[Aira's POV]
Ilang days na din ang lumipas since nung bonding time namin ng barkada. Ilang days na din since nung si Frei at Drake ay officially ng nagmamahalan, ang sweet din pala ni Drake! Hindi kasi halata sa aura nya eh. Akalain mo ba namang pwede ng gawing Flower shop ang kwarto ni Frei?! Lagi ba naman daw kasi si Drake nagpapadala ng bulaklak. Nakakatuwa kasi alam kong magiging successful ang relasyon nila.
Si Alex naman tsaka Troy, ayun. Same old same old. Di ko nga alam kung magkakamabutihan pa ang dalawang yon. Parehas kasing may topak eh. Pag naging sila? Ewan ko nalang kung anong magiging daloy ng relasyon nila, parehas sila weird eh, super hate ba naman ni Alex si Troy? Ay ewan nalang kung magkamabutihan sila, himala ata 'yon.
Si Crawford at Khate, ayun din. Hindi sila same old same old. Bakit? Eh kasi ba naman itong si Crawford nagask ng help sa kakambal nyang si Ice! At syempre kinwento yun sakin ni Ice. At natuwa naman ako kasi para syang grade school na nagtatanong kung pano daw ba manligaw! Ang cute diba? At syempre, sino ba naman ang liligawan nya? Edi si Khate! Yung loka loka na yun, pabebe pa. May gusto lang din naman kay Crawford! Torpe nga talaga si Crawford pero sabi ni Ice, kapag yan nagseryoso, iba din ang actions nyan.
Grabe, di ko alam na ganto lang pala kabilis ang panahon kapag may halong pagiibigan. Corny ba? Alam ko naman, kasi naman itong si Ice eh! Isang araw ay sinabi nyang liligawan nya daw ako at syempre si ako, ay pumayag naman. Di ko naman talaga sineryoso sa una kasi diba playgirl ako? Pero agad naman yun nawala at agad ko ding nagustuhan si Ice. Ice is something. He has something that you cannot explain. He's one of a kind.
Iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko sya, kapag kayakap ko sya, kapag nagkikiss kami, kapag inaakbayan nya ako, kapag.. ah basta! Iba ang pakiramdam ko sa mga kapag na yan! I feel like I'm in cloud nine when I'm with him. Iba talaga kapag nainlove kana, di mo na minsan macocontrol ang utak mo dahil puso na ang kusang nagiisip kung anong gagawin mo.
Dati kasi, wala naman akong balak magbago. Wala akong pake kung hindi ako magkaroon ng boyfriend, yung pangmatagalan ba? Wala akong pake kung lagi akong nasa bar at nagiinom. Wala akong pake kung sino sino ang halikan ko. Wala akong pake kung playgirl ako. Wala rin akong pake kung mamatay akong playgirl. Kasi, yun lang naman talaga ang plano ko sa buhay. Ang maging carefree. Pero ayun na nga, dumating lang si Ice sa buhay ko, biglang na-erase ang mga plano ko.
Ngayon, gusto ko ng magkaroon ng pangmatagalan na boyfriend, at si Ice yun. Gusto kong makasama sya, every minute, every hour, everyday, forever. At kung mamamatay man ako, gusto ko si Ice parin ang mahal ko. Ngayon, gusto ko ng maging masaya. At yun ang nararamdaman ko kapag kasama ko sya. Yung mga paru-paro sa tyan mo na para bang nagwawala kapag malapit sayo ang taong mahal mo? Ganyan ako lagi kay Ice kapag malapit sya sakin, kahit na sabihin na nating 6months na ang relasyon namin, hindi parin iyon nagbabago. And I'm really thankful na dumating sya sa buhay ko...
Nagspeech na ba ako? Sorry ah. Nadala lang sa emosyon. Sorry naman kung nakornihan kayo! Eh wala eh, inlove lang po. Corny na naman ba? Pwede mag sorry ulit? Hahaha.
Tumayo na ako sa kama ko at naligo na. 7 palang ng umaga, maaga pa alam ko pero kailangan ko ng maligo dahil may pupuntahan kami ng mga kabarkada ko. We're going on a vacation! Ang saya diba? Nakakaexcite nga!
Kasalukuyan akong nagsusuklay ng aking buhok ng biglang nagvibrate ang phone ko, chineck ko naman ito agad at napangiti ng makitang si Ice ito.
From: Ice❤
Goodmorning! :) How's my princess' sleep? Did you dreamed of me? Well, if you'll ask me. I'm still daydreaming about you. See you later my babe. I love you! :*Sige na, ako na ang maswerte sa boyfriend ko! Kahit na minsan, pabebe ako, mahal ko parin to. Di kasi ako ganun kashowy sakanya eh. Pero pag once na maging sweet man ako, worth it naman ano.
BINABASA MO ANG
It's Me. The Bitchy Playgirl. (ON-HOLD)
Teen FictionONCE UPON A TIME, I WAS SWEET AND INNOCENT AND THEN SHIT HAPPENED AND RUINED EVERYTHING. AIRA FRANCES IS THE NAME. AND YUP, IT'S ME. THE BITCHY PLAYGIRL. Pero makikilala nya pa kaya ang lalaking magpapabago sa katauhan nya? Magiging "playgirl no mor...