(A/N: Kunwari nageedit ako. Hahaha. eto guys po yung chap16 talaga. hehe. Napagisipan ko kasing iedit po eh para masaya! Hahaha. So enjoy reading guys!)
***[Aira]
Dismissal na namin at nandito na ako sa corridor, naglalakad. Nakayuko. Shit. Ano bang nangyayari sakin? Dumating lang yung Tyson na yun dito. Ugh! Alam na din nga pala nila Khate na nandito si Tyson eh. Bigla tuloy silang nag-alala. Hays. Ba't ba ako nagkakaganto?
Habang naglalakad ako may nakabunggo ako. Punyeta. Sino toh? Di ko naman kasi makita kasi nakayuko ako eh! Note to self: Wag maglalakad habang nakayuko. -_- Hinihimas ko ang ulo ko at munting inangat ito.
Shit. Sa lahat ba naman ng tao?! Sya pa?! Punyeta. Mapagbirong Tadhana nga naman oh!
Si Ice kasi, tinataboy taboy ko kanina pa. Ayun, nagtampo ata. Di na tuloy ako ginulo. Nakakaguilty tuloy. Ugh. Yung barkada ko naman, binigyan ako ng time para makapag isip isip. Eh ano naman iisipin ko?! Kabanas!
"Are you okay Frances?" Sabi nya habang tinutulungan ako tumayo pero tinabig ko ang kamay nya. Shit. Si Tyson lang naman kasi yung nakabangga ko. Of all people? Ugh. Pero yung boses nyang malumanay, nakakamiss. Shit. No. No. Diba dapat galit ako sakanya, diba?!
Umiwas ako ng tingin at tumakbo na palayo. Ayoko sya makita. Ayoko na talaga. Bumabalik lang talaga yung sakit, ba't ba ganto? Kung kailan na masaya yung tao, tsaka naman biglang mawawala. Tama nga yung sabi nila, Nakakatakot maging masaya kasi baka balang araw hindi na. Tangina. Natatakot ako.
Eto ako, umiiyak habang takbo ng takbo! Haha! Natatawa ako. Parang timang nuh? Iiyak tapos tatawa? Ang baliw ko lang tingnan ngayon eh! Umiiyak ako kasi bumabalik yung sakit. Sya kasi yung dahilan kung bakit ako naging playgirl diba? Nakakainis!
Natatawa kasi para akong punyetang tanga na umiiyak sa walang kwentang tao! Di nya deserve ang luha ko noh! Ugh. Pinunasan ko na ang mga luha ko at pumunta sa isang lugar na makakarelax sakin.
Sumandal na ako sa acacia tree na lagi kong tambayan pag stress ako or something. Hays. Namomroblema ako kay Ice, baka nagalit yun! Ang sama mo talaga Aira! Ugh.
Namomroblema din ako kay Tyson dahil kung baka anong gawin nya. I mean, di yan lalapit sa taong mahal nya kung wala syang balak. Di naman ako nagaassume na babalikan nya ako kasi wala na syang babalikan. Masaya na ako kay Ice, tama. Masaya na ako.
Inhale. Exhale.
Inhale. Exhale.
Inhale. Exhale.Wooh. Salamat naman at nawala wala na ang pagkastress ko. Nilagay ko na lang ang earphones sa aking tenga at nakatulog nalang bigla.
[Tyson]
Naglalakad ako sa corridor ng nakatingin sa phone ko, si mommy kasi eh. Habang naglalakad di ko namalayan na may nakabunggo ako! Naman eh.
Nilagay ko na muna ang phone ko sa aking bulsa at tiningnan kung sino toh.
Shit. Si Frances, ang taong inibig ko ng sobra pero sinaktan ko naman. You guys must be hatin' me right now, pero hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin sya. Kailangan ko lang talagang iwanan sya kung hindi, mapapahamak sya. Pero mahal nya parin kaya ako? Malamang, hindi na.
"Are you okay, Frances?" Tanong ko at tutulungan ko na sana syang tumayo at linahad ko na ang kamay ko sakanya pero tinabig nya naman ito.
Umiwas sya ng tingin at tumakbo palayo.
Tinitingnan ko lang sya habang lumalayo, lagi nalang ganto. Lagi ko nalang syang hinahayaan na tumakbo palayo. Ni hindi ko man lang sya napipigilan. Kasalanan ko naman kasi eh, kung hindi lang ako naging gago! Edi sana kami pa hanggang ngayon! Shit. 2years na since sinaktan ko sya, after nun, nagpakalayo layo ako. Nagsisi. Kaya ngayon, handa na akong bawiin sya. Mage-explain na ako sakanya.
BINABASA MO ANG
It's Me. The Bitchy Playgirl. (ON-HOLD)
Teen FictionONCE UPON A TIME, I WAS SWEET AND INNOCENT AND THEN SHIT HAPPENED AND RUINED EVERYTHING. AIRA FRANCES IS THE NAME. AND YUP, IT'S ME. THE BITCHY PLAYGIRL. Pero makikilala nya pa kaya ang lalaking magpapabago sa katauhan nya? Magiging "playgirl no mor...