Leora
I tap the tip of my fingers multiple times on the table, biting my bottom and slightly tapping my foot on the ground. I find it awkward and I can not wait for Shiro and Liam to come. Kasama ko ang kambal habang nag-aantay rin kila Shiro at Liam na dumating. Mukhang busy ang dalawa sa tinitignan nila sa libro at tahimik na nag-uusap. Kung minsan ay nagtititigan lang sila at maya-maya ay tatango na tila ba nakakapag-usap sila sa isip.
These two are weirdos.
Iginala ko ang aking paningin at mas lalong binilisan ang pagtap sa mesa. Gosh, where the hell are they? Gaano ba kalayo ang classroom nila ngayon mula sa cafeteria na ito?! I can’t wait any longer.
"Leora…" Agad akong napa-baling nang marinig ko ang boses ni Tres.
Magka-mukha silang dalawa pero magka-iba ang paraan nang pakikitungo nila. Mababa at palabiro ang boses ni Tres kapag nagsasalita at seryoso at mukhang hindi naman mabibiro si Uno kapag nagsasalita.
Umangat ang dalawang kilay ko, "Yes?"
Bumaba ang tingin niya sa kamay ko, maya-maya ay bumalik ang tinggin sa akin tsaka ngumiti ng bahagya.
"Avoid tapping the table like that…" Aniya.
"You might hurt your fingers and... we’re reading, can’t you see?"
Agad na tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni Uno. Kahit kailan talaga ang init ng dugo sa akin ng lalaking ito.
"Edi sorry!" Asik Ko. Inirapan ko ito at padabog na tumayo.
"Where are you going?" tanong niya habang naka tingala sa akin.
I stared at him blankly and tilted my head like a brat kid to her malditang kalaro.
"I’m gonna buy my food— for shiro, liam and Tres only! Bumili ka ng sa'yo!" I flipped my head and turned my back on him.
"Yown!" dinig kong sigaw ni Tres.
Kumuha ako ng cart upang paglagyan ng mga plato para sa apat. Shiro is not picky, so I get the same dish as before. Karne ang pinili ko kay Tres habang veges naman ang kay Liam, napapansin ko kasi na mahilig sa gulay si Liam— I never saw her eat meat.
Nang matapos ay akma akong babalik ngunit natigilan ako dahil sa dumaang putting usok sa harapan ko. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o totoo iyon— matagal na rin mula nang makita ko ang putting usok na iyon, hindi manlang ako kinakamusta matapos niya akong gamitin para mahanap si Everly?! Walang utang na loob ang usok na iyon!
Agad akong bumalik sa table at nakita ko na nandito na si Liam pero nagtaka ako dahil hindi niya kasama si Shiro.
"Where is puti? Akala ko magkasama kayo?" tanong sa kaniya ni Uno.
Lumapit ako sa kanila tsaka isa-isang inilapag ang mga plato.
"She’s not here yet—""Magtatanong ba kami kung nandito na, Liam?" pabalang na sagot ni Tres.
Liam threw a dagger and looked at him.
"Wait… wait…" angal ko. "Bakit kayo naghiwalay?" I asked.
"Sinabi ko na mauna na siya dahil nag bathroom pa ako. I thought she's already here! " Naging aligaga bigla si Liam. "Oh my Gosh, paano kung nawala ulit si—"
"Hey, Hey… Liam…" Ani Uno. "Baka naglibot lang si puti. Maybe she got mesmerized by something and —" I cut him off.
"Okay, let’s not overthink it. Baka may pinuntahan lang siya. "Alam n'yo naman si Shiro, gala ‘yun at baka naglibot-libot—" Napatayo ako ng tuwid sa malamig na hangin na dumampi sa likuran ko. Maya-maya ay lumitaw ang putting usok mula sa baso ng isang babae, ngunit tila hindi niya iyon nakikita dahil patuloy lang siya sa pag-inom.
BINABASA MO ANG
Blue stone Academy: The Cursed Child
Fantasy"The moment I realized I am not the protagonist of my own fairytale." Solving crimes within the academy is like navigating a complex puzzle or a high-stakes chess game. Here, hatred consumes, love blinds, and emotions overpower. Students believed th...