Hindi na rin ako nagtagal sa bahay nila, naririnig ko na rin kasi ang pag beep ng driver ko sa sasakyan, hinihintay na niya ako.
Tumingin ako sa orasan na nasa living room, 11 am na pala, ang bilis naman ng oras, parang kanina lang ay kakadating ko pa lang sa bahay nila Leo.
"Uuwi na ako."
"Okay, ingat."
Bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya, ano pa bang ine expect ko eh wala namang kami?
Ang hirap naman mag assume at maghintay sa salitang gusto mong marinig, kahit naman alam ko na gusto ako ni Leo, hindi pa ito ang tamang oras para sabihan niya ako ng gano'n.
"Why are you sad?"
Tumaas naman ang tingin ko nang makita ko siya, he slightly tilted his head, making him more attractive.
"Ah, wala wala. May naisip lang kasi ako, about acads."
"Hmmm I see, you should've stop overthinking about something, don't pressure your self, Kesia."
Saying that, napawi ang malungkot kong mukha at napalitan ito ng saya, I just love him, so much.
On my way home, I can't stop thinking about the happenings earlier, kahit na medyo g4g0 ang datingan ni Leo, may nakatago pa rin talagang bait sa loob niya.
I hate to admit the fact na I am starting to catch feelings for him too.
Pagdating ko sa bahay, sa wakas ay nandito ang parents ko.
I was about to open the door, pero kitang kita ko kung paano magalit si mommy kay manang, nanlambot bigla ang mga tuhod ko na para bang hindi ako makatayo at kumikirot ang puso ko.
Ibinaba ko muna ang bintana ng kotse para marinig ang pinag uusapan nila.
"KAHIT KAILAN TALAGA WALA KA NANG GINAWANG TAMA!"
Nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang bumuo ng mga luha, nakita ko kung paano sampalin ni mommy si manang.
Hindi ko matiis ang sarili na 'wag makisali sa away ng matatanda pero hindi ko kayang panoorin kung paano siya saktan ni mommy kahit walang dahilan.
"Tama na!" sigaw ko habang hinihingal at pinipigilan ang mga luha na 'wag tumulo.
"At ikaw babae ka, saan ka na naman ba nanggaling?!" akmang sasabunutan ako ni mommy pero pinigilan siya ni manang, at muli ay nakatanggap na naman ng sampal si manang.
"Ano ba ang mali sa 'yo?!" hindi ko napigilan ang sarili ko na sumigaw, pagsabay nito ang tuloy tuloy na pagtulo ng mga luha ko.
"You don't have the rights to shout at me, tandaan mo nakatira ka pa sa bubong ng bahay ko!"
"And you don't have the rights na saktan si manang, wala naman siyang ginagawang masama!" patuloy ang pagtulo ng mga luha ko at sobrang bilis nang tibok ng puso ko, akala mo ay sasabog ito.
"Hindi ka niya binantayan!"
"Hindi na ako bata para bantayan! Kaya ko na ang sarili ko, simula bata pa lang ako natuto na akong tumayo sa sarili kong paa!" pinipigilan ako ni manang na 'wag taasan ang boses ko pero hindi ko magawa, dahil ngayon ay gustong gusto ko na talagang ipaalam sa kanila ang tunay kong nararamdaman.
"What are you talking about?"
"Ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng tunay na magulang, hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko ba kayo na kayo talaga yung mga magulang ko, dahil kahit isang beses sa isang taon lang, hindi niyo man lang ako kinamusta. Kahit isang hi o hello lang wala akong natanggap, sa tuwing may event sa school nung bata ako palagi kayong wala! Kahit pagbati sa akin na happy birthday hindi niyo magawa! Naiinggit ako sa ibang bata, ayaw kong nakikita silang masaya kasama yung parents nila habang ako ay nagluluksa, kulang sa aruga at atensyon ng mga magulang ko. Busog nga ako sa mga laruan, pera, gadgets, at kung ano ano pa, pero dalawa lang naman ang hinihiling ko. Yun ay ang oras at pagmamahal niyo, simpleng bonding lang kasama ako hindi niyo maibigay, kahit isang minuto lang kasama kayo hindi niyo magawa, and yet you still have the audacity to call your selves my 'parents'? Nasaan doon ang patunay na naging magulang kayo sa akin?"
Hindi ko napigilan ilabas lahat ng hinanakit ko sa loob, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, my mom was speechless, so my dad.
Ngayon pa lang 'to nangyari, ngayon ko pa lang sabihin ang nararamdaman ko kaya masasabi ko na labis silang natamaan.
Tumutulo na rin ang luha ni mommy pero binalewala ko 'yon dahil galit at sakit lamang ang dumadaloy sa dugo ko ngayon.
Hindi ko hinintay ang sasabihin niya o kung may gusto ba talaga siyang sabihin sa akin, nagmamadali akong umakyat ng kwarto ko pagkatapos ng mga pangyayari.
I felt so proud about my self, sa wakas ay nabuhos ko na lahat ng hinanakit na matagal ko nang tinatago sa aking sarili, sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin lahat ng 'yon sa harap mismo ng mga magulang ko.
Naisipan ko na magpahangin sa balcony ng kwarto ko, hanggang ngayon ay naa amaze pa rin ako sa magandang view ng buong city, tanghali na pero ang fresh pa rin ng hangin, ganitong pakiramdam ang gugustuhin kong maramdaman habang buhay.
Para mabawasan ang mga iniisip ko, naisipan ko na lang na maglaro ng gitara at kumanta.
Hindi ako magaling sa pagkanta, at hindi sa pag mamayabang pero magaling ako magpatugtog ng gitara, piano, at pati na rin ng violin.
Among the three instruments, gitara ang paborito ko.
As I was feeling the amazing view, fresh air, and wonderful music, bigla kong narinig na may kumakatok sa pintuan ko.
Agad ko naman itong binuksan, at laking gulat ko nang makita ko si mommy, may hawak na bouquet of tulips, may chocolates pa.
"I'm sorry, honey. I'm glad that you have the courage to tell us what you felt, and tama ka nga, wala kami masyadong oras para sa iyo."
I can't tell if she's sincere or what, pero hindi naman pwede na magtatanim ako ng galit sa nanay ko mismo, kaya tinanggap ko yung bulaklak at chocolate.
Ipapatuloy ko sana siya sa loob ng kwarto ko pero she refused, at sinara na niya ang pintuan.
Ibinaba ko lang ang bouquet at chocolate, tsaka na ako bumalik sa balcony para ipagpatuloy ang pagtugtog ng gitara.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomansaKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...
