Chapter 5

0 0 0
                                    

Niyayaya na ako ni manang na kumain ng lunch, pero dahil matigas ang ulo ko ay nagpumilit ako na ayaw ko pang kumain kahit ang totoo ay nagugutom na rin talaga ako.

Kumakatok sila sa pintuan ng kwarto ko, pero hindi ko sila pinagbubuksan ng pinto, gusto ko munang mapag isa.

"Ma'am Kesia, mayroon pong naghahanap sainyo."

Nung una ay ayaw kong maniwala, pero agad kong binuksan ang pinto, umaasa akong si Azura ang maghahanap sa akin, nawawalan na rin ako ng oras sakaniya.

Dali dali naman akong bumaba ng hagdan, at nagulat ako nang makita ko si Kai, may hawak siyang paper bag.

"K-kai? Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Wear this, may pupuntahan tayo."

"Hindi pa ako nag shower"

"I can wait, mag shower ka na."

Agad ko naman kinuha ang binigay niya at tsaka nagmadaling pumunta sa kwarto ko para maligo.

Ano na naman kaya 'to?

Pagkatapos kong maligo ay agad kong binuksan ang binigay niya, nagulat ako nang makita ko ang swimsuit.

Wow ha! Ipapasuot niya sa 'kin 'to habang siya naka formal attire? Ano ba'ng trip non!

Pero sa totoo lang, he got me my favorite color kaya agad ko itong sinuot.

Nang kalkalin ko ang paper bag ay may laman ding pantakip sa swimsuit, parang mahabang long sleeves na pang formal, perfect for beach outfit.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin para tignan kung bagay ko ba talaga, hindi sa pag mamayabang pero natural ang kagandahan ko kahit wala akong make up, ito siguro ang isang dahilan kung bakit madalas akong hinahabol ng mga lalaki sa campus.

Nagsuklay lang ako ng buhok at tsaka nagpabango, sinuot ko rin yung sandal ko, flat sandal lang tutal 5'5 ang height ko.

Kitang kita ko sa mukha nila manang ang gulat at pagka starstruck dahil sa suot at itsura ko, khaki ang kulay ng swimsuit, white naman ang pantakip kaya medyo matchy ang kulay at tama lang ito para sa makinis at maputing balat ko.

"Let's go"

Nagpaalam muna ako kila manang bago ako sumunod kay Kai, sa totoo lang gwapo rin naman siya, gentleman, at mas may manners kaysa kay Leo.

Pagpasok ko ng kotse niya ay may iniabot siyang bouquet, nagulat naman ako dahil wala akong in-expect na mangyayari ito ngayon, hindi rin ako makapaniwala na bibigyan niya ako ng bouquet.

"Thank you, para saan 'to?"

"Wala lang, I just want to buy a bouquet for you."

Halata sa boses at mukha niya ang pagiging pure ng kaniyang intention at masasabi kong genuine ang nararamdaman niya para sa akin.

Ibang iba ang ugali niya kay Leo, I can say na mas ma-effort si Kai, not comparing tho, base lang 'to sa experience ko tuwing kasama ko sila.

Pero yung sparks na nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Leo, hindi ko nararamdaman kay Kai.

Though, I appreciate all of his efforts para sa akin.

"Gusto mo ba talaga ako?"

Pagbasag ko sa katahimikan ng byahe namin, hindi niya ako sinagot pero tinignan niya lang ako ng malalim sa mga mata ko.

"You know, love has no reason at all. Hindi ko mapipigilan ang nararamdaman ko para sa 'yo, kapag sinabi kong gusto kita, gusto kita. My intentions towards you are pure, and I can say that my feelings are genuine."

Hindi ako nakapag salita dahil sa sinagot niya, oo o hindi lang sana ang gusto kong marinig pero bakit gano'n ang sinagot niya? Bumibilis tuloy yung tibok ng puso ko.

"Bakit mo pala natanong?"

"Wala lang, curious lang ako. 'Di ko nga expect na ganyan yung isasagot mo kasi mostly sa mga lalaking naghahabol sa 'kin, oo o hindi lang sagot nila."

"Well, now you know na iba ako sa mga mas nauna mong na-meet."

I felt my heart fluttered, hindi pwedeng kinikilig na rin ako kay Kai.

Pinipigilan ko na ang sarili ko na mas lalong mahulog ang loob ko sakaniya, hindi pwedeng magustuhan ko rin si Kai.

Kai;
Ilang oras ang byahe papunta sa resort na pagdadalhan ko kay Kesia, ang sarap pagmasdan ng mukha niya habang natutulog.

Yung bilog na maliit niyang mukha, makapal na kilay, mahabang pilik mata, matangos at maliit na ilong, maliit, heart shaped at namumula mulang labi.

Ayaw kong aminin, pero gusto ko siyang halikan.

Ilang minuto ang nakalipas, nandito pa rin sa utak ko yung thoughts na hahalikan ko siya, ayaw ko man sanang gawin pero hindi ko na matiis.

Kesia;
I woked up when I suddenly felt something soft landed on my lips, as I opened my eyes, I saw Kai.

He then pulled his face away, and apologized.

"Ano'ng ginagawa mo Kai?!"

I tried to stop my self screamed, but it happened.

Hindi ako papayag na halikan ako ni Kai, si Leo ang gusto ko, at alam kong nararamdaman din 'yon ni Leo.

"I'm sorry Kesia, I didn't mean it."

"Ibaba mo na 'ko, kung saan mo man ako balak dalhin 'wag mo nang gawin, tatawagan ko si Leo para sunduin ako."

Bakas sa mukha niya ang guilt, at pilit niya akong pinipigilan na huwag bumaba ng kotse, kung hindi pa ako bababa, ano na lang ang mga posibleng mangyari?

"Tama na Kai! Gusto ko ang kaibigan mo!"

I felt my heart ached as I saw his eyes widened and tears began to fell.

"I get it, I'm sorry."

Hindi ko sinasadyang saktan siya, pero kung hindi ko sasabihin ang totoo, dalawa silang masasaktan ko.

Lumipat ako sa back seat para mabawasan ang awkward moments namin, ayaw ko rin nakikita siyang nagpipigil ng luha dahil sa akin.

Ilang minuto ulit ang lumipas at sa wakas ay nakarating na kami sa isang resort, sobrang ganda ng paligid at ang lakas ng hangin, rinig din ang tugtugan sa medyo loob ng resort.

"Kesia!"

Nagulat ako nang makita ko si Azura, agad ko siyang niyakap dahil labis ang pag aalala ko sakaniya.

"Saan ka ba galing babae ka? Ilang araw tayong hindi nag usap!"

Mala tampong sabi ko sakaniya na ikinatuwa niya lang, nag explain naman siya agad na marami siyang ginagawa sa bahay nila at humingi ng tawad dahil nawawalan siya ng oras sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Dinala ako ni Kai"

Nagulat naman siya dahil ang akala niya ay nagd-date kami ni Kai, pero ang totoo ay sinama niya lang pala ako para i-celebrate ang birthday ng kaibigan nila ni Leo, Jack daw ang pangalan.

"Shala ka be! Akala ko pa naman nagd-date kayo ni Kai, eh nung kailan lang si Leo ang kausap at kasama mo."

Natatawa na lang ako sa mga sinasabi ni Azura, bakas kasi sa mukha niya ang gulat at pag aalala na baka tinataksil namin ni Kai si Leo.

"Hindi ko naman 'yon magagawa kay Leo 'no"

Inikot naman niya ang mata niya sa 'kin, tila ba'y hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Sus, maniwala t4ng4!"

Agad ko naman hinila ang napaka haba niyang buhok, gumanti naman ito at tumawa na lang kami habang naglalakad papunta sa reserved room.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon