Chapter 15

0 0 0
                                        

Kesia;
Nakaramdam ako ng warm at mabigat sa kamay ko, nagulat naman ako nang makita ko si Kai, hawak ang kamay ko.

Medyo masakit pa ang ulo ko at agad naman akong pinuntahan ng nurse para sabihin ang nangyari.

Nagulat naman ako kasi usually hindi ako nawawalan ng malay tuwing napapagod, ibang level na ba talaga ang pagod ko ngayon?

Nagising naman si Kai, naramdaman niya sigurong tumayo ako.

"Are you okay?"

Halata sa boses at mukha niya ang pag aalala, kung wala siguro si Kai baka patay na ako ngayon.

"Oo, sinabihan na ako ng nurse about sa nangyari, bumalik na tayo, may practice ka pa pala"

Ngumiti naman siya at agad akong niyakap, niyakap ko naman siya pabalik, utang ko sakaniya ang buhay ko.

"Are you sure kaya mo na?"

Paninigurado niya pa sa 'kin, syempre okay na 'ko.

"Oo naman, tara na baka mapagalitan ka pa ng coach niyo"

"Hayaan mo, mas importante ka naman kaysa sa laro"

Nakakagaan naman ng loob ang sinabi niya, mas inuna niya pa talagang tulungan ako.

"Do you still like me?"

Pagbasag ko naman sa katahimikan naming dalawa habang naglalakad pabalik sa court.

Gulat naman ang mukha niya na tumingin sa akin, hindi siguro siya makapaniwala dahil sa tinanong ko, curious kasi ako kung hanggang ngayon ba may feelings pa rin siya para sa 'kin, ayaw ko kasing magka awkward-an kaming dalawa.

"O-oo naman, pero hindi ko ginawa 'to dahil sa gusto lang kita"

Napa buntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya, I mean ano pa ba ang ine-expect ko? Kahit sinong babae naman ang mawalan ng hininga, sigurado ako na tutulungan niya rin, in short hindi ako special.

"Ganyan ka ba talaga sa lahat?"

"No"

Nagulat naman ako dahil sa bilis niyang sumagot, halos hindi ko pa natatapos ang tanong ko, may sagot na siya agad.

"Sigurado ka ba? Para kasing ang bait mo kaya iniisip ko na ganyan din ang treatment mo sa iba"

Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko at tumingin ng malalim sa mga mata ko, tila ba'y may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

"Of course I'm nice, pero iba naman ang treatment ko sa 'yo sa treatment ko sa kanila. You're special to me Kesia, minsan pa nga hindi ko pinapansin yung ibang babae"

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya o baka sinasabi niya lang 'to para mahulog din ang loob ko sakaniya, NO WAY.

"Haha, special ba talaga o baka naman ganyan ka rin sa mga naging ex mo"

He looked at me, he can't believe and at the same time he was slightly confused or mad.

"Kesia, I don't have any ex"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, nakakahiya naman kapag may bigla kang sinasabi kahit hindi mo alam ang background story ng tao.

"Hala hahaha, 'wag mo nga akong niloloko"

"Seriously, I don't have any ex. So, swerte ka kapag naging girlfriend kita"

I felt my cheeks burnt, bakit naman kasi biglaan ang pagsabi niya ng gano'n.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa court, as usual masama ang tingin sakaniya ni Leo, naghiyawan naman ulit ang ibang players.

Nagulat din ako kasi iba ang tingin sa 'kin ni coach, I'm sure shini-shil na niya ako kay Kai.

'Di nagtagal ay nag split ways na kami, tinawag na siya para mag practice, habang ako naman ay umupo sa gilid para panoorin sila.

Hindi naman magkalaban si Kai at Leo pero iba ang galawan nila, nagbubungguan pa nga tapos hindi man lang magsabi ng sorry.

Ang sama sama pa ng tingin nila sa isa't isa na parang nag aaway sila gamit ang mata, sinubukan ko na hindi sila pansinin pero nagulat na lang ako nang makitang nakahiga na si Kai sa lapag, sobrang bilis ng pangyayari.

"Kai!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagsigaw, bigla pa akong napatakbo para puntahan siya, alalang alala ako na parang ako yung coach na baka mawalan ng isang player.

"Ano'ng nangyari?"

Sinubukan ko siyang tanungin pero hindi siya makasagot dahil sa sakit na nararamdaman niya dahil sa nangyari.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko, agad kong nilapitan si Leo kahit wala pa naman akong alam sa buong nangyari pero alam ko na may kinalaman si Leo rito.

"Hoy ikaw! Ano ba ang problema mo, bakit hindi mo magawang lubayan si Kai?!"

Hindi niya ako agad sinagot at ang sama pa ng tingin sa 'kin, pagkatapos ng ginawa niya siya pa 'tong may lakas ng loob para tignan ako ng masama.

"Sumagot ka!"

Gusto ko na siyang sampalin dahil sa sobrang inis ko pero sinusubukan ko na huwag siyang saktan.

"Bakit ba?! You know what I'm getting tired of you and your shts, why is it always Kai, Kai here, Kai there, fck Kesia you're making me sick!"

Hindi naman ako nakasagot dahil sa sinabi niya at hindi ko rin napigilan ang kamay ko, nasampal ko siya.

"Huwag na huwag mo 'kong pagsasalitaan ng ganyan! Wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon!"

"And so are you! Wala ka rin namang alam sa nararamdaman ko ah, but I didn't say a word!"

Hindi ko napigilan ang luha ko, pero bakit ako pa yung umiiyak kung titignan mo sa ibang anggulo ay ako yung may mali.

"Do you like Kai?"

Napatingin naman ako sa mata ni Leo nang tanungin niya sa 'kin 'to, hindi ko alam ang isasagot ko.

He's waiting for me to answer his question, napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa tanong niya, maski ako kasi hindi ko alam kung gusto ko rin ba siya o gusto ko lang kung paano niya ako i-treat.

"H-hindi ko alam"

"Anong hindi mo alam Kesia? Napaka impossible naman n'yan, dapat ikaw mismo alam mo sa sarili mo kung sino ba talaga ang gusto mo"

Naiiyak na lang ako dahil sa tanong niya, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko, hinayaan ko na lang din na bumuhos lahat ng luha ko.

"Oo gusto ko siya pero ikaw ang mahal ko"

"Oh shut it Kesia, you made it clear, gusto mo siya. All this time pala siya ang gusto mo pero hindi mo sinabi sa 'kin, kaya ko naman ilayo ang sarili ko sa 'yo"

Mas lalo naman akong naiyak dahil sa sinabi niya, ayaw ko, ayaw kong nagkakaganito.

"No Leo, it's not like that"

"Stop it, save for explanation for nothing"

I nearly begged him not to leave, pero bigla na lang siyang lumabas ng court, sinubukan ko siyang habulin pero masyadong matarik ang daan at medyo mahirap tumakbo kapag naka heels.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon