Chapter 29

0 0 0
                                        

Masaya ang buhay kasama si Leo, noong una ay palagi kong naiisip si Kai pero everytime na may bagong ginagawa si Leo, nawawala na siya sa isipan ko, hanggang sa tuluyan na talaga siyang nawala at nag focus na ako kay Leo.

Masarap sa pakiramdam na palaging may karamay, sa saya at lungkot, hirap at ginhawa. Palagi akong may nakakausap sa tuwing may random chika ako, kahit puro nonsense lang sinasabi ko, nakikinig pa rin siya.

Minsan nga ginigising ko pa siya pero parang wala lang sa kaniya kahit maaga ang pasok niya kinabukasan, hindi naman siya nagrereklamo at alam ko naman na masaya siya sa piling ko ngayon.

Pareho kaming nag iipon ngayon ng pera sa kasal, sabi naman ng mga magulang namin ay willing silang mag abono o magbigay ng sobrang pera just in case, pero hindi naman namin agad tinanggap ni Leo dahil hangga't kaya namin tumayo sa sarili naming paa ay hindi kami hihingi ng tulong.

Surprisingly, nakaipon na kami ng halos 100k+ kahit ilang weeks pa lang ang nakalipas simula no'ng mag decide kami na mag ipon ng pera, parehas kaming nagt-trabaho para makasiguro na hindi kami hihingi ng kahit pisong halaga lang galing sa aming mga magulang.

Medyo pagod pag uwi galing sa nakakapagod na trabaho, pero hindi naman kami nagsasawang mahalin at magpahinga sa isa't isa.

–––––

Isang araw ay umuwi akong bad trip dahil ang daming bad news sa company, halos maubos lahat ng pinaghirapan ni daddy dahil biglang nahack ang account niya kung saan niya nilalagay ang pera, mabuti na lang mabilis ang mga tauhan kaya naman agad napalitan ang password at siniguro nila na hindi na mauulit ang ganitong insident.

"Hi my love, how's your work?" masayang bati sa akin ni Leo, akmang yayakapin ako pero hindi ko siya pinansin at agad na dumiretso sa kusina ng bahay namin para kumuha ng tubig.

Itong bahay pala namin ay ang bahay na nasa pagitan ng bahay nila Leo at bahay namin nila mommy, binila nila 'to para hindi na raw namin kailangan maghanap ng ibang lupa sa malalayong lugar para just in case rin daw na may mangyari tulad ng pagbubuntis ko ay agad nila kaming matutulungan.

"Hey my love, tell me what's wrong" malungkot ang boses niya habang sinandal ang baba niya sa balikat ko at pinulupot naman ang kamay niya sa baywang ko.

Agad ko naman itong tinanggal at dumiretso ako sa kwarto ko, hindi pa kami pwede mag share ng kwarto, mahirap na baka may mangyari bigla eh hindi pa naman kami kasal.

Kumatok siya sa pintuan ng kwarto ko, hindi ko naman binuksan 'yon at hinayaan ko lang siya, hindi ko rin naman nilock yung pinto kaya pwede siyang pumasok anytime.

Ginawa niya nga, pumasok siya at nakita akong umiiyak.

"Hey... What's wrong? Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay makita kang umiiyak tapos hindi mo pa sinasabi sa 'kin ang dahilan" niyakap niya ako ng mahigpit habang pinapatahan ako at tsaka pinunasan ang mga luha ko.

Nang medyo kumalma na ako ay kinwento ko sa kaniya lahat ng nangyari, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari at maging siya ay gulat na gulat.

"Shh, it's fine. Maaayos natin 'to ha? 'Wag ka nang umiyak, ang ganda ganda mo pa naman, pakakasalan pa kita, tahan na kung ayaw mong sabunutan kita" natawa naman ako habang umiiyak dahil sa sinabi niya, siya lang talaga ang magpapagaan sa loob ko kahit gaano kabigat at kahirap ang problema na kinakaharap ko, hindi niya ako hahayaan na lumaban mag isa.

"Thank you Leo"

"Anong thank you sinasabi mong g4ga ka, gusto ko ng i love you at kiss mo, kaya tumahan ka diyan at halikan mo 'ko, dali!" utos naman niya sa 'kin at tsaka siya pumikit at ngumuso na parang batang nanghihingi ng kiss, ay nako!

"I love you Leo" sabi ko naman at tsaka siya hinalikan, niyakap naman niya ang baywang ko at tsaka gumanti sa paghalik.

"I love you more future asawa ko" sabi niya sabay kindat, usual na ginagawa niya noong highschool pa lang kami.

"Tsk, hindi mo naman kinapogi yan 'no!" sabi ko sabay tawa, kita ko pa ang pagsimangot niya sa 'kin at tsaka niya ako kiniliti.

"Ano ba!" sigaw ko naman habang pumipiglas na parang bata, pero masyado siyang malakas para makawala ako sa pagkakahawak niya sa 'kin.

"Huwag mo ulit akong ginaganon" sabi naman niya at muling nagnakaw ng halik sa 'kin.

"Aba, nakakarami ka na ah!" suway ko naman sa kaniya, dinilatan naman niya ako na parang bata.

"Eh ano naman? Maaangkin naman na kita soon, magiging Carter ka na at wala kang magagawa roon, magiging akin ka rin" sabi naman niya at tsaka ngumisi.

Ang yabang talaga, akala mo naman bukas na yung kasal para sabihan ako ng gano'n.

"Next month pa naman 'no, matuto kang maghintay" sabi ko sa kaniya at tsaka ko siya ulit inirapan, natawa naman siya dahil sa ginawa ko.

"Kahit next year pa yan, wala ka na talagang magagawa, akin ka na" sabi niya naman at tsaka hinawakan ang magkabilaang pisngi ko at tsaka niya 'yon pinisil pisil, nagmukha tuloy akong bibe dahil sa ginawa niya.

"Yabang mo talaga" sabi ko naman at tsaka ko siya sinuntok sa dibdib, napangiwi naman 'to, alam ko na medyo malakas ang pagkasuntok ko pero wala akong pake, deserve niya 'yon.

"Kiss mo muna ako bago ako matulog" utos niya sa 'kin pero hindi ko siya sinunod, sino ba siya sa akal niya, che!

"Ayaw ko, bahala ka diyan" sabi ko at akmang tatakas pero agad niyang nahila ang kamay ko, sa sobrang lakas pa nga ay muntik akong mahulog sa kaniya, hindi ko naman napigilan ang sarili ko dahil dire-diretso ako, buti na lang nahawakan niya ang baywang ko kaya na stop.

"Kiss mo na kasi ako, parang kanina lang nakikipag ano ka sa 'kin" sabi niya habang natatawa at nakangisi.

"Last na 'to ha" sabi ko naman at tsaka siya hinagkan, ngumiti naman siya at tsaka ako pinahiga sa kama ko.

"Good night my love" sabi niya habang nakangiti at tsaka ako nilagyan ng kumot, hinalikan niya pa ang noo ko bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko at in-off ang ilaw.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon