Nagulat ako nang pagbalik ko ay tapos na silang mag test, pero wala pa naman sigurong ten minutes simula nung umalis ako?
Nilibot ko naman ang tingin ko, at nagulat ako nang makita ko yung prof namin, nakangiti naman siya sa 'kin at tsaka nagpasalamat dahil na-handle ko raw ng maayos ang mga kaklase ko, well yun naman kasi talaga ang trabaho ko as their president.
"Nako po, nagagalak po ako na marinig yan sa inyo"
Nakangiting sabi ko at tsaka tinulungan ang prof namin na kunin ang mga papel mula sa mga kaklase ko.
"Dahil nagawa mo ang part mo, ip-perfect na kita sa test"
"Ay nako po, hindi niyo na po kailangan gawin yan, tsaka magiging unfair po para sa iba"
Nahihiya akong tanggapin ang pinu-push ng prof namin, hindi ko naman hahayaan na maging unfair para sa part nila na nagsagot, kahit ang ilan sa kanila ay walang review.
"Nako, 'wag mong isipan yan, sila pa nga ang nag push na i-perfect ka na lang dahil ikaw lang daw ang president na nakapag handle sa kanila ng maayos"
Nakangiting sabi naman ni prof, dahilan para mapangiti rin ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon, may isang test na akong na perfect kahit wala akong ginawa, parang magic lang.
Nag ring na ang bell at nagsimula nang lumabas ang iba, nagpaiwan naman ako para muling makapag pasalamat sa prof namin, tuwang tuwa naman ito sa 'kin dahil ako rin daw ang reason para magkaroon ng chance na manalo ang grade level namin para sa basketball game.
Nagmamadali naman akong bumaba at dumiretso sa court, doon ay naghihintay na sa 'kin si coach, nagpaalam naman ako na mabilisan lang magpapalit.
As usual paglabas ko ng cr ay naghihiyawan ang mga players, sinubukan ko silang hindi pansinin pero medyo uncomfy sa feeling kasi first time ko lang magiging muse para sa basketball game tulad nito.
Maski ako naman ay nagulat din dahil nang mauupo na ako ay may humila rito, buti na lang hindi pa ako masyadong nakababa kaya hindi ako dumiretso sa lapag.
Nakatingin naman ang lahat ng tao sa paligid sa babaeng gumawa nito, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Azura.
"Azura?"
"Ako nga" nakangising sagot niya pa.
"Bakit mo ba 'to ginagawa sa 'kin?" naiiyak kong tanong, tinignan naman niya ako ng masama bago ulit siya ngumisi.
"Lahat na lang inagaw mo sa 'kin, yung pagiging muse, yung pagiging famous, lahat na lang ikaw ang main character, favorite ng lahat, pero bakit pati si Leo ay kailangan mong agawin sa 'kin?"
Mas nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig kong 'yon, pati si Leo ay gulat na gulat sa narinig niya, hindi rin makapaniwala.
"Wala akong inaagaw sa 'yo, at hindi ko alam na gusto mo pala si Leo" natahimik naman ang paligid dahil sa sinabi ko, halos ang alam kasi nila ay nagd-date na kami ni Leo.
"SINUNGALING KA!" nagulat ako at nagsimulang bumuo ng luha ang mga mata ko nang maramdaman ko ang kamay ni Azura sa pisngi ko, sinampal niya ako.
Lahat ng tao ay nagulat dahil sa nangyari, tahimik ang lahat at siguro ay naghihintay pa kung ano ang susunod na nangyari.
Akmang sasabunutan ako ni Azura pero pinigilan siya ni Leo at Kai, nagsisisigaw naman siya at tumulong ang ibang players para ilayo siya sa court, ang iba naman ay tinulungan akong makaupo at pinakalma.
Kai;
Because of what Azura did, I was furious.
"STOP THIS AZURA!" napasigaw na lang ako dahil ayaw niyang magpapigil.
"BAKIT BA MAS KINAKAMPIHAN MO YUNG BABAE NA 'YON?! AKO YUNG PINSAN MO KAI!"
"I don't care if we're related or not, kahit kapatid pa kita wala kang karapatan para sampalin siya sa harap ng maraming tao"
Hindi naman makapaniwala ang pagmumukha niya dahil sa sinabi ko, umiiling pa ito habang mapaklang nakangiti.
"Aren't you ashamed of your self? Pinahiya mo yung kaisa isang anak ng CEO, ano ba ang karapatan mo?"
Napatingin naman ako kay Leo na nagpipigil makagawa ng kung ano kay Azura, ramdam ko ang galit sa mukha niya, lalo na sa mata niya.
"Leo, gusto kita... Bakit ba ginaganito mo na lang ako palagi, invisible ba ako para sa 'yo?" ramdam ko rin naman ang sakit sa boses ni Azura, hindi na ako nagpaalam at minabuting umalis na lang para bigyan sila ng peace na makapag usap.
Leo;
Inis na inis ako ngayon kay Azura dahil sa ginawa niya kay Kesia, tapos ngayon kung ano ano ang sasabihin sa 'kin para ano? Maawa ako sa kaniya?
"Stop making your self a fool Azura. I don't like you, and I know that I made it clear by ignoring you, si Kesia lang ang gusto ko" malamig ang tono ng boses na sinabi ko sa kaniya.
"ANO BA LEO! Ako lang naman ang nakakaintindi sa 'yo ah, bakit hindi mo 'yon maramdaman?" tuluyan nang bumuhos ang luha sa mga mata niya, pero mas matigas ang puso ko para bumigay sa mga ginagawa niya.
"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo Azura? Marami pang lalaki diyan, hindi lang ako. 'Wag mong gawing tanga ang sarili mo dahil lang sa lalaki na tulad ko, I like Kesia and that's it."
Hindi na ako nagsalita pa at iniwan ko siyang nakatayo roon habang umiiyak, hindi naman ako nagsisisi dahil lahat ng sinabi ko sa kaniya kanina ay totoo.
Kung gusto niyang masaktan ko siya, sige lang ipagsiksikan lang niya ang sarili niya sa 'kin, but one thing I know is Kesia is enough for me.
Bumalik na ako sa loob ng court, nakita ko naman siya na naiiyak dahil sa nangyari, maski nga ako ay hindi makapaniwala dahil sa ginawa ni Azura.
Matagal na silang magkaibigan, pero hindi ko naman hahayaan na dahil lang sa 'kin ay masisira ang friendship nila.
Nilapitan ko naman si Kesia para patahanin siya pero nagulat ako nang bigla niyang itulak ang kamay ko.
"What's wrong?" nag aalalang tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot, dali dali niya naman akong hinila palabas ng court para private na mag usap.
"Huwag mo nang guluhin ang buhay ko, please lang... Can't you see na nahihirapan ako dahil sa ginagawa mo?" nasaktan naman ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya.
"I'm sorry" tahimik at nakayuko ako habang humihingi ng tawad sa kaniya.
Ilang minuto ang katahimikan sa aming dalawa dahil hindi niya ako pinapansin at nandito lang naman siya sa harap ko habang umiiyak, nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine
RomansaKesia, a 17 year old daughter of the youngest CEO in the town; she is known as the 'CEO's spoiled daughter', life is hard for her, but the challenges in life didn't stopped her to follow the right path for her dreams. Leo, a 18 year old son of the b...
