Chapter 20

0 0 0
                                        

Hindi rin kami nagtagal sa park, nang malapit na lumubog ang araw ay inaya na akong umuwi ni Kai, ayaw ko pa talaga pero wala na akong magawa, tsaka oras na rin.

"Wala naman pasok bukas, 'di ba?"

Hindi ko naman ang isasagot ko dahil hindi ko alam na wala pa lang pasok bukas hangga't 'di niya ako sabihan.

"Wala ba?" nagtatakang tanong ko at tsaka na lang natawa dahil wala talaga akong ideya sa mga nangyayari.

"Oo, ang alam ko wala. May meeting daw kasi lahat ng teachers bukas dahil nalalapit na ang event sa school"

Tumatango tango naman ako at tsaka masayang nakangiti sa kaniya, ngumiti rin naman siya at inaya niya ako na bumili muna ng ice cream, gusto kong tumanggi dahil wala akong dalang pera pero sabi niya libre niya naman daw, ayaw ko sana pero namilit siya kaya kalaunan ay wala akong nagawa kundi pumayag.

Ang saya saya naman niya habang binibigay sa 'kin ang isang ice cream na hawak niya, halos araw araw naman akong kumakain ng ice cream dahil sa dessert, pero yung pakiramdam na ganito ay ngayon ko na lang ulit naranasan.

"Ihahatid mo na ba ako pagkatapos nito?" naka pout naman ako nang tumango siya at tsaka pinindot ang ilong ko.

"Ayaw ko pang umuwi, wala naman akong gagawin sa bahay tsaka wala rin akong kasama"

"Huwag ka ng makulit Kesia, for sure hinihintay ka na ng yaya mo at sigurado rin ako na nag aalala na 'yon, anong oras na kaya"

Nalungkot naman ako dahil sa sinabi niya, pero ayaw ko rin na nag aalala si manang lalo na't hindi naman sila gano'n ka close ni Kai, unlike si Leo.

Tapos na kaming kumain ng ice cream kaya naman inaya na niya akong sumakay ng kotse, ayaw ko pa talagang umuwi pero wala na akong ibang choice, tuluyan na rin namang lumubog ang araw kaya sigurado ako na gabi na.

"So ano'ng plano mo bukas?" tanong sa 'kin ni Kai habang busy sa daan ang tingin.

"Wala naman, ano siguro matutulog na lang ako buong maghapon kapag walang practice" natatawa naman ako kaya natawa rin si Kai.

"For sure wala ng practice, it will serve as our pahinga na siguro. Malapit na rin kasi ang event, panigurado ay nagr-ready na sila" ngumiti naman siya, ang pogi niya pa rin kahit hindi siya nakatingin sa akin, ang tangos ng ilong niya.

"Hay, mas lalo tuloy akong kinakabahan ngayon" napa buntong hininga naman ako dahil sa sinabi ko, pagkatapos ng ilang taon ay ngayon na lang ako ulit makakapag rampa tapos halos puro lalaki at teachers ang manonood.

"Huwag mo kasing isipin na may mangyayari, or simply 'wag mong isipin na malapit na ang event. Keep it cool lang" natuwa naman ako kay Kai, ito kasi ang gusto kong marinig kay Leo tsaka sa iba pero kahit kailan ay hindi ko narinig, ngayon lang kaya naman ay sobrang sarap sa pakiramdam.

Ilang minuto lang naman ang lumipas at nakarating na kami sa labas ng bahay, wala naman kasing traffic kaya medyo napabilis ang byahe namin, nag wave naman na ako ng good bye kay Kai para masiguro na pwede na siyang maka alis.

Excited na akong pumasok sa loob ng bahay pero pagpasok ko ay hindi ko expect na ganito ang madadatnan ko, isang malakas na sampal galing kay mommy.

"Walang hiya ka talagang babae ka, ang kapal ng mukha mo na magpakita pa sa 'kin pagkatapos ng kahihiyan na ginawa mo sa pamilya natin!"

Hindi ko maintindihan, ano na naman ba ang ginawa ko para magka ganito si mommy? Sa pagkakatanda ko nga ay ako pa ang pinag malupitan nila, pero hindi ko balak sabihin sa kanila dahil alam ko naman na wala silang pakeelam.

"Bakit ba?!" hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman ay medyo pasigaw ang tono ng boses ko, akala pa tuloy ni daddy galit ako.

"Anong bakit ba?! 'Wag mo akong sinasagot sagot diyan bata ka! Baka nakakalimutan mo na nakatira ka pa sa ilalim ng bubong ng bahay ko, at ako pa ang nagpapakain at nagpapa aral sa 'yo"

Gusto kong gantihan si mommy, how dare she para gawin sa 'kin 'to, hindi nga niya alam na nags-suffer ako dahil sa kanila tapos siya pa 'tong may karapatan para magalit sa 'kin?

"You didn't even gave me a chance para mag explain, nasasaktan ako mommy"

Naiiyak na ako dahil sa sinabi ko pero wala man lang emosyon na nabuo sa mukha ni mommy, gano'n ba ako ka nonsense para sa kaniya?

"Ayan... Wala ka man lang pakeelam sa akin sa tuwing may problema ako, gustong gusto kong sabihin ang nararamdaman ko sa inyo pero mas minabuti ko nang huwag sabihin kasi wala naman kayong pakeelam"

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, ang babaw ng luha ko at grabe ang emosyon ko kapag ganito ang usapan namin.

As always, humingi na naman sila ng tawad sa 'kin, hindi ko sinabi na okay lang sa 'kin at hindi ko rin sinabi na galit ako sa kanila, wala akong binanggit na kahit ano at agad na dumiretso sa kwarto ko.

Nilock ko ang pinto at agad akong dumapa sa kama, gusto kong umiyak, gusto kong ibuhos ang lahat pero hindi ko magawa.

Naiiyak ako sa sobrang bigat at sakit ng pakiramdam ko, palagi na lang ganito, hindi ko alam kung patatawarin ko ba sila ulit o mas mabuti nang huwag ko na lang silang pansinin.

Pero sayang naman kasi, mukhang gusto ni daddy na maayos ang pamilya namin pero si mommy, parang nags-sorry lang siya sa tuwing nasasaktan ako pero kapag ayos lang ako, hindi niya man lang ako mabigyan ng isang sigundo sa buhay niya.

Minsan pa nga ay napapaisip na lang ako kung importante pa ba ako sa buhay nila o baka naman naging importante lang ako kasi ako 'to eh, tapos wala silang choice kasi ako lang yung nandito.

Bumuntong hininga ako ulit at ipinikit ang mga mata ko, gusto ko na lang matulog habang buhay, gano'n ang pahinga na pumapasok sa isip ko sa tuwing nagkakaroon ng misunderstanding sa pagitan namin ng mga magulang ko.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon