Kesia;
Nakakapagod? Oo, sobra. Naniniwala akong sa una lang talaga masaya ang lahat, kahit anong gawin ko may sakit pa rin sa huli.Hindi ko ginustong mabuhay sa pamilyang mayaman, sikat, at nabibigay lahat ng pangangailangan at gusto ko. Aaminin ko, masaya — pero hindi sa lahat ng panahon nandiyan yung saya.
Bumaba ako ng hagdan para kumain ng almusal, as usual wala na naman akong kasabay kumain, sanay na 'ko na hindi ako yung priority ng mga magulang ko, pagdating sa lahat, trabaho palagi ang inuuna nila.
"Good morning, ma'am Kesia." bati sa akin ni manang, ngumiti na lang ako kahit may kirot akong nararamdaman sa aking puso, ni minsan kasi hindi ko narinig 'to sa mga magulang ko.
Habang kumakain ako, bigla na lang tumunog yung cellphone ko, alam kong si Azura 'yon, kaklase ko simula grade 5.
Sabi ko na nga ba, pinapapasok na naman niya ako ng maaga para may kausap siya. Ewan ko ba rito pero ang hilig pumasok ng maaga sa school, wala naman kaming importanteng gagawin, kaya minsan hindi rin kami pinapapasok ng guard sa loob ng campus.
"Manang, pakisabi po sa parents ko na hindi ako uuwi mamaya." hindi ko rin alam kung bakit ito yung pumasok sa isip ko na idadahilan ko, alam ko naman na walang pakeelam yung magulang ko.
"Sigurado ho ba kayong papayagan kayo nila ma'am at sir?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni manang kaya tumango lang ako at tsaka dumiretso sa taas para maligo at magbihis, gustong gusto ko nang pumasok, besides wala rin naman akong gagawin dito sa bahay kasi wala naman yung mga magulang ko rito.
Ilang oras ang lumipas, nagmamadali akong umalis ng bahay kaya nakalimutan kong magpaalam kay manang, pero habang nasa loob ako ng sasakyan ay dali dali ko naman siyang chinat.
Ilang minuto rin ang byahe papunta sa school kaya naman lumibot lang ang paningin ko sa daan, medyo mainit sa labas pero ang gaganda at ang tataas ng mga buildings, may mga nakapalibot ding mga halaman kaya mas lalong gumanda sa paningin ko.
"Sayang naman po at hindi niyo naranasan ang mga nararanasan ng mga bata kasama ang magulang nila." napatigil ako nang marinig ko ang sinabi ng driver ko.
Aaminin ko, natamaan ako sa sinabi niya at sobrang laki ng impact no'n sa 'kin lalo na't alam ko mismo sa aking sarili na kulang ako sa aruga at atensyon ng aking magulang, pero anong magagawa ko kung mismong sila ay hindi ako pinapahalagahan?
"Sorry po, ma'am Kesia." dali daling patawad ni manong driver nang makatitigan ko siya sa salamin ng kotse, hindi ko napansin na masama pala ang tingin ko kaya naman humingi rin ako ng tawad sakaniya.
Pagbaba ko ng kotse ay nag wave ako ng good bye kay manong bago tuluyang pumasok sa loob ng campus, syempre bumungad agad sa aking harapan si Azura.
"Kesia!" sigaw nito at dali daling tumakbo sa akin para yakapin ako, ginantihan ko naman ito ng yakap.
"Get out of my way, losers!" napalitan ng galit ang saya na dumadaloy sa dugo ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon, ang bastos ng bunganga ang sarap sampalin nang matauhan.
Paglingon ko ay nakita ko itong gwapong lalaki sa aking harapan, I admit pogi siya, pero ang pangit ng ugali.
"Hoy! Ayus-ayusin mo yang pananalita mo ha, hindi mo ako-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang siyang dumaan sa harapan ko na parang walang nangyari, ang bastos talaga!
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomanceKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...