Leo;
Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para umiyak siya ng ganito kalakas, hindi ko alam pero maski ako ay nasasaktan.
"I'm sorry, I promise I will always love you" nakangiting sabi ko habang pinupunasan ang luha niya.
"Gusto ka rin ni Azura, bakit hindi na lang siya yung mahalin mo?" napatingin ako ng malalim sa mga mata niya, hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para sabihin 'yon.
"Ikaw lang ang gusto ko Kesia, hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko para sa 'yo for you to know that I only love you?"
Hindi naman niya ako sinagot at natahimik na lang, alam ko naman na kahit sinabi niya 'yon ay gusto niya rin ako.
"Kahit hindi mo sabihin sa 'kin alam ko naman na gusto mo rin ako" nakangising sabi ko sa kaniya at tsaka kinurot ang pisngi niya.
"Ang kapal mo naman!" inirapan niya ako at tsaka kumalas sa pagkakayakap sa 'kin, natawa na lang ako sa kinilos niya, para siyang bata.
"Balik na sa loob, magp-practice ka pa" aya ko naman sa kaniya, nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at tsaka ako hinila pabalik sa loob ng court.
Kesia;
Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lang hinila ang kamay ni Leo papasok sa loob ng court, pagdating namin ay masaya naman nakangiti sa amin si coach.
Napayuko naman ako at agad binitawan ang kamay ni Leo, kita ko namang ngumiti siya habang umiiling at tsaka umupo sa usual pwesto niya.
Hindi nagtagal ay nagsimula na kaming mag practice, medyo masakit na ang paa ko dahil sobrang taas ng heels at kanina ko pa 'to suot suot.
Hindi naman nagtagal ay tapos na sa wakas ang practice namin, wala man kaming ginawa pero nakakapawis talaga kasi medyo wala gaanong hangin.
Inaantok na ako, 5 pm na kasi pero mas pinili kong mag stay at maghintay na matapos ang practice nila Leo.
Nilibang ko naman ang sarili ko habang nags-scroll ako sa tiktok, bigla naman akong nagutom kasi may nakita akong pagkain kaya naman nagpaalam muna ako kay coach na bibili lang.
Nagulat ako at napangiti dahil may mga tao pa lang nakakakilala sa 'kin, ang iba ay nanghihingi ng autograph, ang iba naman ay nagpapa picture pa.
Masaya ko naman silang pinagbigyan sa gusto nila, kitang kita sa mukha nila ang saya at hindi makapaniwala dahil pinagbigyan ko nga sila.
Sinamahan naman nila akong bumili ng snacks, at pagkatapos ay nag insist pa sila na ihatid ako hanggang sa loob ng court.
Pagbalik ko naman doon ay masayang nakangiti sa 'kin si Leo habang bitbit ang gamit ko, kinikilig naman ang mga kasama ko.
"WOOH! Ship ko na kayo!" natawa naman kaming dalawa ni Leo dahil sa sinisigaw nila, hindi ko pa nga alam kung may chance ba si Leo sa 'kin o kung may chance ako sa kaniya.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ko naman kay Leo at tsaka siya tumango.
"Ayaw mo pa bang umuwi? Maaga pa naman, pero maaga rin kasi yung event bukas" napa pout naman ako dahil sa sinabi ni Leo kahit may point naman siya, maaga nga naman yung event bukas tapos tutulong pa kami na ayusin yung event place, pati na rin yung buong campus.
"Sige, uwi na tayo" mapakla naman akong napangiti, tsaka naman niya kinurot ang pisngi ko, namula tuloy tapos inaasar niya 'ko na kinikilig daw ako, sus.
Pagpasok ko sa kotse niya ay agad akong napapikit ng mata at napangiwi sa sakit.
"Why? What's wrong?" alalang tanong niya sa 'kin habang nakahawak sa kamay ko.
"Ang sakit ng paa ko, kanina pa kasi akong 10 am naka heels tapos palakad lakad pa 'ko" malungkot naman ang boses ko, napailing naman siya at tsaka tinanggal ang heels ko.
"Here, wear this" may iniabot naman siyang tsinelas sa 'kin, malaki ang size kaya sigurado ako na sa kaniya ito.
"Nako, 'wag na, kaya ko pa naman" pagmamatigas ko.
"Kaya mo nga ngayon, pero bukas? Halos buong araw ka magh-heels bukas, tsaka tignan mo yang paa mo, namumula na" pilit niya sa 'kin at tsaka kinuha ang paa ko.
Kita ko rin siyang may kinuha sa bag niya na nasa back seat, oil at ointment.
"Ano naman gagawin mo diyan?" asar ko naman na tanong sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.
"Akin na yang paa mo" utos niya sa 'kin pero syempre hindi ko siya sinunod.
"Akin na yan sabi eh!" pagpupumilit niya, dahil mas malakas siya sa 'kin wala na naman akong nagawa, nakasimangot naman ako habang hawak niya ang paa ko na nakapatong sa hita niya.
Nakaramdam naman ako ng paggaan sa pakiramdam dahil sinimulan niyang masahihin ang paa ko gamit ang oil, mabango ang amoy kaya hindi masakit sa ulo.
Sinunod niya naman lagyan ng ointment ang mga namumulang part ng paa ko, sanay naman akong naka heels pero iba ang sakit kapag mataas ang inches tapos palakad lakad ka pa sa daan.
"Are you feeling better now?" tanong siya sa 'kin at tsaka ako binigyan ng bottled water.
"Oo, thank you ah" nagpasalamat naman ako dahil kahit papaano ay nagmamalasakit pa rin siya sa 'kin, may efforts naman siya, at mahal naman niya ako kaya if ever tatanungin niya ako para maging girlfriend niya, papayag ako agad.
"Ihahatid na kita sa inyo, I'm sure hinihintay ka na ng yaya mo, mag text ka na sa kanila" -Leo
Agad ko naman sinunod ang utos niya, buti na lang nag reply agad si manang bago ko i-off ang phone ko, ayaw ko kasi may distraction tuwing bumabyahe.
Leo;
Ilang minuto pa lang ang lumipas, nakatulog na siya agad, hindi ko naman ginising kahit malapit na kami dahil alam ko na pagod siya.
Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Azura sa 'kin sa text, kung hindi ko raw siya pinagbigyan ay may mangyayaring masama kay Kesia.
Hindi naman maintindihan kung bakit niya 'to naisipan na gawin, ang alam ko kasi matalik silang magkaibigan, pero ano na ang nangyayari ngayon?
Sinubukan ko naman pakalmahin ang sarili ko dahil gabi na at wala masyadong ilaw sa daan, mahirap na baka maaksidente ako, madadamay pa si Kesia.
Huminto na ako sa harap ng bahay nila at tumingin ulit sa kaniya, kahit tulog siya ay napaka ganda niya pa rin.
Hindi ko siya ginising, lumabas ako ng kotse at dahan dahang binuksan ang pintuan ng kotse kung saan siya nakaupo, nakasabit naman sa balikat ko ang bag niya at maingat ko siyang binuhat, dahan dahan ko rin kinuha ang heels niya na nasa lapag ng sasakyan.
Gumalaw siya ng konti pero buti na lang hindi siya nagising, hindi ko na sinara ang pintuan ng kotse, mahirap na baka magising pa si Kesia.
Binuksan naman agad ng guard ang gate at tsaka naman ako kumatok sa may pintuan, buti na lang binuksan din ito agad ng yaya ni Kesia.
"Good evening po" masayang bati ko, ngumiti naman sila sa 'kin at tsaka rin ako binati.
Ibinaba ko naman ng maingat ang heels at gamit ni Kesia, nagpaalam din ako sa yaya niya na iaakyat ko na siya sa kwarto niya, buti na lang pumayag ito.
Muli ay maingat kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya, magaan naman siya kaya hindi ako nahirapan gawin lahat ng ginawa ko simula pa kanina.
Dahan dahan ko naman siyang ibinaba sa kama niya at tsaka ko siya tinakpan ng kumot, hinagkan ko rin ang noo niya.
"Good night, my love"
In-off ko naman ang ilaw at tsaka dahan dahan na sinara ang pintuan ng kwarto niya, maingat din akong bumaba ng hagdan para siguraduhin na hindi talaga siya magigising.
"Nako hijo, uuwi ka na?" -manang
"Opo"
"Ay nako, dito ka na lang kumain, maraming niluto ang manang mo" -manong
"Ay nako hindi na po, nag abala pa po kayo" nakangiting tanggi ko sa kanila, but they insisted so I have no choice, besides masarap naman ang luto ni manang.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomantikKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...
