Chapter 17

0 0 0
                                        

Nagising naman ako dahil sa ingay na narinig ko sa baba, agad naman akong lumabas ng kwarto at sumilip kung ano ba ang nangyayari.

Nagulat ako nang sampalin ni mommy si manang, ano na naman ba ang dahilan bakit na naman niya 'to ginagawa kay manang?

"Mommy!"

Napatingin naman ang lahat sa 'kin nang sumigaw ako ng malakas, pero wala akong pake.

"Ano po ang ginagawa niyo?"

"Teaching your freaking maid a lesson"

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding galit sa puso dahil sa sinabi ni mommy, bakit kailangan niyang sampalin si manang?

"She's not just a maid, siya ang kasama at nagpalaki sa 'kin habang kayo ay mas inuuna ang mga trabaho niyo!"

Gusto ko ulit maglabas ng sama ng loob sa haral nila, pero ayaw ko na dagdagan ang drama, baka madamay rin si manang kapag gumawa ako ng gulo.

"Itigil niyo na 'to please lang, 'wag niyo na ulit sasaktan si manang kung gusto niyo pa akong makita rito sa bahay"

"What do you mean Kesia?"

Nag aalalang tanong nila sa akin, tahimik ko lang naman silang tinignan habang gulat si manang dahil sa sinabi ko, for sure gets na niya ang plano ko.

"Hindi na ako uuwi ulit dito once na sinaktan niyo pa si manang, besides ano pang silbi na nandito ako kung palagi naman kayong wala?"

Natahimik naman sila mommy dahil sa sinabi ko, hindi ko lang din maintindihan kung bakit kinokonsinte ni daddy ang masamang behavior ni mommy, hindi niya ba makita na sumusobra na siya?

Hindi ko na hinintay na may masabi sila kahit isang salita lang, agad akong umakyat sa kwarto para mag ready, may pasok pa kasi pero I'm sure hanggang 3rd class lang ang matatapos namin kasi may practice ulit para sa upcoming na school event.

Madami na ring mga sports ang nagp-practice, tulad ng volleyball, table tennis, chess, at iba pa.

Part pala ng volleyball team si Azura pero hindi ko siya madalas makita habang nagpapahinga, mostly raw kasi ay may pinupuntahan ito sa ibang building.

Pagkatapos kong mag ready ay agad na akong pumasok kahit napaka aga pa para sa first class namin, pagdating ko sa school ay pumunta ako kung saan nagp-practice ang mga volleyball players, pero hindi ko nakita si Azura doon.

"Excuse me, tanong ko lang kung nandito ba si Azura?"

"Wala pa siya, kung gusto mo hintayin mo yung start ng practice namin, ano ba ang kailangan mo sakaniya? Wala kasi siyang nasasabi na may kaibigan siya"

I felt my heart sank because of what I've heard, bakit hindi niya sinasabi na kaibigan niya ako, so ano ako sakaniya?

"Ah sige, salamat"

Tumango naman ang babae at tsaka bumalik sa ginagawa niya, hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa sobrang pag aalala, hindi naman mostly ganito si Azura pero ano'ng nangyayari ngayon?

Umupo ako sa loob ng court habang pinapanood ang mga nagp-practice, mamaya pa naman ang totoong practice nila kasi wala pa yung coach dito.

"Hinahanap mo raw ako"

Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Azura, sa wakas narinig ko na ulit siyang magsalita, ang sarap sa tainga.

"Oo, saan ka ba nanggaling nitong nakaraan?"

"Hindi mo na kailangan malaman, excuse me, dadaan ako"

Bigla naman niya akong tinulak ng mahina, napagilid naman ako dahil sa ginawa niya, may problema ba siya sa akin?

"May problema ka ba? Pwede mo naman akong sabihan"

"Meron akong problema at wala ka na roon, lubayan mo na ako please lang!"

Ginawa ko nga ang gusto niya na gawin ko, hindi ko na ulit siya kinulit.

Bumuntong hininga naman ako bago umakyat para sa first class namin, nagulat pa nga ako kasi halos walang katao tao kahit oras na.

"Late ba si prof?"

Tanong ko kay Leo, wala rin daw siyang ideya, hindi naman niya raw nakasabay na umakyat yung prof namin.

Ewan ko ba kung gusto ko magpasalamat sa kaniya o gusto ko siyang sakalin dahil sa sinagot niya, pero mas pinili ko na lang tumahimik kaysa gumawa ng gulo.

"Let's talk later"

Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya, ayaw ko na nga siyang makita kahit kailan pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa.

Akala niya ba hindi ako nasaktan? Gusto ko na lang siya sakalin tuwing nakikita ko siya.

Hindi talaga dumating si prof, in short hindi kami nag first class, agad naman kaming pumila para sa second class namin.

Medyo masikip nga lang ang daan papunta sa kabilang building pero kinaya naman.

Pagdating namin doon ay walang prof, pero may nakaiwang papel sa lamesa, at merong naka flash na timer sa screen ng tv, tamang oras lang bago matapos ang time.

As their president, ako ang nakatoka na mag check lahat ng gamit, kita ko naman agad na test paper pala 'to, I'm sure magt-test kami.

"Eleven ABM umupo nga kayo!"

Agad na suway ko sa mga nakatayo, umupo nga sila pero wala naman sa proper places, tapos ang ingay pa.

"Go back to your places, one... two... three! Manahimik nga kayo, daig yu pa ing kinder ne, nang kasigla!" (translate: daig niyo pa yung kinder 'no, ang ingay!)

"Hindi ko ibibigay ang test paper ng mga maiingay, hindi kayo manahimik wala namang connection sa pinag aaralan mga pinag uusapan niyo"

Classroom filled with silence after that, and soms students began to whisper.

"Sabing manahimik 'di ba! Hindi kayo mabawalan ah!"

And there, tuluyan na nga silang nanahimik, sinimulan ko naman bilangin ang test paper na nasa lamesa, kinuha ko lang yung tamang bilang para sa aming lahat at ibabalik ko sa prof namin yung iba.

"Ibabalik ko lang 'to, 'wag kayong maingay"

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nagsimula na naman silang mag ingay at nagsitayuan pa ang iba.

"SINABI KO NA NGANG WALANG MAINGAY 'DI BA, BAKIT 'DI KAYO MAKINIG?! YUNG IBA NAMAN, BAKIT WALA NA KAYO SA MGA PWESTO NIYO?! HINDI PA NGA AKO NAKAKALAYO ANG GUGULO NIYO NA!"

Agad naman silang nagbalikan sa mga pwesto nila at nanahimik.

"Don't start hangga't hindi ako nakakabalik, keep your mouth shut or else iz-zero ko kayong lahat"

Tumango naman silang lahat at tsaka tuluyang nanahimik.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon