Chapter 24

0 0 0
                                        

Muli akong bumalik sa kina uupuan ko, hindi man gaanong halata pero humina ang hiyawan ng mga tao no'ng yung grade 12 na ang rumampa.

Hindi rin naman nagtagal ay nag announce ang mc na mags-start na ang talent show namin, isa isa naman kaming tinawag ng mga coach namin at tsaka kami inayusan.

Buti na lang binayaran nila mommy yung make up artist kaya hindi malagkit ang make up na pinahid sa mukha ko, may brand kasi lahat compared sa ginamit sa ibang muse.

Nagulat naman ako nang makita ko si Leo, bitbit yung high socks at converse na sapatos ko.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" takang tanong ko, kasi kita ko siya kanina sa crowd, kasama yung coach at team mates niya.

"I'm here to help the others sa pag assist sa 'yo, bawal ka na bang bisitahin? I want to see my gorgeous girlfriend"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, at ramdam ko ang pag init ng pisngi ko, kahit saan talaga ang landi niya.

"Sige na, ako na ang bahala rito, makaka alis ka na baka kasi hinihintay ka na rin ng coach niyo" nakangiti ko namang sabi sa kaniya at tsaka ko na kinuha yung bitbit niya.

"Alright, good luck my love, ipanalo mo 'to" sabi naman niya at tsaka ako hinagkan sa pisngi at noo ko, ngumiti pa siya bago tuluyang lumabas sa silid.

"Hay, kayo talagang mga bata kayo" sabi naman ng make up artist ko habang nakangiti at napapa iling.

"Hala siya, hayaan mo si Leo, gano'n talaga 'yon sa lahat" natatawang sabi ko naman.

"Ay weh, 'di nga? Hindi ako naniniwala sa 'yo, trust me Kesia may gusto sa 'yo yang si Leo" pang aasar naman niya.

Hindi naman na ako nakipag talo sa kaniya, nagpalit din ako ng damit, nagsuot ako ng sleeveless crop top at tsaka blouse, terno with white skirt.

"Ang ganda ganda mo talaga Kesia, kaya mo yan, ipanalo mo ang Bricklayers" sabi naman ng make up artist ko tsaka ako kinurot sa pisngi at nag thumbs up pa.

Bumuntong hininga naman ako at tsaka ngumiti sa kaniya bago ako bumalik sa stage.

Muling nagpalakpakan ang mga tao nang maka akyat na ulit lahat ng muse, hindi sa pagmamayabang pero nagpapasalamat ako sa stylist ko dahil maayos ang damit na pinili niya para sa 'kin.

"Wow! Kitang kita niyo naman ang outfit transformation ng ating mga muse~ ang gaganda nila, wala bang palakpakan at hiyawan diyan?!" masiglang sigaw ng mc na dahilan para magsi palakpakan at hiyawan ng malakas ang mga tao.

"Let's not make this any longer na chikahan, mag start na tayo!"

And there, nagsimula na ngang kumanta ang muse ng grade 9 at grade 10.

Ako at ang muse ng grade 12 naman ay sasayaw.

Natapos na ang performance ng grade 9 at grade 10, kinakabahan naman ako nang banggitin ng mc ang pangalan ko para sa talent show.

Mariin kong pinikit ang mata ko at tsaka ko sinimulan na igalaw ang buong katawan ko, go with the flow lang ang ginagawa ko, hindi ako masyadong nag practice sa pagsayaw pero nagawa ko naman tapusin ang buong sayaw without making any mistakes which is good.

Nag pose naman ako pagkatapos ng sayaw ko at narinig ko ang palakpak at hiyawan ng mga tao sa 'kin, habol ang hininga na ngumiti ako at tsaka nag bow.

Dumiretso naman na ako sa upuan ko para ibigay sa grade 12 muse ang stage, hindi gaanong natuwa ang iba dahil sa sayaw niya, hindi kasi gaanong malinis ang steps.

Ilang minuto pa at natapos na ang sayaw niya, palakpak lang naman ang narinig, not that good, but it's also not bad.

"Once again parinig naman ng palakpak na may kasamang hiyawan para sa ating mga muse!" masiglang sabi ng mc na agad namang ginawa ng mga manonood.

"Ia-announce natin mamaya ang 3rd, 2nd, and 1st runner up, at syempre may champion din o ang tataguriang muse of the year, pero bago yan alam ko na excited na ang lahat lalo na ang mga players, i-start na natin ang sports contest!" malakas na sigaw ng mc, pumalakpak naman lahat at tsaka humiyaw.

Habang kami ay nasa taas pa rin ng stage, dinagdagan lang nila ang upuan para makaupo ang judges at ibang teachers.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba, pero may tiwala naman ako sa team ko, hindi naman nila hahayaan na matalo kami 'no.

Grade 9 at grade 10 sa first game, grade 11 at grade 12 naman sa second game, tapos ang mga mananalo naman ang maglalaro sa third game.

Umupo muna sa may stairs ang Bricklayers at team ng grade 12 dahil mags-start na ang first game, tahimik naman ang paligid pero rinig ang cheer ng mga teachers kasama ng muse ng grade 9 at 10.

Hindi nagtagal ay nag start na ang laban, sa una ay medyo chill pa, unang naka puntos naman ang grade 10, pero hindi nagpatalo at agad na hinabol ng grade 9 ang puntos, sila na ang nagl-lead ngayon.

Nagiging intense ang labanan at hindi maikakait na kinakabahan ang muse nila, maging ang teachers at coach ng dalawang team.

Cool lang ang mga players, habang ang crowd... Well, syempre nag iingay ang lahat, nagc-cheer para sa kanilang best player HAHAHA.

Nagpaalam naman ako para puntahan si Leo, hindi niya man sabihin pero ramdam ko ang kaba niya kahit nasa kalagitnaan pa lang ng first game.

"Leo" masayang bati ko sa kaniya at tsaka ko hinawakan ang kamay niya.

"Kesia..." mahinang bati niya naman at tsaka niya ako hinila para sa yakap, niyakap ko lang din siya.

"Huwag kang kabahan okay? Kahit ano pa ang maging resulta ng game, proud ako sa 'yo kasi palagi mong ginagawa ang best mo. 'Wag kang mag alala about sa trophy and medal, marami pang next time para bumawi, pero ipanalo mo 'to ha?"

Mas hinigpitan naman niya ang pagkakayakap sa 'kin, hinagkan niya pa ako sa noo, at ginantihan ko naman siya ng halik pero sa cheeks lang.

Tinukso naman siya ng iba, at napunta kay Kai ang tingin ko, bakas sa mukha niya ang lungkot at selos.

I don't want to admit it, pero si Leo talaga ang isinisigaw ng puso ko.

"Osya, good luck sa inyong lahat!" nagpaalam na ako at tsaka ko ulit hinalikan si Leo sa pisngi, ngumiti naman ang ibang players at tsaka tinatabig ang braso ni Leo dahil inaasar siya.

Maputi kasi siya kaya hindi niya pwedeng ipagkait na hindi siya kinikilig, halatang halata kasi, daig pa ang kamatis dahil sa sobrang pula ng mukha.

Hindi naman nagtagal ay natapos na ang first game, grade 10 ang nanalo, at mas nakaramdam ako ng kaba kahit hindi naman ako isa sa mga players.

Ginawa ko naman ang best ko para i-cheer ang Bricklayers, syempre may trust naman ako sa kanila na hindi nila ako bibiguin.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon