Maaga akong nagising, hindi ko na hinintay ang alarm clock at tawag sa 'kin ni manang.
Halos kulang na nga lang ay ako na ang gumising sa kanila, sakto namang pagbaba ko ay hinihintay ako ni manang na ang lapad ng ngiti.
"Ano po ang meron manang?"
Takang tanong ko at atat na akong malaman, sigurado ako na good news ito dahil halos lahat sila ay nakatingin sa akin habang nakangiti.
"Nako ma'am, kinausap po kasi ako ng prof niyo at ibinalita sa akin ang pinaka masayang balita, kayo po pala ang gagawin nilang muse para sa paparating na laban ng grades sa school niyo"
Nagulat naman ako, hindi ko in-expect na agad malalaman nila manang ang tungkol dito dahil medyo late na nang makita ko ang kaganapan sa group chat kagabi, which means wala na talaga akong oras kagabi para sabihin kay manang pero masaya naman ako dahil sakaniya unang una napunta ang magandang balitang ito.
"Oo nga po, no'ng una ay nag aalinlangan pa ako dahil sa anxiety ko, pero there's no harm in trying naman"
Sa sobrang tuwa ni manang ay hindi niya tuloy napigilan ang sarili niya na yakapin ako, agad din naman akong yumakap pabalik, ang saya saya ng puso ko.
"Ma'am kung gusto niyo po ay pwede ko kayong tulungan mamili ng susuotin niyo"
Natuwa naman ako dahil sa sinabi ni manang, pero napaisip ako kung kailangan ba talagang bumili ng gamit o may ibibigay na specific outfit para sa mga muse ng basketball.
Umiling na lang ako at nagsimula na akong kumain, sa sobrang bilis ng oras ay pakiramdam ko mal-late na ako.
Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umakyat sa kwarto ko para maligo, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ni Leo kagabi.
Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako ng buhok, ayaw ko sanang mag ayos ng mukha pero binilin sa 'kin ng teacher namin na dapat ay presentable akong tignan dahil im-meet namin ang principal.
Plain lang ang make up na nilagay ko sa aking mukha, siniguro ko naman na hindi ako magmumukhang kontrabida sa buhay ng iba, eme!
Agad na akong tumayo sa kinauupuan ko at bumaba na, nasa baba kasi ang gamit ko, pati yung mga sapatos ko nasa baba rin.
Bumungad muli sa akin ang nakangiting mukha nila manang, ngumiti lang din naman ako sa kanila.
Naisipan ko na boots na lang ang suotin ko ngayon, tutal wala naman pe class.
Nagpaalam na ako kila manang dahil alam ko na naghihintay na sa 'kin ang driver ko, paglabas ko ng gate ay naka abang na nga sa 'kin si manong driver.
"Nako ma'am, paganda po kayo nang paganda kada lumilipas ang araw"
Lubos naman akong natuwa dahil sa sinabi ni manong, hindi kami gaanong close pero napapansin ko na habang lumilipas ang panahon ay nagkakaroon na siya ng lakas ng loob para kausapin ako, at ito naman ang ikinatuwa ko ng labis dahil sa dami ng drivers namin, si manong pa lang ang nakakausap ko ng hindi formal.
Habang siya ay nagd-drive, kinekwento ko naman sakaniya ang mga pangyayari sa school, hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko dahil ngayon ko lang mararamdaman na may taong interesado pala sa mga sinasabi ko.
Ilang minuto pa lang ang lumilipas, nakwento ko rin pala kay manong kung ano ang ganap sa aming dalawa ni Leo, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Hala! Ay nako manong mangako ka sa 'kin na hindi makakalabas ang mga sinabi ko sa 'yo, hindi kasi ako pinapayagan nila mommy na magkaroon ng boyfriend hangga't hindi pa ako nakakapagtapos ng pag aaral ko."
Tumango tango lang naman si manong sa 'kin, sigurado rin naman ako na hindi niya hahayaang masira ang tiwala ko sakaniya, siya pa lang kasi ang pinagsasabihan ko nito kahit mas close kami ni manang.
Hindi ko pa kasi alam kung kailan ko kayang sabihin 'to kay manang, alam ko naman kasing labis siyang magugulat kapag sinabi ko na.
Nalingat lang ako saglit at nandito na pala kami sa harap ng school, napansin ko ang ilang estudyante na parang hinihintay nila akong makababa.
Tama nga ang hinala ko, dahil sa mismong pagbaba ko ng kotse ay akala mo sino silang nakakita ng artista sa harapan nila, ang ilan pa ay bigla bigla na lang humahawak sa akin kahit hindi ko naman close.
"Ano'ng meron?"
Takang tanong ko sa kanila, hindi naman nila ako sumagot at inaya ako na pumasok na.
Hinahanap naman ng paningin ko si Azura, sigurado ako na pumasok na siya pero bakit hindi siya nagpakita sa labas ng school?
Ayaw ko sanang mag isip ng kung ano ano pero may bigla na lang pumasok sa isip ko na baka ay galit siya sa akin o may ginawa akong mali pero hindi ko alam.
"Nakita niyo ba si Azura?"
Tanong ko sa mga makukulit na babaeng kasama ko pero umiling lang sila, hindi ko rin alam kung saan ko na siya hahanapin kasi napadaan na kami sa cafeteria pero wala siya roon.
Pagpasok ko sa first class namin ay agad kong inikot ang paningin ko pero hindi ko pa rin mahanap si Azura, kaya naisipan ko na kausapin si Kai.
"Kai! Nakita mo ba si Azura?"
"Ah, hindi eh, hindi siya sumabay sa 'kin kanina nung pumasok ako. Hindi ko rin alam kung papasok ba siya pero nag seen naman siya sa group chat kaya sigurado ako na papasok siya, baka mal-late lang"
Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Kai o pinagt-tripan lang ako.
"Ano ka ba, nagsasabi ako ng totoo. Hintayin mo na lang siya, 'wag ka munang mangulila sakaniya"
Sabi nito sabay tawa, inirapan ko naman siya tsaka rin tumawa.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang first class namin, mabilisan lang din naman natapos ang discussion kaya naman ay maaga kaming pinalabas ng prof namin.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomanceKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...
