Nagising ako sa malambot na kama. Wait, di naman ganto yung kama ko eh! Tsaka ang kaharap ng kama ko ay yung walk-in-closet ko hindi black sofa?!
Napatayo agad ako sa kama at, wait ulit, nangyari na to eh! Tumingin tingin ako sa paligid. Sabi na! Nandito na naman ako ki Collins eh! Sa condo nya. Langya. Ba't di ko man lang nalaman? Ay anobayan! Ah kaya pala, nakatulog ako kagabi habang nagbabyahe kami. Malamang naman na dinala nya ako dito kasi di nya alam ang mansion ko. Psh. Ba't di nalang nya ako ginising diba? Inlababo talaga sakin ang loko. WAHAHAHA!
Pero may pasok kami ngayond diba?! So a-absent na naman pala kami ngayon? Oh noo T.T Lagot ako kay lolo neto eh. Tsaka sa parents ko! Geez. Alam kong bitch ako pero nagsisikap pa rin naman ako mag-ara noh! Tsaka guys, improving na ata toh. Wala na akong interes maging player! Ewan ko ba. Masyadong malakas ang impact sakin netong yelo na toh eh! Baka naman kasi magwork. Naks.
Tumingin ako sa wall clock nya at nakita kong 4am palang pala! Hay salamat. Makakapasok pa rin pala ako later. Mukhang paghahandaan ko na ata ang mga mala-showbiz na tanong sakin mamaya nila Andy. Psh.
Wait, eh kung nandito ako sa condo ni Collins, nasan sya?! Bigla naman akong may narinig na nagsnore. Tumingin ulit ako sa paligid. Pero wala naman. Eh?
Tapos meron ulit nagsnore tsaka napatingin naman ako sa kabilang side ng kama, sa baba. Nandun pala si Ice! Natutulog! Eh? Ay anobayan. Anong ginagawa nya jan?! May sofa naman sya oh! Tsaka pwede naman syang tumabi sakin dito sa kama eh. Ay anoba toh?! Kahit ano nalang naiisip ko eh.
Tinitigan ko nalang sya habang natutulog. Eh! Ang cutie nya pala! Supero hot pa. Hahaha! Ayt. Anobayan. Perv side please, tumigil ka nga! Huhu. Lol. Anw, ang ganda pala ng pilikmata nya, ang haba. Tsaka ng nose nya, ang tangos. Tapos.. tapos yung lips nya. Shit. Pinkish na ewan. Ang sarap nya lang ikiss eh! Ay pucha naman oh! Lubayan mo naman ako perv side! Lol.
Habang busy ako sa pagtitig sa lips nya, "Pwede mo naman ako halikan eh. Magsabi ka lang. HAHAHAHA!" Bigla naman nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Fvck. Huli ka balbon! Anong palusot ko naman neto?!
Bigla naman akong umiwas ng tingin at pumunta sa sofa nya. "Saan mo ba nilalagay ang hangin na dala mo? May aircon kana ata jan eh. Tsaka duh! Wag ka ngang feeler. May laway ka lang sa labi mo kaya ga-ganun! Tsk." Ay leche. Nagkatararanta na ako. Psh. Anoba naman yan. Okay na eh, nastutter pa ako. Kainis! Ano ba namang palusot yun?! Kaloka ha.
Tumayo na sya sa kama at pumunta sa CR.
Bago pa sya makapasok dun, "Palusot ka pa. Eh huling huli ko naman na gustong-gusto mo ako halikan. Hahaha! Maliligo lang ako ah? Para mahatid na rin kita sa bahay nyo, di ko kasi alam eh! Ah wait, gusto mo bang sabay nalang tayo?" Napatitig naman ako sakanya sa mva sinabi sya. Is he serious?! Okay lang sya?! Jusko naman. Namumula na ako dito. Di ko nga alam kug bakit eh?!
Binato ko sya ng unan na malapit naman din sakin. Ayun sapul! Sa ulo nya nakatama. Huh. Serves him right. What a jerk! "Yan bagay sayo. Amp. Maligo kana nga! Para makauwi at makaready na rin ako. Masyado kang feeler!"
Bigla nalang syang napahalakhak! Eh?! Tuwang tuwa pa ang yelo?! Tss. Kabanas sya ah. Ang sweet palang nya kagabi tapos ganto ganto nalang? Aasarin lang naman pala nya ako?! Eh kung ganon nalang pala, edi sana di na ako pumayag na ligawan nya ako! Tsk.
Oo, nanliligaw na sya sakin. Pumayag naman ako kagabi eh. Wala namang mawawala diba? Tsaka, magaan naman ang loob sakanya. I'm starting to like him na nga eh! Basta ba, wag lang nya akong lokohin kung gusto nya pang makarinig ng matamis kong OO. HAHAHA. Kaloka!
Napatigil naman ako kasi bigla nag ring ang phone ko. Aish. Sino naman kaya toh?! Magang-maga eh!
Nung nakita ko kung sino, dali dali ko itong sinagot.
BINABASA MO ANG
It's Me. The Bitchy Playgirl. (ON-HOLD)
Teen FictionONCE UPON A TIME, I WAS SWEET AND INNOCENT AND THEN SHIT HAPPENED AND RUINED EVERYTHING. AIRA FRANCES IS THE NAME. AND YUP, IT'S ME. THE BITCHY PLAYGIRL. Pero makikilala nya pa kaya ang lalaking magpapabago sa katauhan nya? Magiging "playgirl no mor...