Shiro
And so, I wasn't really planning on wasting all my money in a day, but these two are so persistent. How did they get the bag of my money inside my robe? I was just surprised to see Tres holding the bag containing the money and waving it in the air.
Liam is currently counting the number of copper inside the bag. Mabuti na lamang at naka bukod ang ginto at pilak na nasa kabiling bulsa ko, hindi kami maaaring mawalan ng pera lalo pa at hindi pa namin nahahanap ang dalawa.
I turned to the old man and saw that he was happy watching Liam and Tres joking around while counting the money. Grandpa Cleo has been alone in life since his wife passed away several years ago. He also mentioned that they didn't have any children because his wife was physically weak.
Kaya siguro gayon nalang ang kaniyang pagkasabik sa mga mata habang naka tingin sa aming tatlo. Sino ba naman ang matinong lalaki na hindi gusto magkaroon ng anak? Pero dahil mahal na mahal niya ang kaniyang asawa ay hinddi niya ito magawang iwan.
Sinabi niya rin na sa unlad ng lugar na ito, lahat ng tao ay kayang bumuo ng higit dalawang pamilya kaya mababa ang tiyansa na makaampon sila ng bata. At kahit gustuhin niya ay kulang pa ang kaniyang kita sa pagbebenta ng mga punyal sa gamot ng kaniyang asawa.
Siguro ay maghahanap nalang ulit ako ng mapagkakakitaan sa lugar na ito para dumami ang aking pera.
"Tatlompung tanso!" bulalas ni Liam.
"Ayos na! sigurado magkakarne tayo mamaya," sabat ni Tres at inilagay muli ang pera sa loob ng bag. "Ako na ang bibili, saan po ba ang pamilihan dito—"
Tumawa ang matanda at ginulo ang buhok ni Tres. "Ako na lamang ang bibili, magpahinga na kayo dito." Aniya at bahagyang lumingon sa akin. "Dahil ikaw ang may-ari ng pera, maaari ba kitang yayain na dumalo sa akin?" dugtong niya at makahulugan akong tinignan.
Hindi ko namalayan ang bilis ng aking pagtango at agad na sinuot ang aking balabal saka walang lingon-lingon na sumunod sa kaniya. My gut is telling me that he knows something, and I can't let this Chance to slip away from my grasp.
Magkasabay kaming naglalakad habang magkasabay na tinitignan ang bawat pamilihan. Puro mga bilihan lang ng sandata ang nakikita ko, saan ang bilihan ng mga pagkain? Naramdaan ko ang kaniyang kamay sa aking likod at nagpatianod paliko, nang lumiko kami ay dito ko lamang nakita ang malaking pamilihan ng mga karne at gulay.
"Ito ang pamilihan ng dagtum, at ito ang pangalawa sa pinbakamalaking pamilihan sa buong kontinente." Aniya.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang iba't ibang uri ng hayop na walang buhay. Baka, baboy, kambing at kuneho. Napansin ko rin ang mga aso na malayang naglilibot libot sa paligid, at ang iba ay binibigyan ng mga tindero kapag nagagawi sa kanilang puwesto.
Bumaling ako sa matanda. "bakit po malaya ang mga aso na gumala dito?" tanong ko.
Nagtuloy tuloy kami sa paglalakad. "Napansin mo ba na walang guwardya? Wala rin namang magnanakaw dito. Ang silbi ng mga aso ay upang bantayan ang mga buhay na hayop kung sakaling ito ay makatakas. May paniniwala kasi ang lugar na ito na kayang makipag-usap ng mga aso sa mga hayop dito at suwerte ang aso sa kanilang mga paninda."
Tumango ako at sabay kaming nagtungo sa bilihin ng karne ng kuneho.
Mukhang malalim ang pinagmulan ng paniniwala na iyon.
"Magkano ang isang buong kuneho?" tanong ni lolo Cleo.
Tila nagulat naman ang lalaki nung makita ang matanda. "Oh, napadayo ka Cleo? Mukhang may kinita ka ngayon?" mayhabang na usal.

BINABASA MO ANG
Blue stone Academy: The Cursed Child
Fantasy"The moment I realized I am not the protagonist of my own fairytale." Solving crimes within the academy is like navigating a complex puzzle or a high-stakes chess game. Here, hatred consumes, love blinds, and emotions overpower. Students believed th...