Paglabas ko ng room ay agad na bumungad sa akin ang mukha ni Leo, halos sumabog na nga siya dahil sa sobrang pula ng mukha niya, hindi naman siya mukhang kinikilig kaya sigurado ako na galit siya.
"Oh bakit?"
Hindi niya ako sinagot, nag labanan lang kami ng titigan sa mata, halos matunaw na nga ako dahil sa pagkakatitig niya sa 'kin, pero at the same time may halong kaba kasi galit siya.
"B-bakit nga?"
Nagulat na lang din ako dahil bigla akong nautal sa pagtanong sakaniya, ang unexpected nito ha.
"Seems like you're having a great time with him, nakita ko kayong dalawa kanina magkasama, ang saya saya mo pa sakaniya"
Ito pa lang ang nasasabi niya, mahahalata na nagseselos siya, sa sobrang pula ba naman ng mukha niya.
"Oh anong problema ron?"
Sinubukan ko siyang asarin, but it didn't go well.
"Kayo na lang kaya, mas masaya ka pa kasi sakaniya kaysa sa 'kin"
Expected ko na sasabihin niya 'to, pero may naramdaman pa rin akong panandaliang kirot sa puso ko.
"Ikaw lang naman ang gusto ko. If hindi ka naniniwala then let me have some time to change your mind"
I know he can't resist me kaya sinabi ko 'to, as expected natalo ko siya, bumigay siya agad.
Bigla niya akong niyakap, take note nasa harap pa kami ng room, which means nakita kami ng prof namin, but he doesn't even care a bit.
"Tama na, may practice pa ako"
"Saan na naman?"
Tinaas ko naman ang isa kong kilay dahil sa tanong niya, seryoso ba siyang hindi niya alam ang tungkol sa mga ganap? Napaka impossible naman.
"Muse ako para sa basketball team ng grade natin, 'wag mo sabihing hindi mo alam"
Natawa naman siya, nababasa ko ang gusto niyang sabihin, sigurado naman akong alam niya 'yon 'no.
Isa nga pala sa pinaka magaling at pinaka paboritong player si Leo sa campus namin, halos sa lahat ng tinuruan ng coach nila ay siya lang ang napansin na madaling maka catch up sa kailangang gawin.
"Basketball player ako Kesia, 'wag mo akong pinangungunahan"
Hindi ko alam pero dahil sa sinabi niya nawalan tuloy ako ng gana para mag practice kasi magp-practice rin sila, which means makikita niya ako habang rarampa.
"Huwag mo naman sana akong pag tripan mamaya 'no? Nababasa ko na yang utak mo at hindi ko nagugustuhan ang pinaplano mo"
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sabihin sakaniya 'to, feeling ko tuloy pinaalala ko lang sakaniya ang dating siya, kilala raw kasi siyang trouble maker noon.
"Don't worry, I won't make fun of you kahit madapa ka pa sa harap ko. And I know that you can do it, may experience ka na 'di ba? So I'm sure na kaya mo 'to"
For the first time ay napagaan niya ang loob ko, madalas kasi ay siya ang dahilan kung bakit ako nawawala sa mood o minsan naman ay sadyang nakakainis lang ang kinikilos niya.
"Kinakabahan nga ako eh, baka ma disappoint lang kayo dahil sa gagawin ko, ilang taon na kasi ang lumipas simula no'ng huli kong ma-try mag model sa harap ng maraming tao"
Wala na siyang ibang sinabi, niyakap niya lang ako.
Sobrang sarap talaga sa feeling na mayakap ka.
"Oh tama na yan, kailangan na namin si Kesia"
Natawa naman kaming lahat nang biglang may humila sa 'kin na student, inutusan daw pala siya ng coach namin na puntahan ako since ilang minuto na ang nakain sa oras at wala pa ako roon.
Nasa likod ko lang naman si Leo, ngayon ay nakakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, feeling ko meron na namang butterflies sa stomach ko.
Hindi ko alam ang love language ni Leo, pero base on his actions, I can tell that it's quality time, and act of service.
Ilang minuto rin kaming naglakad papunta sa court, pagpasok namin sa loob ay biglang naghiyawan ang mga players galing sa iba't ibang grade levels, akala mo naman nakakita sila ng artista.
Ngumiti naman ako dahil sa kanila ay medyo nabawasan ang pressure at kaba na nararamdaman ko simula pa kanina, gusto ko na agad matapos 'to kahit hindi pa nagsisimula.
I took a deep breath before walking towards our coach, mukha kasi siyang mataray, pero mabait naman pala.
"May specific jersey po ba para sa muse?"
"Yes anak ko, meron. Hanapin mo na lang dito yung name ng basketball team niyo and yung jersey number naman is yung grade niyo"
Nagpasalamat naman ako at tsaka tumango, agad ko rin namang hinanap ang specific jersey na para sa 'kin.
Pagkakita ko ay bigla akong namangha, halatang pinaghandaan nila ito dahil bagong print pa lang, maganda rin yung tela ng jersey, hindi manipis at hindi rin makapal so hindi mainit kapag sinuot.
Agad naman akong pumunta sa cr para magpalit, buti na lang may baon akong cycling so hindi ko na kailangan patungan ng short.
Tinignan ko muna ang sarili ko at nag retouch ng konti, medyo na haggard na kasi dahil sa first class HAHAHA
Paglabas ko naman ng cr ay nagulat ako nang bigla na lang maghiyawan ang mga players, nagtutulakan pa ang iba at sumisipol naman ang iba.
"Hoy! Ang ingay niyo, settle down players!"
Natawa naman ako dahil sa pagsuway sa kanila, agad naman silang sumunod pero hindi pa rin mapigilan na mag bulungan tungkol sa akin.
Nahalata ko naman na tinititigan ako ni Leo, kaya inirapan ko siya at pansin ko namang umiling ito habang nakangiti.
"Alam ko na magaganda ang ating mga muse ngayon…"
Muli ay naghiyawan ang mga players, ang iba ay sinisigaw pa ang pangalan ng muse nila pero syempre pinaka maingay ang sumisigaw ng pangalan ko, kahit hindi namin ka grade level ay nakikisigaw.
"Hoy ang iingay naman players! Bakit naman yung iba nakikisigaw pa, hindi naman si Kesia yung muse niyo"
Natawa na lang kaming lahat dahil sa sinabi ng coach namin, pero yung muse nila ay medyo naiinis sa 'kin.
"Alam ko naman na sobrang ganda ni Kesia ngayon 'di ba? Pero huwag niyo kalimutan na mag cheer sa muse niyo, hindi sa muse ng iba, kaloka naman kayo!"
Muli ay nagtawanan na lang kaming lahat, napansin ko rin na hindi gaanong natutuwa ang pagmumukha ni Leo dahil halos lahat sa mga players ay nasa akin ang atensyon at akala mo naman na glue ang mata nila sa 'kin.

BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomanceKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...