Shiro
Uno
"Shiro!"
Dinig ko ang bawat pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi ako nag-abalang lumingon. Mga baliw! Anong akala nila sa akin? Uto-uto? Mukha lang akong inosente at walang alam, pero hindi ako mangmang!
I gritted my teeth while running away from them. They were all insane!
Those abilities they have were talking about was pure lies—at hindi makatotohanan. Walang tao na nakababasa ng isip! Walang tao na nakakikita ng nakaraan! Walang ganoon sa mundong ito. Balak ba nilang higitan ang Diyos?
Nagkamali ako na isipin na maayos ang mga nakatira rito, ang mga tao pala dito ay mga baliw! Akala ko ako lang ang hindi normal dito, pero iba sila.
"Shiro, sandali! Let us explain.” Naramdaman ko ang paghatak sa braso ko dahilan upang mapatigil ako. "Shiro, maniwala ka—"
Iwinaksi ko ang kamay niya dahil sa inis. Bumalatay ang sakit sa mga mata ni Liam dahilan upang mag-iwas ako ng tingin.
"How? How can I believe you if in the first place, ay wala naman talagang gan'yan? Nag-iilusyon lang kayo at 'wag n'yo ako isama sa kalokohan n'yo! " sigaw ko sa kanila.
Biglang sumulpot si Tres sa likuran ni Liam at hapong-hapo.
“Bakit... bakit kaya hindi mo hayaang ipaunawa namin sa'yo para maniwala ka?"
Umiling ako. Buo na ang desisyon ko. "Tigilan n'yo na ako, hindi ako naniniwala. Those abilities you were mentioning do not exist." I declared.
It was painful and heart-wrecking scene for me. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na gaya ni Liam, at ngayon lang ako nakatagpo ng lalaking kasing linis at bait ni Tres, pero gano’n pa ang nangyari.
Bakit naman kasi kailangan nilang magsabi ng mga gano’n? Hindi na ako bata para maniwala pa doon. At saka, fantasies are all in the books. They don't exist in real life.
I closed my eyes as hard as I could. My heart is in pain. Our conversation a while ago keeps stabbing my heart and occupying my mind. Kung gaano ako kasaya kahapon ay grabe naman ang lungkot na dumating ngayon.
Imbis na umuwi ng bahay ay lumihis ako sa ibang daan. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta, at hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Basta nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may natagpuan akong duyan.
Isang maliit na abandonadong palaruan. May isang hindi gaanong kahabahaan na padulasan, may dalawang siso, at tatlong swing na kinakalawang na ang bakal.
Walang tao kaya naisipan kong pumunta doon. Ni-check ko pa kung may sira ang bakal bago ako umupo.
Sa hindi malamang dahilan ay napaluha ako sa kawalan. Malamang ay galit sa akin si Liam ngayon. Sino na lang ang makasasama ko? Sino na lang ang magtatanggol sa akin kung sakali? Bigla akong nagsisi sa inasal ko kanina. Hindi ko alam kung bakit nagpadalos-dalos ako kanina.
Dapat ba na nagpauto na lang ako? Dapat ba umoo na lang ako at sakyan ang trip nila? Ang ayaw ko kasi sa lahat ay ginagawa akong uto-uto.
Should I go back and ask for forgiveness? Should I apologize? Paano kung hindi niya ako patatawarin? Paano kung ayaw na niya ako maging kaigiban?
I let myself drown in my thoughts, creating a lot of negative scenes in my mind. Ni hindi ko na nga napupunasan ang mga luha ko at hinahayaan na lang ang mga ito na pumatak. Parang mawawasak ang ulo sa sobrang sakit dahil sa kaiisip, sobrang kirot din ng pakiramdam ko dahil sa mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Blue stone Academy: The Cursed Child
Fantasy"The moment I realized I am not the protagonist of my own fairytale." Solving crimes within the academy is like navigating a complex puzzle or a high-stakes chess game. Here, hatred consumes, love blinds, and emotions overpower. Students believed th...