x IMTBP 31: Maling akala x

41 0 0
                                    

(A/N: Sorry po kung di ko masyadong nauupdate, wifi problems. Anyw, 50 chaps po to, kaya kapit lang. Hehe. Support support lang po. Salamat! Ciao. Xoxo. )

Chris Collins (WeeklyChris) as Ice Chris Collins :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chris Collins (WeeklyChris) as Ice Chris Collins :)

[Ice's POV]

"Okay Ice. We're done. You can go now." Sabi sakin ni Daddy at napangiti naman ako. Nice, makikita ko na din ang babe ko! Namiss ko agad sya.

Pumunta agad ako sa parking lot at hinanap ang kotse ko. Pinaharurot ko naman ito agad at habang nagddrive, napapangiti ako. Ewan ko ba, grabe talaga ang epekto sakin ni Aira. Excited na talaga akong makita sya. Pumunta nga din pala dun si bro Tyson, buti naman para may nagbantay kay Aira. At feeling ko nakauwi na din 'yon. So yeah, di naman sakin big deal kung magkasama sila. I trust Aira and Tyson

Agad agad naman akong nakapunta sa mansion nila. Bumaba na ako sa kotse ko at dirediretso na akong pumasok. Pagpasok ko wala sya don sa sala nila. Eh?

Asan naman kaya yon? May nakita akong tao sa garden nila at baka nga sya yon. Agad naman akong pumunta don at laking gulat ko ng makita silang dalawa, sa ganoong posisyon. "Aira, Tyson?" Yun nalang nasabi ko dahil di ko na kinaya ang emosyon ko. Halo halo na ito, gulat, sakit, selos, betrayed. Ewan, di ko na alam kaya naman lumabas nalang ako sa mansion nila. Tangina! Ba't di ko man lang naisip na pwedeng gawin yon ni Tyson? Na pwedeng ahasin nya si Aira?! Langya! Nakakainis!

Hinahabol ako ni Aira pero di ko man lamang sya nililingon. Langya, wala akong ganang makipag-usap sakanya, sakanila. Masyado lang akong nasasaktan ngayon. "Babe!! Ice! Please! Let's talk! It's not what you think!!" Sigaw nya mula sa likod pero di ko parin sya pinapansin. It't not what I think?! Fck, then what should I think?! Pumasok nalang ako sa kotse ko at pinaharurot ito. Nakita ko naman sa side mirror ko na hinahabol parin ako ni Aira pero tumigil na din sya.

Tsk. Kala ko ba naman mapagkakatiwalaan si Tyson? Langya, di pala. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko kasi ang careless ko! Dapat di ko nalang pinayagan si Aira na papuntahin nya don si Tyson. Syempre, may pinagsamahan sila dati at anytime, pwedeng pwede nyang agawin sakin si Aira! Napapalo nalang ako sa manibela ko dahil sa galit.

Makainom na nga lang para naman mabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pinark ko na ang kotse ko sa Republiq at agad nang pumasok. Ang ingay. Masyadong malakas ang tugtog pero hinayaan ko nalang dahil gusto ko lang uminom ngayon. "Isang bucket ngang beer." Order ko at agad namang binigay sakin. Binuksan ko kaagad ito at ininom. Langya, gusto ko lang makalimot, kahit ngayon lang. Masyadong masakit ang nakita ko kaya di nyo ako masisisi.

Boyfriend ako!! Boyfriend!! Ba't di man lang yun naisip ni Aira?! Ba't di man lamang nya naisip na may boyfriend sya?! Tangina. Ang sakit. Di ko mapigilang umiyak. Nagseselos, ako. Oo. Sobra. Di ko mapigilan ang emosyon ko.

Nakakalimang bote na ako ng beer pero wala paring epekto. Shit naman oh! Ba't di tumatalab?! Umorder pa ako ng dalawang bucket at ininom agad ito.

May lumapit saaking babae pero di ko ito pinansin. Di ako ganun kaimmature na papaselosin din si Aira. Di ako ganun.

It's Me. The Bitchy Playgirl. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon