Leo;
Napabuntong hininga ako nang marinig ko na ang pangalan ng team namin mula sa mc, ito na nga ang ayaw kong pakiramdam, kinakabahan ako.
Nakaramdam ako ng paghina sa tuhod pero tumingin ako kay Kesia at nakita ko siyang nakangiti, naka thumps up pa at nabasa ko ang labi niya na sinabi ang salitang 'i love you'.
Nagkaroon naman ako ng lakas ng loob dahil kay Kesia, gumaan ang loob ko nang maalala ko ang nangyari kanina, hinalikan ba naman niya ako sa pisngi sa harap ng team mates ko, best feeling ever!
Muli akong napabuntong hininga nang mahawakan ko ang bola, nasa aking kamay ang magiging puntos ng team namin, kapag nagkamali ako, sure lose.
Kesia;
Muli akong kinabahan nang makita ko na isa isang tumatayo ang players ng Bricklayers, second game na nga agad at grade 11 at 12 na ang maglalaro.
Alam ko rin namang kinakabahan si Leo dahil napatingin ito sa 'kin, ngumiti naman ako agad at tsaka nag thumbs up sa kaniya, giving him an assurance na kahit ano'ng mangyari ay mamahalin ko pa rin siya and I will always be proud of him.
Nakaramdam ako lalo ng kaba dahil nakita ko na nasa kaniya pala ang bola, hawak niya ngayon ang magiging puntos ng team namin, pero may tiwala naman ako sa kaniya.
Before I knew it, nakapuntos na nga siya agad ng 3 points at doon na nagsimula ang mainit na labanan sa pagitan ng dalawang team.
Nagdadasal na ako, kaya naman hindi ako makapag focus na manood ngayon, nanghihina na ang tuhod ko habang pinapanood ko si Leo, kung hindi siya ang palaging nakaka agaw ng bola sa kalaban, si Kai naman ang may hawak.
"Malaki ang chance na manalo kayo, yan pa si Leo... Varsity player yan simula noong grade 7, na train na ng maayos, si Kai naman... Palagi yan sumasali sa liga noon, tapos naging official part ng Bricklayers noong grade 9"
Nagulat at hindi ako makapaniwala dahil sa narinig ko mula sa adviser namin, alam niya pala ang lahat ng pangyayari.
"Paano niyo po nalaman?" takang tanong ko naman, bahagya naman siyang natawa dahil sa tanong ko at tsaka ako malalim na tinitigan sa mata ko.
"Nako, naging coach din kasi ako noon ng basketball team, at ilang beses ko na nahandle si Leo. I can really tell that he's a great player"
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya at muling tinignan si Leo, tama nga siya... Sobrang galing niya, kaya siguro halos buong babae sa campus ay nagkakagusto sa kaniya.
"Alam mo ba kung hindi ka dumating dito, naging girlfriend na niya sana si Azura" nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni prof.
"P-po? Bakit naman po?" nauutal kong tanong dahil sa sobrang gulat.
"Noon, sila ang palaging shini-ship ng mga estudyante, maganda kasi si Azura halos walang makapantay sa ganda niya pero bigla kang dumating at mas maganda ka pa pala sa kaniya"
Nangiti naman ako at napailing dahil sa sinabi ni prof, hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko ngayon, matutuwa ba ako sa compliment niya o masasaktan dahil parang inagaw ko ang lahat kay Azura o baka naman tama talaga siya na inaagaw ko ang lahat sa kaniya.
"So eto na nga ang nangyari, trouble maker yan si Leo noon, at napag tripan niya bigla si Azura. Hindi natuwa si Azura sa nangyari at pinatawag niya sa principal's office si Leo, pero laking gulat ni Azura nang malaman niya na mommy pala ni Leo yung principal"
Tumango tango naman ako dahil hindi ko alam ang sasabihin, so mas matagal pala silang magkakilala kaysa sa amin.
"At isang araw biglang pinatawag si Azura sa principal's office, gulat nga siya no'n kasi hindi naman niya alam ang maling ginawa niya. Mas lalo pa siyang nagulat nang ipakilala siya ni Leo sa nanay"
Na shock naman ako, at the same time bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso, wala namang kami ni Leo kaya wala akong karapatan na maramdaman 'to.
"At ayon na nga, nanligaw si Leo, pero umeepal 'tong pinsan ni Azura which is si Kai. Napaka overprotective niya simula noon, tapos nagulat na lang ang lahat dahil nag iba ang ihip ng hangin no'ng dumating ka"
Nagsimula naman mamuo ng luha sa mata ko dahil sa kinekwento ng prof namin, hindi ako makapaniwala na ako pala ang dahilan ng lahat.
"Na in love sa 'yo si Leo, pero hindi siya magaling sa pag express ng nararamdaman niya noon kaya minabuti niyang tigilan ang pagiging trouble maker, siguro hindi mo 'yon agad napansin kasi bago bago ka pa lang"
Tumango naman ako at mapait na napangiti habang pinupunasan ang luha ko.
"At the same time naman, na in love rin sa 'yo si Kai, noong una ay walang pakeelam si Azura pero pansin mo naman na dumi distance siya sa 'yo 'di ba?"
Tumango naman ako at muling nagpunas ng luha, gulat talaga ako kasi alam ni prof ang lahat ng nangyayari.
"Nag open sa 'kin noon si Azura, nagseselos siya sa 'yo at naiinggit sa tuwing wala na gaanong oras sa kaniya ang pinsan niya dahil palagi ka ngang pinapansin ni Kai"
Mas lalo akong nakaramdam ng sakit sa puso ko, mabait si Kai, sobrang bait. At alam ko na willing siyang gawin lahat para lang sa 'kin.
"At doon na nga nag start na kumulo ang dugo sa 'yo ni Azura"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumayo ako mula sa kinauupuan ko at agad na niyakap si prof.
"Shh, tahan na Kesia... Mahirap sa una, pero alam ko naman na kalaunan ay magiging masaya rin si Azura para sa 'yo, siguro kailangan niya lang ng oras ngayon. Be patient"
Tumango tango naman ako habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat ni prof, ang yakap niya, parang yakap ng isang ama na kahit kailan ay hindi ko naramdaman.
"Nandito lang si prof ha? Kung kailangan mo ng balikat na maiiyakan, palagi akong available. Pwede kang mag open ng problema mo sa 'kin, 'wag kang matakot"
Muli akong napa hagulgol dahil sa sinabi ni prof, bakit nararamdaman ko sa ibang tao na hindi ko naman kaano ano ang dapat na nararamdaman ko sa aking mga magulang?
Ang unfair lang sa point na mas inuuna nila ang trabaho at pera kaysa sa 'kin, para akong invisible sa buhay nila.
Sinusustentuhan naman ako pero hindi 'yon sapat or let's just say na hindi 'yon ang kailangan ko.
Aruga at pagmamahal lang naman nila ang kailangan ko, hindi naman kasi 'yon mabibigay sa 'kin ng pera eh, pero maging sila ay hindi nila magawa sa 'kin. Ang sakit lang.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomanceKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...
