Chapter 21

0 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng sasakyan sa labas, ang aga aga nambubulabog ang kapitbahay.

Kahit hirap ay pinilit ko pa rin tumayo, sumilip ako sa window ng kwarto ko at nakita ko si Leo, kumakaway pa habang may hawak na bouquet.

Narinig ko naman ang tawag sa 'kin ni manang kaya dali dali akong bumaba ng hagdan, paglabas ko ay nakita ko siya nakaupo na sa sofa, may paper bag pa sa gilid niya.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" iritang tanong ko sa kaniya, ngumiti naman si g4g0.

"Susunduin kita, pero chill ka muna. Inutusan ako ng coach niyo, may practice raw kayo pero hindi ka nags-seen sa group chat, inshort late ka na"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, pagtingin ko naman sa orasan ay ten o'clock na pala.

"Hala?! Hindi man lang nila ako sinabihan" napa pout naman ako dahil sa mga ganap ngayon, akala ko kasi eight o'clock pa lang.

"Mine-mention ka na nga raw nila pero ayaw mo mag seen kaya inutusan na ako na pumunta rito" sagot naman niya habang iniikot ang paningin sa buong bahay.

Napa buntong hininga naman ako at tsaka nagmamadaling bumalik sa kwarto para maligo at mag ready, nag rush ako, nakalimutan ko pa nga mag ayos.

"Woah, ngayon lang kita nakita na walang kahit anong meron sa mukha, natural na talaga ang ganda mo" - Leo

"Ay nako, tama ka diyan! Alaga ko na kasi yan simula noong baby pa, kaya naman talagang walang kahit anong peklat, tsaka talagang natural ang ganda niya" sagot naman ni manang habang nakangiti, napangiti rin naman si Leo at tsaka na tumayo para ayusin ang suot niya.

I hate to admit, pero ang pogi niya ngayon, naka plain black shirt, at black pants lang siya pero ang lakas ng dating.

"Tara na" aya ko naman sa kaniya dahil late na late talaga ako para sa practice.

"Alright, mauna na po kami manang, iwan ko na lang po yung mga pinamili ko para kay Kesia" masayang paalam naman ni Leo at tsaka kinuha ang bag mula sa kamay ko.

"Ako na nga magbitbit"

"Ako na, kaya ko!" pagmamatigas ko pero mas malakas siya kaya wala na akong nagawa.

Tahimik naman kaming dalawa sa byahe at hindi nagtagal ay nakarating na kami sa school, wala pa rin naman nagbago, mga players lang ang makikita mo rito kasama ang mga coach at teachers nila.

Sinabayan akong maglakad ni Leo hanggang sa makarating kami sa loob ng court, last practice na pala namin 'to dahil bukas na gaganapin ang event.

"Sorry po, I'm late"

"It's fine, let's start para agad tayong matapos kasi may ginagawa pa ako" tumango naman kaming lahat dahil sa sinabi ni coach, feel ko ang pagod niya, hindi lang naman kasi sa amin umiikot ang buhay niya kaya alam kong pagod talaga siya.

Hindi nagtagal ay nagsimula na kaming mag practice, as usual maingay pa rin ang mga players pero hindi na gano'n kaingay dahil lahat sila ay pagod na sa sunod sunod na practice.

Ang bilis lang ng oras, parang naka dalawa o tatlong rampa pa lang kami pero 3 pm na.

"Lunch time muna tapos last practice and then yung mga basketball players naman" sabi naman ni coach na nakatingin sa mga papel na hawak niya, halos hindi nga niya kami mapanood na rumampa kanina dahil nagm-multi task siya.

Bumuntong hininga naman ako, agad naman akong nilapitan ni Leo at kahit papaano ay medyo napawi ang pagod na nararamdaman ko.

"Are you okay? Kung pagod ka na, magpahinga ka muna"

Ramdam ko ang pag aalala sa boses niya pero last practice na 'to kaya hindi pwede na puro ako pahinga, late na nga akong dumating kanina.

Nagsandok naman ng makakain ko si Leo, habang ako ay nakaupo lang sa gilid niya.

"Tama na ba 'to? Kumain ka ng marami" sabi niya at tsaka iniabot sa akin ang sinandok niya kanina, mapakla naman akong napangiti.

Sabay sabay naman kaming kumakain pero nag aalala ako kay coach sa tuwing napupunta sa kaniya ang tingin ko, busy pa rin kasi siya at alam ko na kanina pa siya nandito pero mas inuuna niya ang paper works kaysa kumain.

Mabilis lang akong kumain, agad ko naman pinuntahan si coach habang may bitbit na pagkain.

"Coach, kain po muna kayo" masayang sabi ko sa kaniya, kita ko naman na ngumiti siya at tsaka ako sinenyasan na ilapag ang pagkain sa tabi niya.

"Thank you Kesia, nag abala ka pa talaga"

"Syempre naman po, 'wag niyo po masyadong pinapagod ang sarili niyo"

Sa wakas ay binaba niya ang mga paper works at tsaka kumain, nakangiti naman siya sa akin na dahilan din ng pagngiti ko, iniwan ko naman siya para makakain ng maayos.

Nagulat naman ako nang makita kong nakangiti sa akin si Leo, pero yung ngiti niya ngayon ay kakaiba, ngayon lang niya ako ngitian ng ganito.

"Bakit?" tanong ko at tsaka tinaas ang isang kilay.

"You are really a soft hearted person 'no? I love your behavior" nakangiti niyang sabi, hindi ko alam kung ganito ba talaga siya o may gusto lang sa 'kin.

"Ano ba gusto mo? Wala akong pera ngayon"

"Oh come on, wala akong gusto, ikaw lang kaya sapat na" sabi niya naman sabay wink pa, akala mo naman kinagwapo niya ang paggawa non eh gwapo naman na talaga siya, eme!

"Sus, 'wag nga ako Leo" sabi ko naman sabay irap sa kaniya at agad naman niya akong hinila para sa yakap, lahat talaga ng trip nito eh.

"Last practice niyo na raw, panoorin mo rin ako mamaya ha"

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya, buti na lang nasa dibdib niya ang mukha ko kaya hindi niya nakita, maraan naman akong tumango.

"I love you Kesia" naramdaman ko bigla ang pagkamula ng pisngi ko, sabay naman ng pagkahina ng tuhod ko, bakit kasi biglaan?!

"I hate you" sabi ko at tsaka pinag susuntok ang dibdib niya, bigla naman tumulo ang mga luha ko.

"I hate you, I really hate you!" patuloy lang ako sa pagsuntok at pagtulo ng luha ko.

"Why?" rinig ko ang mahinang tanong niya sa 'kin habang pinapatigil ako sa pagsuntok sa kaniya.

"I hate you for making me feel this way, sa tuwing kasama kita nakakafeel ako ng sparks, and everytime na si Kai ang kasama ko bigla ka na lang lalabas sa isip ko, nakakainis ka!"

Nag iiiyak ako na parang bata, agad naman niya akong hinalikan sa noo at tsaka ako niyakap ng mahigpit.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon