Shiro
"Help..." I uttered I'm not sure if my conclusions are right, but this is the only reason I know. "I think he was poisoned... help him before he died!" I shouted.
Nagka-gulo sa loob ng bus dahil sa sinabi ko. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, bigat na bigat na ako sa kaniya at hindi na rin ako komportable sa position namin ngayon. Kung saan-saan na din napupunta ang walang buhay niyang kamay na mas lalong nagpapailang sa akin. Mukhang hindi na niya alam ang ginagawa niya.
Sigurado ako na kapag hindi siya naagapan, maya-maya lamang ay mamamatay na siya. Depende sa lason na nakain niya.
Isang marahas na paghatak ang dahilan kung bakit kumawala ang lalaki sa pagkaka dagan sa akin. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni uno habang naka tingin sa akin, kapagkuwan ay nilingon niya ang lalaki at dahan-dahan na inihiga sa sahig.
Naagaw pa ng pansin ko ang babaeng umiiyak habang pinipigilan ito ng mga kaibigan niya. Naka-kuyom ang kaniyang kamao at nanggalaiti sa galit.
“Marga, 'wag ka ng lumapit baka mapa ano ka—"
"He's my boyfriend, Cecil! Ano sa tinggin mo ang mararamdaman ko?! boyfriend ko 'yong nag-aagaw buhay?" Her tears continued to flow.
"Layo... layo!" Sigaw ni uno at sinusubukan na suriin ang lalaki.
But when his eyes turned white and he started to vomit bubbles, we already knew that the man was dead. Tila nanghina ang aking tuhod at hindi makapaniwala sa nasaksihan ko. Bumigat ang aking paghinga at gusto kong maiyak, tila hindi pa rin nagsink-in sa akin ang nangyari sa harapan ko.
Kabago bago ko lang dito ito agad ang nasaksihan ko?
"He's dead..." Uno uttered, then he glanced at me with a worried face. He stood up and walked towards me. "Are you okay? B-baka may lason na sa balat mo... Remove your clothes! " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Naramdaman ko ang pag akyat ng init sa mga pisngi ko. What’s with this man?! Hindi siya pwede mag-utos ng ganon sa akin kahit ganito pa ang sitwasyon!
"What?!" Halos walang boses ng lumabas sa akin.
"I said remove your clothes—"
Sunod-sunod akong umiling at inakap ang sarili ko. I feel so harassed.
"Wala, I... I will make sure na wala. No need to remove my clothes! "
Huminga siya ng malalim. Kapag kuwan ay natigilan at mag-iwas ng tingin. Unti-unti rin na namula ang kaniyang leeg hanggang tainga, he cursed under his breath.
"Good..." Humarap ulit ito sa katawan na wala ng buhay.
"Professor Wyatt, look what I saw." Itinaas ni Leora ang pagkain na naka balot sa cellophane. "I think the poison is in the food and, based on the symptoms, the culprit used cyanide."
Nilapitan ni professor Wyatt si Leora at kinuha ang pagkain. Kapagkuwan ay tinignan kaming lahat.
"Lahat ng nandito ay suspect. Madaling lumabas, single pile! " Professor Wyatt's voice thundered through the whole bus.
Dali dali kaming lumabas at mumuntik pa akong matalisod dahil sa mga nagmamadali ngunit may agad na naka hawak sa braso ko.
"'Wag kang sumabay sa kanila." Ani ni leora. Tumango ako at gumilid sa kaniyang tabi. "Ang galing mo kanina, alaman mong nalason ang lalaki."
Napabaling ako sa kaniya at sumupil ang maliit na ngiti sa labi ko dahil sa puri niya.
Inipit ko ang takas na buhok sa aking tainga. "Hindi rin ako sigurado kanina. I just observed the symptoms and the rest are my conclusion. Gano'n kasi ang mga nababasa ko. "
BINABASA MO ANG
Blue stone Academy: The Cursed Child
Fantasy"The moment I realized I am not the protagonist of my own fairytale." Solving crimes within the academy is like navigating a complex puzzle or a high-stakes chess game. Here, hatred consumes, love blinds, and emotions overpower. Students believed th...