Chapter 16

0 0 0
                                        

Leo;
Punong puno ng sakit ang puso ko ngayon, hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kesia kanina sa harap ng maraming tao, hindi man gano'n karami ang nakakita at nakarinig sa sinabi niya pero masakit pa rin at may malaking impact 'yon para sa 'kin.

Hindi ko na tuloy alam kung paano ako makakapag focus ulit tulad ng dati, hindi ko in-expect na mangyayari lahat ng 'to ngayon, masyado akong nasasaktan.

Alam ko naman na wala akong karapatan dahil hindi ko hawak ang feelings niya at alam ko rin na walang kami, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na masaktan.

After all those time, si Kai pala ang gusto niya, alam ko naman na mas better sa 'kin si Kai pero bakit kailangan akong saktan ni Kesia? Bakit kailangan niyang magsinungaling para lang hindi ko malaman ang totoo niyang nararamdaman.

"Leo!"

I was shocked to hear her voice, hindi ko alam kung kaya ko na siyang kausapin pagkatapos ng ginawa niya sa 'kin, masyadong masakit.

"What do you want? Hindi pa ba sapat sa 'yo na ipahiya at saktan ako sa harap ng maraming tao?"

Gulat naman siya dahil sa sinabi ko, at kitang kita ko kung paano siya nagpipigil ng luha.

I don't want to see her cry, but what she did was really unforgettable.

"Huwag kang umiyak, hindi bagay sa 'yo"

Natawa naman siya bigla at tsaka ako mahinang sinuntok sa braso, I admit nasaktan ako sa sinabi at ginawa niya but that's not a reason para hindi ko siya patawarin.

I know she didn't mean it, if she did, she have her reason.

"So, we good?"

Tumango naman ako at tsaka siya hinila para sa yakap, it always feels like magic. To the point na ayaw ko nang bumitaw sa pagkakayakap sakaniya.

"I love you, Leo"

"You mean it?"

"Syempre naman"

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya, after what happened earlier, I can tell that she is willing to do whatever she can do para lang magkaayos kaming dalawa, and that's why I love her.

Moments after that, tinawag kami ulit ng mga coach namin para sa huling practice bago kami umuwi, kahit may konting sakit pa rin sa puso ko, I still managed to show my support for her.

As she was modeling, I tried my best to cheer her.

"WOOH! Baka future girlfriend ko yan!"

Kesia;
Nagulat ako dahil sa sinigaw ni Leo, hindi ko 'to in-expect ha, literal na expect the unexpected.

Nagulat din ang ibang players at pati coaches namin ay napanganga dahil sa sobrang gulat, hindi rin siguro makapaniwala dahil sa narinig nila.

Ang sobrang ingay na court kanina ay mas lalong umingay dahil sa narinig nila na sigaw ni Leo, pati naman ako ay hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala dahil sa nangyari.

Pagkaupo ko ay umingot ang paningin ko sa buong court pero hindi ko mahanap si Kai, bakit ko ba kasi siya hinahanap?

Ilang minuto lang ang lumipas at natapos na kaming mag practice, sunod na magp-practice ang mga players, hanggang ngayon ay wala pa rin si Kai kaya sinubukan ko na libutin ang buong campus para lang hanapin siya.

"Kesia"

Tumingin ako agad dahil narinig ko ang boses niya, I rushed to hug him but he stepped backwards.

"A-ano ang problema?"

"Wala, don't you dare ever hug me again, lalo na nasa loob pa rin tayo ng campus, mahiya ka naman. Hindi porke muse ka ng Bricklayers at gusto kita, may karapatan ka na para yakapin ako"

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon