Shiro
Marahas niyang ipinalo ang kaniyang dalawang kamay sa lamesa dahilan upang makalikha ito ng malakas na tunod, at naging dahilan rin ng pagdapo ng mga pares ng mata sa aming puwesto. Mahigpit kong hinawakan ang supot na may pera sa loob at hinanda ang aking sarili sa kung ano man ang maaaring mangyari.
“Mandaraya! Sinira mo ang negosyo ko!” biintang niya sa akin.
Nawindang ang mga nakarinig nito, ngunit hindi ang mga naunang nakasaksi. Alam naman nnila na lumaban ako sa patas.
Dahan-dahan din akong tumayo at inilagay ang mga pera sa loob ng aking balabal. Palihim ko na tinignan upang maghanap ng butas kung sakali mang kailanganin kong tumakbo.
“Sinira? Nais ko lamang ipaalala na ikaw ang nagpalaro at nanalo lamang ako.” Turan ko siya kaniya na mas lalo niyang ikina inis. “Ngayon, kung iyong mamarapatin, aalis na ako—”
“Hindi! Hindi! Ibalik mo sa akin ang pera ko.” Pagpupumilit niya.
Bumuntong hininga ako. Ibang klase. Ang kapal ng mukha.
“I don’t want to, I won and it’s my prize so deal with it.” Inis na usal ko.
Akma ko siyang tatalikuran ngunit malakas siyang sumigaw habang nakaduro sa akin. Ang kaniyang ekspresyon ay tila ba nakakita siya ng isang halimaw na mula sa alamat. Saka ko lamngh napagtanto ang lenguwahe na inusal ko.
“Narinig niyo ba? Umusal ng ibang salita ang babaeng ito. Malamang ay ginamitan niya ang aking negosyo ng mahika upang manalo siya!”
Dahil sa sinabi ng babae ay nagsimulang magbulong bulungan ang mga tao sa paligid.
And as mush as I want to punch that woman, I wanted to punch myself even more. How could I be so careless? Batid ko na isang salita lamang ang naiintindihan nila, ngunit hindi naman ako gumamit ng kahit anong mahika. Ako nga lang ang nag-iisang walang abilidad sa paraaralan.
Maraming nakuha ng asul na apoy, sila ang may abilidad, wala ako!
“Hulihin ang babae at sunugin sa plaza!” sigaw ng iilan sa kanila. "Espiya!"
Nanlaki ang aking mga mata at agad na pumihit paalis sa lugar. Laking pasasalaman ko na hindi ako hinarang ng apat na lalaki na nasa aking likuran, bagkus ay tinulungan pa nila ako upang hindi agad ako masundan ng iba. Ngunit dahil aapat lamang sila ay nakuyog din sila ng mga tao.
Pumunta ako sa masikip na eskinita at pilit na naghahanap ng daan upang makalabas sa lugar, ngunit tila nagpasikot sikot lamang ako sa iisang direksyon at hindi ako makawala.
“Nandito, dito ko siya nakitang dumaan—”
Tinawid ko ang may kataasang bakod at doon nagtago. Dinig ko ang kanilang mga mabibigat na yabag ng paa na papalapit sa aking pwesto.
“Nasaan na?!”
“Sunugin ba? Ibenta nalang para magka pera tayo.”
“Mukhang masarap, bakit hindi muna natin tikman?” tanong ng isa na mas nakapagdagdag ng kaba sa aking dibdib.
Nang marinig ko ang papalayo nilang yabag ay nag-intay muna ako ng ilang sandali bago unti-unti na tuluyang sumilip sa labas. Naka hinga ako ng maluwag ng makitang walang tao sa buong paligid.
“I want to go home,” mangiyak ngiyak na usal ko.
Now I realize how lucky gilbert was, summoning into the castle and be friended with a prince that soon to be the emperor. It must be nice. I am so envious.
Mariin akong bnapapikit sa aking pwesto at humugot ulit ng malalim na buntong hininga. Saka dahan-dahan na tumayo at pinagpagan ang aking damit. Siguro ay ipagpapabukas ko na lamang ang paghahanap sa mga kaibigan ko. At kung hindi ko sila mahanap bukas ay tuluyan na akong pupunta sa ibang nayon upang hanapin ang kasagutan kung paano ko masisira ang ang laro— hindi, maaari sana ay masira lamang ang sumpa.
BINABASA MO ANG
Blue stone Academy: The Cursed Child
Fantasy"The moment I realized I am not the protagonist of my own fairytale." Solving crimes within the academy is like navigating a complex puzzle or a high-stakes chess game. Here, hatred consumes, love blinds, and emotions overpower. Students believed th...