x IMTBP 22 x

106 1 2
                                    

OMG!! FINALLY 1K READERS NA DIN. AYIEEE SUPER HAPPY NA PO AKO KAHIT KONTI PALANG ANG VOTES AND WALA PANG COMMENT LOL. ANYW, KEEP READING THIS GUYS. THANKYOU :* :*
----

[Khate]

Papunta na ako sa classroom ng nakasalubong ko si Aira na mukhang iritang irita. Huh? Bakit kaya?

"Oy btch. What happened? Mukhang iritang irita ka ha?" Tanong ko sakanya.

Di sya sumagot at bigla nalang dumating si Ice.

"Dyan! Itanong mo sa bwisit na lalaking yan! Makaalis na nga!" Sabi nya at padabog na tumakbo. At si Ice? Syempre, hinabol ang kanyang prinsesa. Tsk. Napapailing nalang ako sa kaguluhan nila. Jusko.

"Kung maging tayo man. Hindi ko hahayaang magagalit ka sakin ng ganun ganun lang." Napahawak naman ako sa dibdib ko ng may narining akong bulong sa tenga ko. At pagtingin ko sa likod? Si Crawford lang naman pala. Hay naku. Nakakabwisit naman ng araw!

"Wag kang feeler. Hinding hindi magiging tayo." Sabi ko at binilisan ko na ang paglakad papunta sa classroom dahil kakatapos lang ng 1st subject namin kaya free time ngayon.

Pero ang kulit talaga ng lahi nya dahil sinusundan parin nya ako. "Tsk. Wag ka magsabi ng tapos Khate. Baka isang araw, kainin mo yan na mga sinabi mo." Sabi nya sabay alis.

Loko talaga! Nakakainis ang mga lalaki! Ba't ba pag sinabi ng babaeng "hindi pwede", magpupumilit parin sila?! Nakakaloka na ha!

Di ako maiinlove sa'yo Crawford. Hinding hindi.

Pero waaah! Natatakot naman ako kasi baka tama sya, baka kainin ko lang tong pinagsasabi ko ngayon. Hay naku. Bahala na nga! Ikain ko nalang toh. Makapunta nga sa cafeteria!

Nagorder ako ng maraming maraming pagkain. Ugh. Nakakastress naman kasi ang mga pinagsasabi ni Crawford! Nakakabwisit lang eh. -_-

Kinain ko nalang ang burger na inorder ko.

"Grabe ka pala kumain. Tsk." Bigla na akong mabilaukan don ah! Pagtingin ko sa nagsalita, si Crawford na naman?! Pati ba naman dito?! Nakakainis na sya ah.

"Tell me, may lahi ka bang kabute?! Kahit san ka nalang sumusulpot eh! Ugh." Sabi ko sakanya. Ayaw ko syang sigawan, wala ako sa mood eh. Tsaka kumakain pa ako. Bahala sya jan.

"Ang cute mo pala 'pag kumakain." Sabi nya.

Di ko sya pinansin at patuloy parin ako sa pagkain ng burger ko. Manigas sya jan.

"Pwede naman palang mag-usap tayo ng hindi sumisigaw eh." Sabi nya ulit.

Inirapan ko nalang sya. Natapos ko na din yung burger ko at uminom nalang ng softdrinks at handa ng umalis. Kahit may mga pagkain pa dun, papabayaan ko nalang. Sana naman wag na nya akong sundan!

Tatayo na sana ako ng hinigit nya ang kamay ko. "At san ka pupunta wifey?" WHAT THE?! TALAGANG SINUSUBUKAN NYA AKO HA! "HOY CRAWFORD COLLINS! WAG NA WAG MO'KONG MATAWAG TAWAG NA WIFEY AH DAHIL WALA KANG KARAPATAN!! WALA!!" Sigaw ko sakanya at inagaw ko na ang kamay ko sa kamay nya.

Aalis na sana ako ulit ng hinawakan naman nya ako sa balikat. Seriously?!!

"HINDI KA BA TALAGA TITIGIL HA?! WAG MO NA NGA KASI AKONG SUNDAN!! NAKAKAIRITA NA TALAGA HA!!" Sigaw ko humarap ako sakanya at binatukan sya.

Ngumiti pa ang loko. Baliw ba sya?!

"At anong nginingiti ngiti mo jan ha?!" Pasigaw kong tanong sakanya.

"Nothin', i just find it funny when you're pissed because of me." Sabi nya at nilagay nya ang kamay nya sa pocket ng pants nya.

"Sige, hindi na muna kita susundan ngayon pero be ready 'cause I'll make it sure that someday, you're gonna smile because of me. Bye wifey. Take care!" Tumalikod na sya at tuluyan na syang umalis.

It's Me. The Bitchy Playgirl. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon