Leo;
Isang buwan na ang lumipas, dumating na ang pinaka hihintay kong araw, sa wakas ay maaangkin ko na siya.Kesia;
Maaga akong nagising dahil ito na ang araw na pinapanalangin kong dumating, ikakasal na ako, magiging Mrs. Carter na rin ako sa wakas!Leo;
Maaga pa pero nagsiligo na ang groomsmen ko, si Kai naman ang best man ko, oo, naayos na namin ang problema namin noon pa.Nagagalak nga ako dahil napapayag ko siya, no'ng una kasi ay ayaw niya maging best man, let's basically say, ayaw niyang um-attend ng kasal namin pero pinilit ko siya at wala naman siyang nagawa dahil gustong sumama ng girlfriend niyang si Mae.
Kesia;
Pagbaba ko ay nakita ko na ang bridesmaid kong si Azura, maid of honor naman yung girlfriend ni Kai na si Mae."Thank you ah, nakapunta kayo" sabi ko at tsaka nakipag beso sa kanila, masaya naman silang nakipag beso rin at niyakap ako.
"Nako wala 'yon, ito na lang ang magagawa ko para makipag ayos sa 'yo" sabi ni Azura at tsaka ngumiti.
"Basta ako gusto lang talaga kitang makita at mas lalo pang makilala, nagulat nga ako na bigla mo akong ginawang maid of honor mo kahit hindi mo pa ako gaanong kilala" natatawang sabi naman ni Mae, ngumiti naman ako sa kanilang dalawa at tsaka ko ulit sila bineso bago puntahan si mommy na busy sa pag aayos ng gown, heels, at make up na gagamitin ko.
"Nako mommy, ako na po diyan. Pahinga po muna kayo ulit" sinubukan ko siyang tulungan pero bahagya niya akong itinulak.
"Nako, pumirmi ka diyan. Ikaw dapat ang nagpapahinga pa dahil alam ko na mapapagod ka mamaya kaka approach sa mga magiging bisita niyo, isa pa, ako na ang bahala rito" sabi naman niya at syempre medyo takot ako sa kaniya kaya hindi ko na pinilit.
Dahil bawal pa akong lumabas, bumalik ako sa taas at binuksan ang sliding door dito sa may balcony.
Ang lamig ng hangin, tamang tama lang sa ganitong oras, at ang ganda pa ng view dito dahil medyo kitang kita ang bundok.
May kumatok naman sa pintuan, pagbukas ko ay nakita ko si Mae na may hawak na kape.
"Oh eto, mag kape ka muna tapos kung gusto mo ng pagkain bumaba ka na lang, tawagin mo naman ako kung gusto mo na iabot ko na lang sa 'yo"
"Nako 'wag na, nag abala ka pa, thank you pala rito sa kape, baba na lang ako mamaya kapag nagutom ako" sagot ko naman tsaka ngumiti sa kaniya.
Ilang minuto lang ang lumipas ay ubos ko na ang kape at tuluyan nang sumikat ang araw, pagtingin ko naman sa orasan ay 6 am na.
Syempre bilang bride ay ayaw ko ang mal-late ako, kaya naman agad na akong pumunta sa cr para maligo.
Nag i-imagine pa ako ng mga pwedeng mangyari mamaya, paano kaya niya tatanggalin ang veil ko at hahalikan ako ng dahan dahan.
Leo;
Masyado pala akong na busy makipag usap sa mga groomsmen ko kaya hindi ko napansin na 6:15 am na pala, syempre ayaw ko naman na ako ang maghihintay para sa bride ko kaya nagpaalam na ako at tsaka naligo.Habang nararamdaman ko ang warm water sa katawan ko ay hindi ko mapigilan na ma imagine ang mga mangyayari mamaya, masyado akong nae-excite.
Hindi na ako makapag hintay na mahalikan siya sa harap ng maraming tao, at proud akong isisigaw na misis ko na siya.
Kesia;
Tapos na akong maligo, pagbaba ko naman ay nakita ko agad ang accessories na isusuot ko, kasama na rin yung gown at heels ko.6 inches nga yung heels, naalala ko tuloy nung nag model ako as muse ng basketball team namin, napangiti naman ako nang maalala ko lahat ng iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/338680178-288-k670376.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomansaKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...