Kabanata 2

139 15 12
                                    

Shiro

Best friend 

After that incident, my mother refused to talk about it again. A part of me blames myself. Kung hindi sana ako lumabas ng kwarto at nagpakita ay hindi mangyayari ito. Siguro, kung maulit man ang pagkakataon na iyon ay hindi na ulit ako lalabas. Siguro hahayaan ko na lang sila na mag-usap at makikinig na lang ako sa mga tawanan nila.

Habang lumilipas ang araw ay patuloy ang pagbili sa akin ni mama ng libro. Ang sabi niya ay mura lang ang mga kuha niya rito dahil naging suki na rin siya ng tindahan na iyon.

Weeks passed like a whirlwind. Habang lumilipas ang mga araw ay mas lumalapit ang araw ng pasukan dito. Gusto ko talagang mag-aral sa paaralan. Gusto ko talagang maranasan ang mga nababasa ko sa mga libro. Gusto ko talagang maging ordinaryong babae. I always imagined myself as a young teenage girl, wearing a school uniform, running as the President of the class—or being a valedictorian in our school. Pero ang lahat na iyon hanggang pangarap na lang.

Paano naman kasi ako magiging ordinaryo kung ganito ako?

What ifs are all over my mind and I couldn't stop thinking about that. May mga pagkakataon na aabutin ako ng madaling araw na gising dahil dito. Gusto kong maranasan ngunit natatakot ako na makutya. Gusto kong maranasan ngunit natatakot ako na katakutan.

All I want is to be accepted for what I am. I wanted to hear their laughter, not their scream. I wanted to see the bright smile on their faces while looking at me, not the scared look they always give.

A tear poured down my cheeks as I hugged my pillow tightly. Bakit ganito ako? Bakit ako pa?

Nabalik ako sa aking balintataw nang may marinig akong katok na nanggagaling sa aking bintana at gayon na lang ang panlalaki ng aking mata nang makita ang batang babae noong nakaraang linggo.
What is she doing here?

She smiled at me and waved her hand.

I swiftly dried my tears.

Dahan-dahan ay lumapit ako sa bintana ng aking kuwarto at pumatong sa upuan upang makaupo sa tabi ng bintana. I unlocked the windows and opened them.

The strong and cold wind automatically embraced my whole body. I hugged myself and rubbed my hands together. Napakalamig dito, parang posible nang umulan ng nyebe.

"Hi!" She smiled.

I smiled, too. "Hi. what are you... doing here?" I asked.

Bahagya kong iniwas ang aking mga mata at pinanatili ang espasyo sa amin. Nahiya ako bigla nang makita siya nang malapitan. Napakaganda niya.

She slightly moved her body and sat beside me. Ang katawan ko ay nakaharap sa bahay at ang katawan niya ang nakaharap sa labas. Opposite ang aming posisyon.

"I wanted to say sorry about my mother's behavior. She's sick and I think she forgot to drink her meds again. Sorry."

I pressed my lips together. "It's okay, hindi naman ako ang naapektuhan. Ang mama ko ang naapektuhan."

A moment of silence. Hindi ko alam ang sasabihin, baka may sasabihin pa siya, kaya mas pinili ko na manahimik na lang. Pero, ilang minuto na ang nakalilipas pero nanatili pa rin siyang tahimik.

Hanggang sa malakas na hangin ang nakabasag ng katahimikan namin. Balot siya ng makapal na kasuotan kaya marahil ay hindi siya giniginaw pero ako ay lamig na lamig na lamig na. Tumawa sa akin. Napatitig ako rito. She has a round face and a white skin but not as white as mine. She has a perfect pink pouty lips and a grey eyes. Her hair was long and a bit wavy. She looks like a goddess living inside the book.

Blue stone Academy: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon