x IMTBP 28 'Reunited' x

33 0 0
                                    

[Aira's POV]

Months passed and it's December already!

Dali lang talaga ng panahon. Christmas break na nga namin and nakakatuwa!

Si Tyson? Ayun, bestfriends na daw ulit kami, medyo nasasanay na nga akong makita nalang sya sa mansion at nanonood na ng TV. Tsk. Parang dating gawi lang namin.

Si Ice, ayun alam na nya na okay na kami ni Tyson kaya 'yun, lagi na din silang magkasama para magdota. Ang B.I. talaga ni Tyson kahit kailan!

Miss na miss ko na ang mga girls ko! Gahd. Minsan nalang kami magusap-usap! Nakakamiss na!

Ganun din si Ice sa mga kaibigan nya. Hay. Pero okay lang yun kasi alam namin na kahit minsan nalang kami magkita, magsuper bestfriends parin kami!

Nagdate naman kami ni Ice nung December 15, because it's our 6th monthsary. Oh diba? Going strong kami noh!

Pero sa relasyon namin ni Ice, di naman syempre maaalis ang selosan, tampuhan, at iba pa.

We're just a couple. Like normal couples do, we fight, we kiss, we hug, we missed. Like that, ganyan lang kami ni Ice. Pero never pa nawawala ang pagmamahal namin sa isa't isa. Corny ba? Wala eh. Hahaha.

So yeah, it's saturday today and mamaya na ang meet with the Collins fam kasi may gaganapin sakanilang party. Napatagal nga eh, pero eto na. Eto na yung time! Omg. Okay, OA lang. Hahaha.

Anyway, sabi ni Ice, ganyan naman daw talaga ang mommy nya. Mahilig mag throw ng party. Oh diba? Ang bongga? Feeling ko nga magiging close agad kami eh! And alam nyo ba kung para kaninong party ang magaganap mamaya?

Para sakin. Yep, nakakatuwa na nakakagulat na nakakakaba. Kasi ako daw ang pinakafirst na naging girlfriend ni Ice. Nakakaflatter okay.

And basically, Nandito kami ngayon ni Ice sa mall. Bibilhan nya daw kasi ako ng damit para mamaya, ayaw ko nga sana eh kasi may pambili naman ako pero eto na nga kami ngayon. Naghahanap ng magandang botique.

"Ice. Tama na. Magoorder nalang ako sa online shop. Nakakapagod na eh! Kanina pa tayo libot ng libot dito pero wala ka namang nagugustuhan! Eh sino ba yun susuot? Ikaw?" Pagtataray at pagrereklamo ko sakanya. Oo, kanina pa kami naglilibot dito at masakit na sa paa!

"But babe, I just want this to be a memorable one. Please? Last na 'yon na botique. And pag wala pa talaga, then fine. Magorder kana lang." Sabi nya and hinatak na nya ako sa botique na tinuro nya kanina. Hay, ang bossy nya talaga minsan pero wag kayo! Ako parin ang boss samin. Hahaha.

Ilang minutes na akong pabalik balik sa fitting room.

Ang rami na nyang pinili at pinapasuot sakin pero wala parin talaga syang natitipuhan, may mga nagugustuhan naman ako pero sya naman ang ayaw. Kesyo ngaya masyadong revealing, kesyo ngaya masyadong maiksi, mahaba. Ganun, puros ganyan lang comments nya. Sya kaya magsukat ng lahat ng 'yon?!

Then, may last cocktail dress syang pinasuot sakin. Pagtingin ko sa mirror, gosh. Ang ganda! Ewan ko nalang kung hindi to magustuhan ni Ice.

Paglabas ko ng fitting room, napatingin agad sakin si Ice. Mga ilang minutes din syang nakatutok sakin.

"Oo na, ako na maganda. So ano, eto na ha?" Sabi ko kay Ice at pinitik ang noo nya, napaow naman sya sa sakit. Yan kasi. Masyadong na-starstruck sakin.

Pagkatapos nun, umuwi na kami agad, syempre ihahatid na muna nya ako sa bahay namin dahil di ko na talaga kaya maglakad lakad pa sa mall. Di ko nga alam kung makakalakad pa ako ng maayos mamayang gabi ng nakaheels!

It's Me. The Bitchy Playgirl. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon