Chapter 19

0 0 0
                                    

Kesia;
I feel like a fool, crying in front of him pero hinayaan niya lang ako na ilabas lahat ng hinanakit ko sa loob.

"What does sorry do?" pagbasag ko sa katahimikan na kanina pa nasa amin.

Umangat naman ang tingin niya sa mga mata ko, nag aalala siya at mukhang hindi alam ang isasagot.

"W-wala..." napayuko naman siya dahil sa sinabi niya.

"You're right, so spending your saliva and saying sorry won't do anything, besides sorry can't heal the damage you have done" malamig na boses na pagkakasabi ko, dahilan para umangat muli ang tingin niya sa akin.

"What do you mean?" takang tanong niya habang nagpipigil ng luha.

"It's just a waste of time Leo" walang sabi sabi ay agad na akong umalis mula sa kinatatayuan ko, nakita ko naman siya na napaluhod na lang dahil sa sinabi ko.

I admit, masakit din para sa akin na nakikita siyang umiiyak, pero ano pa ba ang magagawa ko? Kasalanan naman niya yan, so he needs to deal with it.

Nakabalik na ako sa court at sumalubong naman sa 'kin ang yakap ni Kai, hindi niya siguro napigilan ang sarili na yakapin ako.

"Woah, easy... Chill ka lang" natatawang sabi ko sa kaniya, dahilan para matawa rin siya.

"Kesia, you're back! Itutuloy pa ba yung practice?" tanong naman ni coach habang may hawak hawak na mga papers.

"Kayo po ang bahala coach, kahit ano naman po ang maging desisyon niyo ay okay na okay for me" nakangiting sabi ko naman, at ngumiti rin siya sa 'kin.

"Medyo mab-busy kasi ako ngayon, binigyan ako ng mga paper works. Ituloy na lang natin bukas 'no? Time niyo na rin siguro 'to para makapag pahinga, lalo ka na"

Ngumiti naman ako kay coach at tsaka ni-ready yung gamit ko, gusto ko nang umuwi dahil hindi ko na kayang tiisin na makita ulit ang pagmumukha niya.

Magaan lang naman ang bag ko kaya hindi ako pumayag na si Kai pa ang pabibitbitin ko.

Malapit na kami sa may exit nang bigla kong maramdaman na may humila sa buhok ko, si Azura.

"Malandi ka talagang babae ka!" galit na galit ang mukha niya, at akmang sasampalin ako ulit pero pinigilan siya ni Kai.

"Tumigil ka na Azura, kung ayaw mong sabihin ko kila tita na ibalik ka na lang ulit sa London para doon mo tapusin ang pag aaral mo"

Hindi naman nakasagot si Azura dahil doon, at agad na tinigil ang binabalak niya, tahimik din naman siyang naglakad palayo sa amin ni Kai, ang strange tuloy.

"Ano ang nangyari? Bakit mo naman sinabi 'yon, hindi naman masakit ang pagsabunot niya sa 'kin"

Hindi naman natutuwa ang mukha ni Kai na tumingin sa 'kin, para tuloy ako pa ang masama dahil sa sinabi ko.

"Nandoon kasi ang parents' ni Azura, sigurado ako na hindi niya nababanggit ang magulang niya. Yung nakikita mo tuwing cards out, nanay ko 'yon, laking lola si Azura kaya spoiled brat kung kumilos"

Gulat naman ako dahil sa kwento ni Kai, hindi ako makapaniwala at wala akong alam na all these years ay nagsisinungaling lang siya sa 'kin.

"Wala akong alam" nanghina bigla ang tuhod ko dahil sa nalaman ko, sobrang laking revelation naman nito.

"Shhh, okay lang yan" agad naman akong niyakap ni Kai para hindi ako tuluyan na maiyak, hindi ko naman kasi ine expect na mangyayari 'to ngayon.

Nang makalabas na kami sa gate ng school ay agad kaming pumunta sa parking lot, hindi naman kalayuan ang pinag parking-an niya kanina kaya hindi gano'n kalayo ang nilakad namin.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto, agad ko naman naalala ang mga ginagawa sa 'kin ni Leo before, inuulit lang ni Kai.

Natahimik naman ako bigla dahil na nga sa nangyari kanina tapos naaalala ko pa lahat ng ginagawa sa 'kin ni Leo.

"Ayos ka lang ba?" napatingin naman ako kay Kai na busy ang tingin sa daan, pero alam niya na may kakaiba sa 'kin.

"Hindi eh" matipid kong sagot at tsaka ako tumingin sa bintana ng kotse, napansin ko na bigla niyang hininto ang kotse para tignan ako.

"You can always tell me what's wrong, 'wag mong sarilihin ang problema mo Kesia"

Napatingin naman ako ng malalim sa mga mata niya, hindi ko naman in-expect na sasabihin niya 'to ngayon sa akin.

"Naaalala ko si Leo sa bawat galaw mo Kai, hindi ikaw ang unang gumagawa sa 'kin nito" sinabi ko naman ang totoo pero bakit gano'n? Nasasaktan ako para sa part ni Kai.

"I get it, I get your point Kesia... Hindi magiging parehas ang treatment mo sa amin ni Leo, boyfriend mo siya, best friend mo lang ako, ang laki ng difference roon"

Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya, bumuntong hininga ako bago ko ibalik ang paningin ko sa daan.

Hindi ko man ipakita ng todo, pero nasaktan ako dahil sa sinabi niya, bakit ba kasi parang pinapapili ako ng tadhana kung sino ba talaga ang gusto ko? Ang hirap kaya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ang alam ko bago sa akin ang daan na 'to dahil hindi naman ganito ang daan pauwi sa bahay namin, maraming bundok sa paligid kaya naman nakakaluwag sa mata na makita ang kulay berde.

Hindi kalayuan ay nakarating na kami sa isang park, maraming tao rito at ang mga bata ay masayang naghahabulan sa damuhan, may mga aso rin na masayang nagtatahulan.

"Thank you Kai" nakangiti naman akong tumingin sa kaniya at tsaka ko siya niyakap, for the first time ako ang unang yumakap sa kaniya.

"You're always welcome Kesia, I'll do anything just to see that you're happy" ginantihan naman niya ako ng yakap.

Sobrang sarap sa feeling na ganito, parang gusto ko na lang itigil ang oras para hindi ko na kailangan umuwi, hindi na lulubog ang araw, at hindi na matatapos ang yakapan namin ni Kai.

Lahat na lang ng saya ay nararamdaman ko, pero bigla kong naramdaman ang sakit nang maalala ko ulit si Leo.

Bakit ba kailangan ko siyang maisip bawat oras? ARGH!

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon