantalon na kupas. Isinama ko na rin ang medyas at sapatos. Siyempre, hindi mawawala ang tuwalya. Dalawa na ang inihanda ko para bukod ang umaga at sa hapon.
Inihanda ko na rin ang gamit ni baby Six. Mula ngayon, dadalhin ko na siya sa opisina. Hindi naman ganoong kaistrikto doon kumpara sa pinapangarap kong company kaya makakasama ko ang anak ko.
Una kong hinanap ay ang pares ng damit na isusuot niya. Hmm, ano bang damit ang magiging komportable siya?
Of course, cotton.
Kaya humanap ako ng pang-alis niya.
BINABASA MO ANG
The Travelers' Phenomena
RomanceCOUPLE SERIES #1 |Part 2| Kung pinagbigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sasayangin mo pa ba? Kung galing ka sa isang lugar ng delubyo, babalik ka ba? O pipiliin mo nang maglakbay paalis doon? Kung maglalakbay, iyon ay dahil gusto mong makarating s...