Hindi ko naman namalayan na tapos na pala ang second game, at nasa kalagitnaan na ng third o final game ang laban, syempre nangunguna ang team namin, yes nanalo ang Bricklayers kanina.
"Wooh! Go Bricklayers!" sigaw naman ng mga teachers, napa cheer naman tuloy kami ni prof ng wala sa oras, I am having fun kaya wala akong pakeelam kung nakakahiya ang ginagawa namin basta ang saya at sarap lang sa feeling.
Medyo matagal pa bago tuluyang matapos ang laban, syempre nanalo ang team ko, baka Bricklayers yan!
"And there! Nagtatapos na ang napaka init na labanan ng bawat sports, at may mga nanalo na! Gusto niyo ba ng awarding?"
"YES!" malakas na sigaw ng mga audience.
"Ayaw ko, magsi uwian na kayo!" sabi naman ng mc sabay tawa, nag tawanan din naman ang lahat.
"Oh sige eto na nga, pero save the best for last"
Ilang minuto ang nakalipas bago tuluyang matapos ang mga awardees pero teka lang, hindi pa diyan nagtatapos dahil hindi pa nakapag award ang champion sa basketball.
"At ito na nga ang pinaka hihintay ng lahat, isa munang malakas na sigawan bago natin simulan ang awarding!" agad naman sumunod ang audience, napangiti naman ang mc dahil uwian na talaga ang magaganap dahil sa result.
"Let us all congratulate, grade 9 for being the 3rd runner up, grade 12 for being 2nd runner up, grade 11 for being the first runner up... And syempre, papahuli ba ang Bricklayers ng grade 11? Hindi! Isang malakas na palakpakan na may kasamang hiyawan para sa grade 11 Bricklayers for winning the championship!"
Hindi ko naman mapigilan ang luha ko, ang saya, sobrang sarap sa feeling na marinig na nanalo ang team na itinatayo mo. Sobrang worth it lahat ng pagod namin.
"Congratulations Bricklayers, at syempre hindi pa diyan nagtatapos dahil ia-award pa natin ang best player"
Ngumiti naman ako ng malapad, nakatingin sa akin si Leo at agad naman akong nag thumbs up with matching flying kiss pa, sinalo naman niya ito at tsaka ako kinindatan.
"Congratulations to Mr. Leo Carter for winning the Best Player award, and syempre Best in Audience impact na rin, lakas ng charisma niya habang naglalaro eh"
Napatakbo naman ako at tsaka ko siya niyakap sa harap ng maraming tao, naghiyawan naman silang lahat at laking gulat ng mc.
"Grabe! Iba na talaga kapag may inspiration at motivation na rin habang naglalaro, kaya pala best player ka ah!" pang aasar nito at sabay sabay kaming natawa.
"Oh, 'wag ka nang bumaba ng stage dahil ikaw na ang nanalo sa champion o muse of the year! Napaka ganda at napaka sexy kasi, bagay na bagay talaga kayo ng basketball player mong bf 'no" natatawa naman ako at kinilig dahil sa sinabi ng mc, nakayakap naman sa baywang ko si Leo.
Kinuha ko na yung trophy at bouquet na binigay sa 'kin, sinuotan din ako ng sash dahil nanalo rin ako na Best in Cheer, Best in Audience impact, Best in costume, Best in talent show, at marami pang iba, hakot award ganern!
Nakatingin naman sa 'kin si Leo na sobrang lapad ng ngiti at tsaka ako hinagkan sa noo.
"I'm so proud of you my love" bulong nito sa 'kin dahilan naman para uminit ang pisngi ko.
"I'm so proud of you rin, pogi mo kahit pinag papawisan ka na" sabi ko naman at natawa, kinurot niya naman ang pisngi ko at tsaka ako sumimangot, ang sakit kasi ng kurot niya, akala mo naman teddy bear ako o 'di kaya naman ay mochi.
Nag speech naman ang prof at coach namin, and save the best for last talaga dahil huling nag speech ang principal, ang future mother in law ko, eme!
Nagulat naman ako dahil sa huli niyang sinabi.
"I am so proud of everyone, lalo na sa anak ko, and yes, tama talaga ang mc kanina. Para siyang ibang tao simula no'ng dumating si Kesia sa buhay niya, nabawasan ang issue ng mga students sa kaniya and I can tell that Kesia was helping to make him be a better version of himself"
Tumingin sa akin ang principal na si Mrs. Carter at tsaka ngumiti, ngayon ko lang siya nakitang ngitian ako, most of the time kasi kinatatakutan siya dahil para siyang ibang tao sa tuwing pinagsasabihan ang anak niya pero napaka bait niya sa personal, at napaka ganda pa.
"I really hope na maging kayo ng anak ko in the future, kung ako lang ang magd desisyon para sa kaniya ay nako, ikaw na ang pipiliin ko na pakasalan niya or let's say kasal na agad ang mangyayari, wala nang ligaw ligaw o dating stage kineme na yan"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at hindi ko napigilan ang luha ko, sobrang lapad naman ng ngiti ko, sobrang saya ng puso ko ngayon, gusto kong magtatatalon talon sa stage at gustong gusto ko siyang yakapin pero para akong statue na naka glue sa floor.
Mas lalo akong naiyak nang maramdaman kong may yumayakap sa 'kin, sweet ang amoy ng perfume and before I knew it, si Mrs. Carter pala 'yon.
Agad ko naman siyang ginantihan ng yakap at masayang nakangiti habang patuloy ang pagtulo ng luha ko, tears of joy. Ito na siguro ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko, ayaw ko nang matapos 'to.
"Congrats sweetie, proud na proud ako sa 'yo" sabi naman ni Mrs. Carter bago kumalas sa yakap at tsaka ako muling ningitian.
Niyakap din naman niya ang anak niya at biglang lumambot ang puso ko, ngayon ko lang na realize na katulad ko rin pala si Leo, nangungulila sa aruga at pagmamahal ng magulang.
Seeing them both hugging each other, made my heart melts, nakangiti naman ako habang pinapanood silang dalawa at tsaka ako hinila ni Mrs. Carter para damayan sila, at buong tao sa stage ay nakipag group hug. Sobrang saya at sarap sa pakiramdam, ayaw ko na talagang matapos ang moment na 'to.
Lahat naman ay kumalas na sa yakap at syempre hindi mawawala ang group photo bago tuluyang matapos ang event, nagpasalamat naman kaming lahat para sa extra effort na ginawa ng lahat para maging successful ang flow ng event.
![](https://img.wattpad.com/cover/338680178-288-k670376.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomanceKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...