Masaya akong pinapanood ang naglalandiang Azura at Jack sa may pool, hanggang sa may naramdaman akong kamay sa balikat ko.
"Leo, stop."
"Si Kai 'to"
Hindi ako makapag salita, feeling ko bigla na lang umurong ang dila ko dahil sa narinig ko, nakakahiya.
"Sabi ko nga, ano ba'ng gusto mo?"
"Hindi ka mags swimming? Gagamitin ko pa kasi yang jacket ko na suot mo bukas"
Bumuntong hininga naman ako at tsaka isinauli ang jacket niya, amoy Kai na 'ko, sigurado akong malalagot ako kay Leo dahil dito.
"Hindi pa rin kayo nag uusap ni Leo?"
"Hindi eh, hindi ko gusto yung ginawa niya sa 'yo kanina, iniwan ko siya roon sa may entrance."
Napansin ko na bigla siyang ngumiti dahil sa sinabi ko, hindi ko man alam ang nasa isip niya pero sigurado ako na gusto niya akong masolo ngayon gabi.
Sabay kaming lumabas para mag swimming, at doon ay nakita ko si Leo, umiinom na naman.
"Kai, saglit lang ah, puntahan ko lang si Leo."
Tumango lang naman ito, nauna na siyang mag swimming habang ako naman ay patakbong maglakad papunta kay Leo.
"Itigil mo na nga yan, nakakarami ka na"
Pagbabawal ko sakaniya pero hindi nakinig at patuloy sa paglagok ng alak, sinubukan kong kunin pero nakikipag agawan siya.
"Ano ba Leo!"
Tumaas bahagya ang boses ko, hindi niya ako sinagot, tinignan niya lang ako sa mata at naramdaman ko ang biglang paghila niya sa akin.
Nakaikot na ngayon sa akin ang braso niya, hindi pa siya nakontento at lalo niyang nilapit ang katawan ko sa mukha niya.
Isinubsob niya ang mukha niya sa tiyan ko, at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang ko.
"Leo, 'wag dito"
Pagbabawal ko sakaniya pero parang wala lang dahil hindi niya ako pinapakinggan, tinignan niya lang ako ng malalim sa mga mata ko at tsaka siya tumayo.
Palapit siya nang palapit sa akin, umaatras naman ako dahil ayaw kong may makakita sa amin.
Bago pa ako maka step backward, bigla niyang hinila ang mukha ko, dahilan para mag halikan kami sa harap ng maraming tao.
People went crazy na akala mo ay first time makakita ng taong naghahalikan, ang ilan naman ay nagc cheer para halikan din ni Jack si Azura.
Noong una ay tumatanggi pa silang dalawa pero kalaunan ay ginawa rin nila, kasabay ng paghalik nila ang pag pop ng mga champagnes sa magkabilaang gilid nilang dalawa.
All people clapped as they continued to kiss, ang saya saya ko para kay Azura, sino mag aakala na dahil lang sa isang party ay magkakaroon siya ng instant bf? At, birthday boy pa!
Pagkatapos ng mga pangyayari ay nagpatuloy ang lahat para sa pag party.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko pero bigla ko na lang hinahanap si Kai sa pool, pero wala akong nakita.
Gusto ko sanang mas lumayo pero kailangan ako ni Leo ngayon sa tabi niya, lalo na't sigurado akong iisipin ng mga tao na nagd date kami.
"Saan ka pupunta?"
Nagtatakang tanong ni Leo, pero masyado akong wala sa sarili para masagot 'yon, aligaga ako kapag wala si Kai sa paligid.
Sinubukan kong pumunta sa mga reserved rooms, binuksan ko isa isa ang mga pinto pero hindi ko siya nakita, mga couple na nagm make love lang ang nakita ko, ang lakas pa ng pag ungol.
Sunod kong ginawa ay pumunta sa entrance ng resort, hindi ko siya mahanap doon, maging ang kotse niya ay nawawala.
Sa sobrang pag aalala ko ay tinanong ko sa guard ang ganap.
"Ah, si Mr. Kai Vallejo po ba? Nakita ko po siya kanina nagmamadaling umalis, nagpaalam pa nga po siya sa 'kin kanina at bakas sa pagmumukha niya ang galit at lungkot, tapos agad po niyang pina andar ang kotse niya, over speeding pa nga po dahil sa sobrang bilis."
Hindi ko alam pero dahil sa sinabi ni manong guard sa akin ay may biglang kung anong kaba akong naramdaman, nasa loob pa ng kotse niya yung binigay niyang bulaklak sa akin.
Gusto kong magpaliwanag sakaniya pero ano pa ba ang magagawa ko kung siya mismo ay iniiwasan na ako?
Nabigo akong makausap siya sa personal, sinubukan ko siyang hintayin ng ilang minuto sa labas pero wala pa rin, hindi na siya bumalik at doon ko naisipan na pumasok na lang ulit sa resort.
Nawalan ako ng gana na makipag party kaya naman ay dumiretso ako sa reserved room, sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay binubuksan ko pa lang ang pinto pero tumutulo na ang luha ko.
Hindi ko maintindihan kung ano ang pagkakamali na nagawa ko kay Kai, sa sobrang sakit at bigat ng pakiramdam ko ay iniyak ko na lang lahat.
Leo;
I tried finding her in the crowd, but I failed.Akala ko ay tinakasan niya ako kasama si Kai pero nang tanungin ko ang guard sinabi niya sa akin na nakausap niya raw si Kesia at nagmamadaling pumasok pabalik sa loob ng resort habang 'nagpipigil ng luha' ?
I had a bad feeling na may nangyaring masama o hindi maganda, agad naman akong pumunta sa reserved rooms.
Nahirapan akong hanapin ang kwarto kung nasaan si Kesia dahil puro mga taong gumagawa ng kababalaghan ang naririnig sa paligid, ang iba ay nakalimutan pang i-lock ang pintuan kaya naman kitang kita kung paano nila ginagawa ang kabastusan.
Narating ko ang dulong kwarto, medyo mahina na ang tunog ng mga tao mula rito dahil medyo malayo ang pwesto nito mula roon sa pinag party-han.
Kumatok ako sa pintuan ngunit walang nagsalita o nagbukas ng pinto, pansin ko rin naman na hindi ito naka lock kaya naman ay binuksan ko agad.
Nakita ko si Kesia na mahimbing ang tulog, at halatang nakatulog lang ito dahil sa kakaiyak, namamaga pa ang mata pero kahit ganoon ay hindi 'yon naging hadlang para mabawasan ang kagandahan niya.
Hindi ko alam kung ano ang buong pangyayari pero sa itsura ni Kesia, halata na may nangyaring hindi maganda.
Kumuha ako ng kumot para ilagay sa ibabaw niya dahil malamig ang hangin na ibinubuga ng air con at may siwang din para pasukan ng fresh air ang kwarto.
Habang kinukumutan ko siya ay hindi ko mapigilan ang sarili na titigan siya, kahit tulog ito ay napaka ganda pa rin.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomanceKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...