Kabanata 33

2 0 0
                                    

Shiro

 

Hindi ko alam kung masama ba ang ibig sabihin ng panaginip ko kanina o mabuti ba ang ibig sabihin nito. Pamilyar sa akin pero hindi ko alam kung saan ko iyon nakita. I’ve never ridden a train or been on a ship, but the field full of flowers is still possible. 

Napasintido ako ng makaramdam ng sakit sa aking ulo. Pangalawang araw ngayon ng White Heart’s Day at napagpasyahan ko na sumama kila Leora at Liam upang makita ang kanilang booth. Rather than that, I also want to talk to Leora, pero hindi niya pa rin talaga ako kinikibo. 

“Shiro, can you wrap this candy?" napa baling ako kay shanti. "Pinapagawa pala ako ni Leora ng Juice. I can’t say no.”

Tumango ako at kinuha sa kaniya ang basket na puro candy. Para itong freebies if ever na bibili ka ng halagang dalawang paninda. Shanti left, and I continued wrapping the candy with the shiny plastic. 

Hindi ko masisisi si shanti kung hindi siya makatanggi kay Leora, kahit ako, si liam o ang mga kambal. Otomatiko na gumagalaw ang aming mga katawan kapag may inuutos siya. Ewan, siguro dahil malakas lang talaga ang appeal ng leadership niya. 

I moved my gaze and I caught Leora looking at me. I smiled at her, but she immediately looked away. Agad nawala ang ngiti sa aking labi. 

"Yo, Ms. White." Nagulat ako ng biglang vtumabi sa akin si Art at kumuha ng candy. "Nakita mo ba ang asawa ko?"

I shrugged my shoulder. "Hindi, baka nasa cafeteria at kumuha ng tubig."  Pagdadahilan ko.

"Bakit ang lungkot mo ata ngayon? Mamamatay kana ba?" sinamaan ko siya ng tingin. "Easy, hayaan mo, pwede naman kita buhayin. Basta mahahawakan ko ang patay mong katawan, kaya kong ipasa sa iyo ang isa sa mga buhay ko." 

"Hindi ba dapat iniingatan mo ang buhay mo? Hindi mo dapat binibigay yan sa kung kanino lang." sita sita ko sa kanita.

Nagtaka ako ng tumawa siya. 

"Ako ang magpapasya kung kanino ko ibibigay ang buhay na meron ako. Saka parehas naman tayong fan ni Miss Oblivious, so why not?" 

Natawa rin ako sa sinabi niya. After that day, he talked non-stop about the book that Shanti wrote. Na-curios din ako dahil mahilig diin naman ako sa libro kaya sinubukan kong basahin. And I guess I've become a fan too. 

Art stood up and patted my head. "Gotta go, baka hinahanap na ako ng asawa ko." Aniya at lumalis

Matapos kong magbalot ng mga candy ay tumulong naman ako kay Liam na magtinda sa mga bumibili. Kapansin pansin na karamihan ay mga lalaki ang bumibili sa booth na ito, dinadayo si Leora. 

"Hoy! Mga traydor." Sigaw ng lalaki na naka putting tila bistida. "Nandito ang booth natin sa kabila, magtida kayo!" 

Nang sinabihan ako ni liam na pwede na ako magpahinga ay nakahinga ako ng maluwag. Binigyan ako ng juice ni liam at umupo kami sa kahoy na upuan. Kinain din namin ang sandwich at ice cream na tinda nila. Kasama ko ngayon si Liam, shanti at art pero hindi sumama sa amin si leora.

“Anong pinag-awayan n’yo ni leora? Hindi kayo nagpapansinan. " Tanong ni shanti. 

Napatigil ako sa pagkain at nagbaba ng tingin sa juice. 

"Kahapon naman ay okay pa kayo nung iniwan ka namin sa dorm." Sabat ni liam. "shiro, kung ano man ugat niyang pag-aaway niyo sana hindi makasira yan sa isa’t isa."

“Hindi ko alam, pag-uwi ko kahapon ay hindi na n’ya ako pinapansin.” Sagot ko.

Liam moved closer to me, and so Shanti and art. 

Blue stone Academy: The Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon