Chapter 9

0 0 0
                                        

I wonder saan siya pinaglihi ng nanay niya, kahit kakatapos kasi niyang umiyak ay napaka ganda pa rin ng itsura.

"Ang swerte ko naman sa 'yo"

Hindi ko napigilan ang sarili ko na ibulong 'yon sakaniya, kung tutuusin kasi ay swerte naman talaga ako, if ever magiging kami.

I took a one last look at her, and I poked her cheeks, they're so cute.

Payat lang siya pero yung cheeks niya ay napaka siksik, akala mo ay mochi.

Bahagya ko naman siyang hinalikan sa noo.

"Good night, miss Monroe."

Pinatay ko ang ilang ilaw, nagtira lang ako ng isa na medyo malayo sa pwesto ni Kesia para hindi maistorbo ang mahimbing niyang tulog.

Pagkatapos ko siyang asikasuhin ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto, mas dumami ang mga taong naghahalikan kung saan saan, at ang iba pa rito ay hindi na mapakaling tikman ang katawan ng isa't isa.

Kesia;
Nagising ako dahil sa sobrang lakas nang pagkasara sa pinto, halos hindi ko pa maimulat ang mga mata ko dahil inaantok pa talaga ako.

Tatayo na sana ako nang may maramdaman akong mabigat sa bandang tiyan ko, pagtingin ko ay si Leo.

Dahil sa sobrang antok ko ay naisipan ko munang paglaruan ang buhok niya.

Nagulat ako nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa kamay ko, ang warm ng palad niya na akala mo ay hindi siya tinablan ng air con magsimula kagabi.

"Good morning"

Bati niya sa akin habang masayang nakatingin sa mga mata ko, ngumiti lang ako at nagulat ako nang bigla niyang halikan ang tiyan ko.

"Para saan 'yon?"

"Good morning kiss"

Bigla naman namula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya, ang aga aga pinapakilig na naman niya ako.

"Tumayo ka na para makakain na tayo"

Pag aya ko sakaniya pero 'di man lang siya nakinig sa akin, niyakap pa niya ako para hindi ko siya pilitin na tumayo.

"Hay nako Leo, hindi yan gagana sa 'kin"

Tinignan niya ako, sobrang amo ng mukha niya pero hindi ako papayag na sayangin niya ang oras ko.

"Ano ba Leo!"

Isang sigaw pa lang ang nagagawa ko pero agad siyang tumayo, tinulungan pa akong makatayo para lang sabay kaming lumabas.

Habang naglalakad kami ay narinig ko si Azura, sumisigaw ito na tila ba'y may kaaway.

"Ano ba Jack, nasasaktan ako!"

Halata sa nanghihina pero pilit na sigaw na boses ni Azura ang sakit ng loob niya, sila rin yata ang narinig kong malakas na isinara ang pintuan kanina.

"Ano ba ang nangyayari dito?"

Taka kong tanong at nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ng napaka higpit ni Azura.

"Kesia, iuwi mo na ako..."

Bakas sa boses niya ang sakit at bigat ng pakiramdam niya, grabe parang kagabi lang ay ang saya saya niya habang kasama niya yung Jack tapos ngayon umiiyak na siya.

Pinapasok ko muna siya sa loob ng kwarto na pinagtulugan namin para naman kumalma muna siya kahit papaano, at doon ay kinausap ko siya tungkol sa nangyari.

"Sinaktan niya ako Kesia, pinipilit niya akong makipag tanan sakaniya at nung sinabi ko na hindi pa ako ready at wala pa kami sa tamang edad, sinampal niya ako at pinag maltratuhan"

Halos mangiyak ngiyak din ako habang tinitignan ko siya, totoo nga ang sinasabi niya dahil mayroon siyang sugat malapit sa labi at may mga galos naman ang kaniyang braso, parang galing sa belt.

"Ano pa ang ginawa niya sa 'yo?"

"Pinipilit niyang halikan ko siya, hindi ko naman gusto yung nangyari kagabi sa harap ng maraming tao, nalaman ko na masyado lang akong lasing that time"

Ayaw kong maniwala sakaniya pero hindi ko kayang tiisin na nakikita siyang lumuluha, totoo ang mga iyak niya kaya labis akong nasasaktan para sakaniya.

"Ano ang gusto mong mangyari ngayon?"

"Umuwi na tayo, please... Ilayo mo na ako kay Jack, Kesia"

Muli siyang umiyak ng napaka lakas na halos iyak na lang ang marinig sa buong kwarto, niyakap ko siya agad at pinatahan.

Hindi ko man alam ang nangyari sakanila ni Jack kagabi pero ramdam ko na nasasaktan at nahihirapan talaga si Azura, kung hindi ako agad mag iisip ng paraan baka kung ano pa ang gawin ni Jack sakaniya at may possibility na pati kami ni Leo ay madamay.

Nang tuluyan na siyang tumahan ay agad ko siya tinulungan na makatayo para i-ready ang gamit niya, ngayon na mismo ay iuuwi ko na siya, hindi na niya kaya na mag stay rito ng mas matagal.

"Nahihirapan ka na ba? Isang gabi mo pa lang siya nakasama"

"Nagkamali ako ng pagkaka kilanlan sakaniya, akala ko nung una ay sasaya ako kapag kapiling ko siya pero nagkamali ako."

Labis siyang nagsisisi dahil sa ginawa niya, sa totoo lang nainis ako sakaniya dahil tiniis niyang makasipin ang lalaking 'yon kaysa sa akin.

"Nagsisisi ka na ba dahil sa naging desisyon mo kagabi?"

"Oo, sobra. Sobrang laki ng pagsisisi ko ngayon at labis akong nagkamali sakaniya."

Niyakap niya muli ako ng mahigpit, ginantihan ko naman ang mga yakap nito.

Sinabihan ko muna si Azura na kumain at magpahinga, nagpaalam din ako sakaniya na sasabihin ko kay Leo ang pangyayari upang mapagsabihan niya yung kaibigan nilang si Jack.

Habang nagkkwento ako au labis naman ang pag aalala ni Leo kay Azura, humingi siya ng tawad dahil sa nagawa ni Jack sa aking kaibigan.

"Ganyan talaga si Jack, bilang bunso sa pamilya nila I can really say na he's spoiled sa lahat ng bagay, lalo na sa love."

Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Leo, pero sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa kanilang dalawa ni Azura, umaakyat ang inis ko papunta sa aking utak.

"Gano'n ba talaga siya ka spoiled para ganituhin ang kaibigan ko? Naaawa ako kay Azura"

Niyakap naman ako ni Leo para pakalmahin ako, wala akong ibang maisip o ano ba talaga ang gagawin ko ngayon.

"I know you really love your friend at may pagkakamaling nagawa si Jack sakaniya pero trust me, Jack is also a nice guy"

Nag aalinlangan pa ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o sadyang gusto niya lang pagaanin ang loob ko.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon