Chapter 27

0 0 0
                                        

Leo;
Pagkatapos ng mga pangyayari kagabi ay hindi ko na makalimutan si Kesia, ang saya ni mommy no'ng nakita niya ito na maraming sash at may hawak na trophy.

Para nga silang mag nanay nang bigla niyang niyakap si Kesia sa harap ko, ramdam ko ang saya ni mommy kagabi maliban sa naging successful ang event ay sobrang saya niya rin nang makita niya si Kesia.

Simula pa kasi noon ay shini-ship na niya sa 'kin si Kesia kahit wala pa siya sa school, kilala kasi ni daddy ang parents' ni Kesia, in short nasa same company silang tatlo.

Nagt-trabaho si daddy as assistant ng daddy ni Kesia, kaya hindi nagtagal ay close na close na sila.

I still remember before noong muntik kong ligawan si Azura, tutol talaga si daddy dahil gusto niya na pakasalan ko ang anak ng CEO, noon una tumatanggi ako kasi akala ko masungit si Kesia, pero kabaliktaran pala.

"Ang saya naman ng anak ko" nakangiting asar naman sa 'kin ni mommy habang tinatapik ang balikat ko.

"Nako mommy, naalala ko lang po siya" sagot ko naman at napayuko.

"Binata ka na talaga, ba't kasi hindi mo siya nilagawan o kaya naman yayain mong lumabas tutal sabado naman ngayon tsaka matatapos na ang school year"

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni mommy, may point naman siya, malapit na nga matapos ang school year, which means malapit na rin ang debut ni Kesia.

"Pag iisipan ko po muna siguro mommy"

"Huwag na, sigurado naman ako na matutuwa si Kesia kapag niyaya mo siya o 'di kaya ligawan, magpaka lalaki ka nga, 'wag kang torpe! Sigurado naman ako na hinihintay ka lang niya na gumawa ng move, bibigay rin yan agad, trust me" kumindat pa si mommy sa 'kin tsaka ako muling tinapik sa balikat bago niya kunin ang tasa ng kape at tsaka lumabas para mag pahangin.

Siguro nga may point si mommy, ilang buwan na akong nagtitiis na mag confess sa kaniya, iniisip ko kasi ang mga negative na pwedeng mangyari to the point na kinalimutan ko kung ano ang positive na pwedeng mangyari.

Muli akong napabuntong hininga at tsaka nag decide na umakyat sa kwarto ko, isang bahay lang naman ang pagitan sa bahay naming dalawa ni Kesia.

Nag decide ako na i-text siya, yayayain ko siyang mag park ngayon, medyo matagal bago siya mag reply pero pumayag naman.

Naligo na ako, lalaki naman ako kaya hindi ko na kailangan ng kutingting tuwing naliligo kaya wala pang sampung minuto tapos na 'ko.

Magp-polo lang ako at tsaka pants, hindi ko naman kailangan magpa pogi ng husto, hindi naman babae ang habol ko, si Kesia lang, gusto ko lang naman na malaman niya ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya.

Let's say magkaibigan kami, pero ayaw ko naman mag settle sa kaibigan lang, I want more than that and I know na nasa tamang edad na kami para sa mga bagay na ganito.

Nag perfume naman ako at tsaka kinuha yung paper bag na nasa lamesa ko, yes I've been preparing for this to happen, and now it's finally happening.

Merchandise ang laman ng paper bag, alam ko kasi kung gaano siya ka adik sa kpop, ginagamit niya pa ang paborito niyang kpop group minsan para pagselosin ako.

May 5 albums at halos 100+ na photocards ang laman ng paper bag, malas ko na lang kapag hindi 'to nagustuhan ni Kesia.

Nag sapatos na ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko, nagpaalam naman ako kay mommy na napa kunot noo na lang dahil sa inaasta ko pero agad din itong ngumiti sa 'kin.

Hindi ako usually nakikinig sa parents' ko dahil mas gusto ko mag desisyon mag isa sa buhay, pero mommy changed me, in a good way of course.

Pinaandar ko na ang kotse ko at tsaka naghintay sa labas ng bahay nila.

"Sir, pasok daw po muna kayo. Naliligo pa raw po kasi si ma'am" sabi naman sa 'kin ng guard, nakangiti naman ako at tsaka pumasok sa bahay nila.

Sinalubong naman ako ni manang na sobrang lapad ng ngiti, at si manong naman ay tinapik tapik ako sa balikat.

"Lumalaki na talaga kayo" naiiyak na sabi naman ni manang, na touch naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ko pa naman po kukunin sa inyo si Kesia, ilalakad ko lang po siya, aaminin ko pa lang po ang nararamdaman ko para sa kaniya" nakangiting sabi ko naman sa kanila, natuwa naman sila at parehas nila akong niyakap.

Kesia;
Narinig ko ang kotse ni Leo, sinabi ko naman na papasukin muna siya dahil naliligo pa ako pero yung totoo halos ten minutes na akong tumitingin ng isusuot ko.

I decided na mag crop top polo na lang na black at tsaka fitted trouser, tapos magh-heels na lang ako para maganda tignan.

Nag ayos lang ako ng mabilisan at tsaka nag perfume, kinuha ko naman ang ibibigay ko para kay Leo mamaya, nagpabili ako ng set (relo, kwintas, at bracelet) halos 70k ang nagastos ko dahil gold ang mga ito pero I didn't mind, as long as para kay Leo.

Nagmamadali naman akong bumaba pero napahinto ako nang makita ko silang tatlo, nagyayakapan.

"Ah talaga lang ha! Nasa bubong kayo ng bahay ko tapos hindi niyo ako sinasali!" kunwari ay galit ako, natawa naman sila at agad akong inaya ni Leo na mag join sa group hug, which I did.

"Osya, mauna na po kami manang, manong" paalam naman ni Leo at tsaka hinawakan ang kamay ko.

"O sige, mag iingat kayo ha" sabi naman ni manang at manong habang nakangiti.

"Ano yan?" tanong niya sa 'kin sabay turo sa nakabalot na regalong hawak ko.

"Wala, ibibigay ko para kay tita" pang aasar ko sa kaniya habang nakangiti, nalungkot naman siya at tsaka yumuko sa daan habang tumatango.

"Akin na, bigay ko na lang sa kaniya mamaya pag uwi"

"Ayaw ko, ako na ang magbibigay para naman ma appreciate niya" pagmamatigas ko at wala siyang nagawa.

Kahit nagtatampo siya ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pintuan, napatingin ako sa paper na nasa back seat.

"Ano 'yon ha?" tanong ko sa kaniya, sa wakas ay ngumiti siya, pero mapait na ngiti.

"Oh, I bought this before for you, balak ko talaga ibigay sa 'yo yan kapag magc-confess na ako" sabi naman niya at iniabot sa 'kin ang paper bag, medyo mabigat pa nga.

"What do you mean confess?" takang tanong ko naman sa kaniya, hindi niya naman ako sinagot at agad niyang pinaandar ang kotse hanggang sa makarating kami sa isang malawak na park.

As usual, pinagbuksan niya ako ng pinto at iniabot ang kamay sa akin, kalalaki niyang tao pero ang lambot ng kamay niya kaya naman gustong gusto ko kapag nakikipag hawakan siya.

"Ano nga pala yung confess na sinabi mo kanina?" pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa, napatigil naman siya sa paglalakad at tsaka ako tinignan ng malalim sa mata.

"Kesia, you know that I like you, right? And now I just realized that I want something, more than friends" nanlaki naman ang mga mata ko, at biglang nanghina ang tuhod ko nang hawakan niya ang magkabilaang pisngi ko.

"Kesia Monroe, can I... can I court you?" tanong niya sa 'kin, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nanginginig ang kalamnan ako at gusto kong sumigaw ng yes dahil sa tanong niya.

"Yes... yes, you can" masayang sabi ko at tsaka naman siya natuwa ng lubos kaya bigla niya akong hinagkan, hindi sa noo, hindi rin sa cheeks, kundi sa labi.

"Yah! Sabi ko ligaw pa lang, bakit naman humahalik na?!" kunwari ay asar kong tanong sa kaniya pero deep inside nagustuhan ko yung halik na 'yon.

Nakangisi naman siya sa 'kin at tsaka ako muling hinagkan.

"Akin lang din naman bagsak mo, 'wag kang mag alala kaya naman kitang buhayin" sabi niya pa at tsaka ako kinindatan, yabang talaga.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon