Chapter 28

0 0 0
                                        

Leo;
Hindi ako makapaniwala, pinayagan niya akong manligaw, holy fcking sht!

Gusto kong tumalon at sumigaw sa sobrang tuwa, pero hinagkan ko na lang siya, that's the least I can do.

Ilang minuto ang lumipas, masaya ako na kasama siya ngayon, nasosolo ko siya, madaldal siya sobra pero it didn't bothered me, masaya ako na agad nahulog ang loob niya sa 'kin at komportable siyang nakakapag open up ng problema niya sa 'kin, syempre as her suitor willing naman ako tulungan siya.

"Yung regalo pala, para kay mommy ba talaga 'yon?" pag iba ko sa topic nang bigla siyang manahimik, tumingin naman siya sa 'kin at biglang tumawa ng napaka lakas na akala mo ay kami lang ang tao sa park.

"Ano ka ba! Sa 'yo 'yon 'no, alam ko na ang plano mo at syempre napag handaan ko na ang araw 'to" kumindat naman siya sa 'kin at tsaka pinindot ang ilong ko na gawain ko sa kaniya noon, kahit kailan talaga daig niya pa ang bata kung mag kulit.

"Akala ko talaga para kay mommy 'yon, babawiin ko sana yung regalo na binigay ko sa 'yo"

"Aba subukan mo lang! 'Di ako magd-dalawang isip na suntukin ka, kahit sa harap pa yan nila tita" inirapan ko naman siya at agad niya akong sinuyo.

–––––

A couple of years had passed, halos 3 years ko na ngayong boyfriend ang pinaka magaling at pinaka hot na player na si Leo Carter.

Nandito ako ngayon sa office ni mommy, inutusan niya kasi akong bantayin 'to habang nasa business trip sila, syempre sumunod naman ako agad sa gusto niyang gawin ko.

Ilang buwan lang naman daw silang mawawala, siguro next next month ay makakabalik na sila.

Nagulat naman ako nang biglang kumatok sa office ang secretary ni mommy, sinasabi na may bisita raw ako.

Tinanong ko pa kung ako ba talaga ang pakay niya, baka kasi mamaya si mommy pala ang gustong makausap o makita nung tao pero sabi naman nung secretary ako talaga ang pakay.

Paglabas ko ng pinto ay halos magkaroon ako ng heart attack nang makita ko si Azura, sobrang laki ng pinagbago niya at ang tagal na simula noong huli ko siyang nakita.

"I missed you, that's why I came" masayang sabi naman niya at tsaka ako niyakap, gusto ko sanang kumalas sa pagkakayakap niya pero ayaw kong magmukhang bastos at alam ko na totoo naman ang sinasabi niya.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kaniya, napayuko naman ito at hindi agad nakasagot.

"I thought you'll be happy if you see me, pero parang hindi pala" bigla naman nalungkot ang boses niya at tangkang aalis na sana pero nahawakan ko siya agad.

"Hindi kita pinapaalis, hindi rin naman ako galit na nandito ka, sadyang nagulat lang ako at gusto ko lang naman malaman kung bakit ka nandito" malamig ang boses na pagkakasabi ko, yumuko siya ulit at tsaka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Gusto ko lang humingi ng tawad dahil sa mga nagawa ko sa 'yo back then, I know na maling mali ako" gusto ko siyang sampalin dahil sa sinabi niya, ano na naman kadramahan nitong babaeng 'to.

"Tumayo ka diyan, hindi ko sinabing humingi ka ng tawad at hindi ko rin sinabing pinapatawad na kita dahil lang pinatayo kita"

Agad naman siyang tumayo at muli akong niyakap habang umiiyak at nagmamakaawa.

"Please just drop the act, kung gusto mong mapatawad kita, layuan mo ako at si Leo" nanlaki naman ang mata nito dahil sa sinabi ko at hindi siya makapaniwala dahil sa narinig.

"Ano ba ang sinasabi mo Kesia?" tanong niya sa akin, hindi ko siya pinansin at muli niyang tinanong kung ano ang mali.

"Eto, eto ang mali" agad naman lumapat ang palad ko sa pisngi niya, sinampal ko siya.

"Aray! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?!" tanong niya habang nakahawak sa pisnging nasampal at tsaka siya umiyak para ako ang lumabas na mali.

"Wow... Ano naman ang nakain mo para makalimutan lahat ng ginawa mo sa 'kin? Stop acting like you're the victim here, ikaw nga 'tong naglakas loob na sampalin ako sa loob ng court noon 'di ba? Tapos pinagkalat mo pa na inagawan kita sa lahat, well it's not my fault that you're not moving kaya ka naagawan! And don't act like wala kang alam tungkol sa kung ano ang connection ng pamilya ko sa pamilya ni Leo. Your dad is working on my dad's company, alam mo na anak ako ng CEO at may ari ng company 'di ba? In short ikaw ang mang aagaw, nagsimula kang umaligid kay Leo no'ng malaman mo na may balak ang mga magulang namin!"

"Oo na! Ako na ang masama, pero kaya ko lang naman 'yon ginawa dahil gusto ko rin maranasan kung paano ang feeling na may magmamahal sa 'yo" sagot niya at tsaka siya nagsimulang umiyak na akala mo naman ay namatayan.

"Maraming nagmamahal sa 'yo Azura, you're just too selfish and numb back then, hindi mo makita o maramdaman na may nagmamahal sa 'yo kasi busy ka na maghabol sa lalaking ayaw naman sa 'yo"

Napaiyak naman siya ng todo dahil sa sinabi ko, hindi ko sinabi 'yon dahil galit or so whatever, gusto ko lang imulat niya ang mata niya at makita ang totoong halaga niya.

"You know what Azura, know your worth. 'Wag kang maghabol sa lalaking ayaw sa 'yo, marami pang lalaki sa mundo at 'wag mong hahayaan na saktan ka nila pero isang sorry lang babalikan mo na. 'Wag kang marupok pagdating sa love, once na nasaktan ka at binalikan mo, aabusuhin ka nila, sasaktan ka nang paulit ulit kasi alam nila na okay lang sa 'yo. 'Wag mong hahayaan na dumating sa point kung saan makakalimutan mo yung halaga mo, walang masama sa magmahal pero magtira ka ng para sa sarili mo ha?"

Niyakap ko siya at tsaka pinatahan, nang medyo kumalma na ito ay binigyan ko siya ng tubig na maiinom at tsaka ko siya binigyan ng mga advice, buti na lang nakinig siya sa 'kin at nangako na hindi na niya ulit hahayaan na magmukha siyang tnga dahil lang sa love.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na siya, muli ay niyakap ko siya bago siya tuluyang makaalis, napabuntong hininga naman ako dahil sa mga nangyari ngayon.

"Kesia, ano'ng nangyari?" tanong ni Leo, umiling lang naman ako at tsaka ko siya hinila para sa yakap.

"Sus, miss mo ba ako?" pang aasar na sabi nito at tsaka ako hinagkan sa pisngi.

"Ang hangin mo naman, mas gusto ko pa nga kayakap yung batang kalye kaysa sa 'yo 'no!" inirapan ko naman siya, as usual kinukurot niya ang pisngi ko at tsaka nanakaw ng halik sa labi ko.

"Ano ba!" irita kong sabi at tsaka pinunasan ang labi ko.

"Ah ganyanan pala, sige 'wag kang hihingi ng kiss sa 'kin" sabi naman niya sa 'kin, inirapan ko naman siya ulit dahil alam ko naman na talo siya agad.

"My love, sorry na" sabi naman niya at tsaka ako pinaulanan ng halik sa mukha.

Nag pout naman ako, hinalikan niya ako ulit sa labi at tsaka bahagyang kinagat ang pisngi ko, namula tuloy.

And syempre marami pang ibang nangyari, isa ang quality time sa mga love language namin, which is pretty good kasi we're always hanging with each other at mini-make sure namin na may oras talaga kami para sa isa't isa.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon