Maaga akong nagising, as expected wala na agad sila mommy, hindi man lang sila nag iwan ng note bago sila umalis.
Minsan napapaisip ako kung mahalaga pa ba ako para sakanila? Hindi ko kasi maramdaman na meron akong mga magulang, kahit kamustahin lang ako sa chat, hindi nila magawa.
Mahirap, sobrang hirap lumaki sa isang mala mansyon na bahay, ang mga tao lamang na makikita mo ay mga maids at bodyguards.
Minsan ay nawawalan na rin ako ng gana na umuwi rito, kahit 10pm pa ako umuwi galing sa school, wala pa rin sasalubong sa akin.
Am I not worth it to have? Baka mamaya sinisisi na pala ako ng magulang ko na nagkaroon sila ng Kesia sa buhay nila, malapit na ang debut ko, ine expect ko na rin na walang magulang ang nasa tabi ko sa araw na 'yon.
Tanging si manang at manong ang nagsilbing mga magulang ko simula bata ako, sa tuwing uuwi ang parents ko noon ay puro laruan lamang ang dala nila, kahit hawakan lang ako ay hindi nila magawa.
Ang lalim ng iniisip ko hanggang sa naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni manang, she's asking if I can join them for breakfast.
Kahit wala akong ganang kumain, I can't say no to her, so I agreed, I would love to feel how to eat like a family in the dining room.
"Ikwento mo naman ang nangyari sa school mo kahapon."
Pagbasag ni manang sa katahimikan, hindi ako agad nakasagot, sinusubukan kong alalahanin ang mga pangyayari, hindi kami nakapag hang out ni Azura nung recess, at hindi ko nakasabay umuwi si Kai nung dismissal.
Malalim ulit ang iniisip ko, hanggang sa maisip ko ang nangyari kagabi, nangyari sa amin ni Leo.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti, napansin pala 'yon nila manang.
"Aba, ngumingiti ka na ah. Minsan ka lang namin makitang nakangiti simula nung bata ka, at maging kami ay napapangiti sa tuwing nakikita ka namin na masaya."
Sabay na sabi ni manang at manong, well may point sila.
"Maayos naman po ang nangyari sa school kahapon, kasabay ko po si Leo–"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang magsalita si manong.
"Oo nga, maalala ko kagabi may nang iwan sa 'yo rito, Leo rin ang pangalan. Mahimbing kasi ang tulog mo kagabi, marahil ay pagod ka sa byahe niyo. Idinala ka pa niya sa kwarto mo, siya rin ang nagpalit ng damit mo."
ANO?! Siya ang nagpalit ng damit ko? That means...
Sa sobrang gulat ko dahil sa sinabi ni manong ay dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko, kukunin ko yung phone ko.
Agad ko naman kinausap si Leo tungkol sa pangyayari, hindi pwede 'to, hindi pwedeng totoo ang sinabi ni manong.
Sa tagal niya pulutin ang tawag ay hindi na ako magkandarapa sa sinabi ni manong, gusto kong kausapin agad si Leo, gusto kong malaman ang totoo.
Nagmamadali naman akong bumaba ng hagdan, hindi ko pa naintindihan ang sinabi ni manang dahil nagmamadali ako.
Agad ko naman inutusan yung driver ko para puntahan si Leo, since laging naka open yung location niya, madali na lang para sa akin na puntahan yung bahay niya.
Naglalaro pa rin ang isipan ko dahil sa narinig ko kanina, hindi ako makapaniwala.
At sa pamamadali ko pala ay nakalimutan kong cycling at oversized shirt lang ang suot ko, ito ang madalas kong sinusuot sa bahay.
"Ma'am, nandito na po tayo."
Bumuntong hininga pa ako bago ko buksan ang pintuan ng kotse, hindi pa ako nakakababa ay nararamdaman ko nang nanghihina ang kalamnan ko sa paa.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomanceKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...