Chapter 7

0 0 0
                                    

Ayaw kong aminin pero nag aalala ako kay Leo.

Habang nakikipag usap si Kai sa mga kaibigan niya, tumakas ako para hanapin si Leo.

"Hoy Kesia!"

Nagulat naman ako nang may biglang tumawag sa 'kin, pagharap ko ay akala ko si Kai, pero si Azura pala.

"Bakit?"

Pagtatakang tanong ko kasi most of the time ay ako ang naghahanap sakaniya, hinihingal hingal pa ito, halatang tumakbo takbo para lang mahanap ako.

"Hinahanap mo ba si Leo? Nakita ko kasi siya kanina sa entrance, umiinom ng beer tapos nilalapitan siya ng mga babae, buti na lang pangalan mo yung binibigkas niya nang paulit ulit."

Dahil sa sinabi ni Azura ay hindi ko mapigilan ang mag isip ng kung ano ano, alam ko namang walang kami ni Leo pero sa sinabi ni Azura, nasasaktan ako.

Hindi na 'ko nagdalawang isip pa, agad akong tumakbo papunta sa entrance ng resort, at doon ay nakita ko siya, umiiyak.

"Leo?"

Mahinang tawag ko sakaniya, lumingon siya sa akin at agad akong hinila para sa yakap, yakap na kahit ilang beses ko nang nararanasan ay hindi pa rin ako magsasawang maramdaman ulit.

"I'm sorry, I'm so sorry."

Words that broke my heart into pieces, ayaw kong sinisisi niya ang sarili niya kahit alam ko naman na hindi niya kasalanan dahil ako ang may mali.

"Shhh, you did nothing wrong."

"I'm sorry Kesia, I promise that I will change."

Hindi ko na rin napigilan ang luha ko, kaya habang pinapatahan ko siya ay siyang patuloy na pagtulo ng mga luha ko.

"Kesia!"

Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Kai, pero si Leo... Well, hindi siya natutuwa.

Napawi ang lungkot sa mukha niya, napalitan ito ng inis.

Nagbatuhan sila ng masasamang tingin sa isa't isa, at alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Akin lang si Kesia!"

Sigaw ni Kai akmang hihilain ako palayo kay Leo pero mas malapit ako kay Leo kaya naman ay bago ako mahila ni Kai, nakayakap na si Leo sa akin.

"What do you mean sa 'yo? I love her, and I know that she loves me too!"

Gusto kong pigilan si Leo sa mga sinasabi niya pero late na ang lahat, naniwala si Kai dahil sa sinabi ni Leo at doon ay pumasok siya muli sa loob ng resort habang si Leo naman ay nakayakap pa rin sa akin.

"What the hell is wrong with you?!"

"Kesia ano ba, can't you really feel that I love you?!"

Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginawa niya kay Kai, wala pa ngang kami pero kung umasta siya akala niya ay sakaniya na ako, nakakasakal.

"I don't fcking care if you love me or not, ang gusto ko lang malaman bakit hinahayaan mong masira ang friendship niyo ni Kai dahil lang sa 'kin?"

Hindi siya nakasagot agad kung kaya yumuko siya, alam kong hihingi siya ng tawad pero bago mangyari 'yon, nagmamadali akong pumasok ulit sa loob ng resort para hanapin si Kai.

"Kesia, what's wrong?"

Natigilan naman ako nang bigla akong tanungin ni Azura, hindi ko naman na mapigilan ang luha ko.

"Azura..."

Tila ba'y isa akong bata na naiinitan dahil sa sobrang pag iyak ko, ang sakit sakit.

"Ayos lang yan Kesia, iiyak mo lang."

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Azura, siya lang ang palaging handang makinig sa drama ko sa buhay.

"I love you Azura"

"Alam ko, Kesia... Alam ko, iiyak mo lang yan Kesia, nandito lang ako."

"Ang sakit Azu, sobrang sakit..."

Sa sobrang iyak ko ay halos hindi na ako makahinga, alam ni Azura na ganito ang pakiramdam ko sa tuwing umiiyak kaya naman ay palagi rin siyang may dala dalang inhaler.

"Gusto mo ba kumain tayo ng ice cream sa loob? Para naman mabawasan yang bigat ng pakiramdam mo, alam ko naman na hindi madali ang pinag dadaanan mo ngayon."

Ngayon ko lang siya narinig na sabihin 'to sa 'kin, sa sobrang saya ko ay hinayaan ko siyang kontrolin ang buhay ko na para akong doll o asong sumusunod sunod lang sakaniya.

"Halika Kesia, pasok ka na."

Sinunod ko naman siya agad, pagpasok namin ay bigla kaming nagulat nang puntahan kami ni birthday boy, si Jack.

"Hey, Kesia and Azura, right? Ang ganda niyong dalawa ngayon, let's all swim together later after the party."

Nakangiti siya, nawawala pa nga ang mga nito.

Tumango naman kaming dalawa ni Azura at ngumiti rin sakaniya.

"Pst, ikaw ha, baka mamaya type mo na 'yon."

Pang aasar ko kay Azura, alam ko kasing chinito ang mga type niya.

"Shhh ka lang nga, baka mamaya may girlfriend na yan, hindi naman ako papayag na maging third wheel lang."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya, oo nga naman, kahit sino naman kasi ay hindi gugustuhin na maging third wheel.

"Well ang alam ko wala yang girlfriend, tsaka if ever may gf yan aba malamang kasama na niya 'yon ngayon pero wala eh, may chance ka diyan!"

Pagpupumilit ko sakaniya kaya naman ay natawa na lang ito at tsaka tumango sa akin.

"Napaka supportive mo talaga, nakalimutan mo nang i-support ang sarili mo."

Bigla akong natamaan dahil sa sinabi niya, I hate to admit pero tama siya, minsan ay nasosobrahan ako sa lahat to the point na nakakalimutan ko na ang sarili ko.

"Oh, natahimik ka naman"

Mapakla akong napangiti kay Azura, kahit sa loob ko ay sobra na akong nasasaktan, alam ko naman na tama siya pero hindi ko maiwasan ang masaktan.

"Sakit mo talaga mang real talk"

"Ay HAHA, real talk ba kamo? Syempre, kapag stating facts ang usapan, ako na ang ilaban mo sis!"

Natawa naman kami dahil sa kalokohan niya, kahit nagb breakdown siguro matatawa dahil sa pinagsasabi neto, parang may sayad eh.

Ilang minuto pa lang ang lumipas, marami ng tao ang nagmamadaling lumabas para makapag swimming.

"Bilisan mo na kumain ng ice cream, atat na akong mag swimming"

Naiinis ako rito kay Azura eh, may nakita lang na pogi kanina pati ako ay gusto na niyang idamay sa kalokohan niya.

"Huwag mo nga akong madamay damay sa kalokohan mong babae ka, hindi naman ako uhaw sa poging lalaki 'no!"

Nag aasaran lang kami nang biglang may humila sakaniya papunta sa labas, si Jack pala.

Natatawa na lang ako sa reaction ni Azura, gulat ito pero kalaunan ay kinikilig na.

Bagay talaga silang dalawa ni Jack, pero kahit gano'n ay hindi ko maiwasan na mag isip ng masama tungkol kay Jack.

Sa sobrang pogi niya, impossible naman na wala pa siyang naging ex kahit isa, at medyo halata sa pagmumukha niya na natutuwa lang ito kapag nakukuha ang gusto.

Wala pa naman experience si Azura tungkol sa love, actually pati ako.

Sa tagal ng samahan namin ni Azura, masasabi talaga na wala siyang oras para sa love dahil halos buong araw nito ay binubuhos niya sa libro at pag aaral.

Mr. Perfectly FineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon