ShiroMariin ang mga titig sa pagitan namin ni Lolo cleo nang banggitin niya si Hera. Hindi nga ako nagkakamali na mayroon silang alam. Nararamdaman kona na makaakauwi na ako, makakabalik na ako sa mundo ko kasama ang mga kaibigan ko.
Lumawak ang aking ngiti at bumaling ulit kay lolo cleo ngunit nawala ang mga ngiti ko dahil sa seryoso niyang mga mata.
“Lolo…” usal ko.
“Nagmula kaba sa kaniya?” seryoso niyang tanong.
Sunod-sunod akong umiling ngunit mukhang hindi siya kumbinsido.
“H-hindi po ako, nagmula ako kay Lyncen, ang Reyna ng kalupaan—”
“Ngunit paano mo nagawang patalasin ang mga punyal? O ipinadala ka ni Jura—”
“Hindi po… mas lalong hindi, wala akong koneksyon kay Jura. tanging ang apat na reyna lamang ang aking sinusundan.” Putol ko sa sinasai niya.
Bumuntong hininga si Lolo cleo at tinanggal ang balot ng punyal, saka inilabas ang kaniyang mga kagamitan sa paghasa. Inutusan niya rin akong kumuha ng tubig sa loob na agad kong sinunod.
Naabutan ko na nag-uusap si Liam at tres sa tabi ng kama kung saan naka higa si Uno. Bumaling sila sa akin ngunit dali-dali akong nag-iwas ng tingin at kumuha ng balde ng tubig, paglabas ko ay naabutan kona na naghahasa si Lolo cleo. Tutok ang kaniyang mga mata sa punyal at seryosong seryoso ang ekspresyon sa mukha.
Lumapit ako sa kaniya at inilagay ang tubig sa tabi bago pinagkatitigan ang kaniyang ginagawa.
Sa pangalawang pagkakataon ay napatitig na naman ako sa bato na nasa hawakan ng punyal. Pamilyar talaga ang punyal— nanlaki ang aking mata ng maalala ang purselas na si habagat, at naramdaman ko rin ang paggalaw nito na para may nakilala niya ang bato na nasa punyal.
“Lo—”
“Paumanhin kung natakot ka sa pagtatanong ko kanina,” biglang usal niya. “Natakot lamang ako na ikaw ay nagmula sa angkan ni Hera.”
Kumunot ang aking noo sa pagtataka. “May masama po bang ginawa sa inyo si hera?”
Umilking siya habang hindi inaalis ang tingin sa punyal na hinahasa.
“Hindi ko gusto na paslanghin ka upang gawing alay sa punyal na ito.” Kaswal na saad niya.
Agad akong nakaramdam ng takot ang pangamba at bahgyang napalayo kay Lolo cleo. Sa paraan ng pananalita niya ay mukhang desedido talaga siya na patayin ako kung sakaling sinabi ko na galing ako kay Hera. Ngunit bakit kailangan niyang pumatay? Para saan ang alay sa punyal?
Hinawakan ko ang aking palapulsuhan dahil sa walang tigil na panginginig nito. Nagre-react si habagat sa punyal.
'Sandali lamang habagat, delikado ang buhay ko ngayon.'
Saglit na bumaling sa akin si Lolo Cleo at bumaba ang aking kaniyang tingin sa kamay ko. Kapag kuwan ay mahinang natawa.
“Huwag kang mag-alala, sabi mo ay hindi ka nagmula kay Hera, kaya wala akong balak na i-alay ka dito.” Aniya na mas lalo kong ikinatakot.
Oo nga at hindi ako ang tao na hinahanap niya, pero paano kung malaman niya na si Liam ay nagmula kay Hera? Bagamat hindi niyang kontrolin ang hangin ay nananalantay pa rin sa kaniyang ang dugo ni Hera.
Hindi niya maaaring malaman ito.
Tumikhim ako at tinago ang aking kamay sa likuran.
“Kung… kung magagawa kong ayusin ang punyal na iyan, titigil kana ba sa paghahanap sa taong iyon?” tanong ko na ikinatigil niya. “Makakaya ko, gaya ng ginawa ko sa iyong mga punyal—”
![](https://img.wattpad.com/cover/250133692-288-k508181.jpg)
BINABASA MO ANG
Blue stone Academy: The Cursed Child
Fantasi"The moment I realized I am not the protagonist of my own fairytale." Solving crimes within the academy is like navigating a complex puzzle or a high-stakes chess game. Here, hatred consumes, love blinds, and emotions overpower. Students believed th...